Chapter 16

0 0 0
                                    

Mali ba ang nagawa ko? Tama ba si Elizabeth na mahal niyo ako? Na kailangan niyo rin ako.

Nagpatuloy ang araw ko na walang ginawa kundi ang makipaghabulan sa mga makukulay na tutubing karayom, maglunoy sa malinaw na batis, maghuli ng mga puting paru-paro, tipahin ang harp at gumawa ng malungkot na musika, makipagkwentuhan sa matandang babae na walang ginawa kundi ang bigyan ako ng mga moral advice, at sa hindi ko mabilang araw, Elizabeth always seeing me here through her dreams.

Sinusubukan na kombinsihin na bumalik sa katawan ko kahit hindi sigurado kung ano ang mangyayari sa kaluluwa niya once I get back.

"Nalulungkot ka ba?"

Muling lumitaw sa likuran ko ang matandang babae, naiiba na ang kasuotan niya ngayon. Hindi na ang makulay na bulaklakin na bestida, napalitan na ito ng purong puting kasuotan.

Until now, I'm not sure if she's an angel or a goddess. Ayokong magtanong baka tama nga ako.

"Gusto mong sumama?" paanyaya niya sa akin.

"Saan po?"

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya sa katanungan ko. Inilahad ang kamay niya na kumikinang sa liwanag.

"Kung nasaan ang tunay na kaligayahan mo."

Hindi ko alam kung bakit ko naiatras ang isang paa ko ng isang hakbang. Bumakas ang matinding takot sa buong mukha ko.

Dadalhin niya ako sa lugar kung nasaan ang tunay na kaligyahan ko?

"Wag kang matakot, nasa tabi mo lang ako."

Kahit natatakot ako sa lugar na pupuntahan naming dalawa. Pikit ang mga mata na inabot ko ang nakalahad na kamay ng matandang babae. Hinayaan siya na tangayin ako sa lugar na tinutukoy niya.

"Arabella?"

Pinanlambutan ako ng dalawang tuhod sa batang babae na nakaupo sa isang bakal na duyan. Nasa lupa ang paa niya, sinisipa ang alikabok at maliliit na mga bato.

Nataikip ko ang kamay sa bibig ko. Hindi makapaniwala na tiningala ang mukha ng matandang babae. Paano niya nalaman ang tungkol kay Arabella? Walang nakakaalam sa existence ng bata tanging ang yaya ko na nagretiro ang may alam nito!

"Pagod na ang kapatid ko, Anastacia. Gusto na niyang magpahinga. Subalit hindi niya ito magawa dahil sa tungkulin na hindi niya pa natatapos."

Kapatid?

Kapatid siya ni Yaya Susan? Mas nagulat ako sa naging pag-amin ng matandang babae na kaharap ko ngayon. Hindi nabanggit ni Yaya Susan about her sister.

"Matanda na si Susan...nag-iisa." Niyuko ng matandang babae ang nakatingala kong mukha. "May sakit ang kapatid ko, Anastacia. Pinahihirapan siya nito, pinapatay nang dahan-dahan...ayokong nakikita siyang naghihirap. Pakawalan mo na siya. Balikan mo na si Arabella at maging ina ka."

Takip ang bibig ko, ilang beses na napapailing. No! Ayoko. Natatakot ako. Isa akong masamang ina!

"Granny...

Pinabayaan ko siya, hinayaan ko na lumaki ang anak na walang kinilala na magulang. Inilayo ko si Arabella hindi lang sa akin, kundi gayundin sa kanyang ama.

"Miss ko na si Mama. Gusto ko na silang makita ni Papa."

Mas lalo akong kinain ng konsensya ko sa kalungkutan na kalakip ng boses ng batang babae. Mariin kong naisara ang mga mata ko, iniwasan na makita sa mga mata ng bata ang katunayan nang nagawa kong kasalanan sa kanya.

"Miss na miss ko na po sila."

Kumawala sa akin ang malakas na hikbi nang marinig ko ang mahinang pag-iyak ng anak ko. Napabayaan ko siya. Sa kagustuhan kong makuha ang pagmamahal ni Stone, hindi ko man lang naisip ang nararamdaman ng anak ko.

Nakita ko kung paano ikulong sa mga bisig ni Yaya Susan ang umiiyak na anak ko. Sa pagitan ng mahina, pigil na pag-ubo, sinubukan ni Yaya Susan na patahanin si Arabella.

"Hindi lang ikaw ang nahihirapan, Anastacia."

Sa ikalawang pagkakataon, naglaho kami ng matandang babae. Lumitaw sa mismong lugar kung saan ko nakukuha ang matinding kalungkutan na mayroon sa puso ko. Ang mansyon ng mga Clarkson, ang bahay namin.

Ilang beses akong napailing, nagmamakaawa sa matandang babae na wag pumasok sa loob ng kabahayan. Pero hindi rin niya ako pinakinggan, gaya ng karamihan.

"Papa?"

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ng matandang babae. "Mahal ka niya...pero nahihirapan siya na ipakita ito sa inyong dalawa ng mama mo."

Katulad ng anak ko na si Arabella, simula pagkabata ko nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ama. Humihiling na sana, mapansin niya ang lahat ng mga effort ko, hindi ang mga maling nagawa ko.

"Pasensya na...you're always in troubles because of my name, my sweet Asia."

Muli kong natakpan ang bibig ko habang pinapanood ko ang paghaplos ni Papa sa ulo ko. Ang tingin ni Papa sa akin ngayon, malayo sa palaging nakikita ko sa kanya noon. Istrikto, dominante, at mahirap makuha ang atensyon niya.

Ang tingin ni Papa sa akin ngayon...puno ito nang pagmamahal ng isang ama para sa kanyang anak. Ang kinakatakutan ko noon na mabagsik na mukha at mga mata ni Papa, nabahiran ngayon nang matinding pag-aalala.

"Sorry for giving you a heartache and disappointment being as your father. I am very sorry, my sweet Asia. Nahihirapan kasi ang daddy na ipakita sayo kung gaano kita kamahal...kung gaano ako kasaya na ikaw ang naging anak ko."

Pa, hindi iyan ang nakita ko noon sayo. You despise me because I'm always failure being as your daughter.

"Alam ko rin na nahihirapan ka sa mga naging desisyon ko para sa kinabukasan mo. Kaya marahil mas ginusto mo na lang ang makalimot. Hindi mo gustong maalala kung paano naging masamang tatay ang daddy mo. Hindi mo na rin gustong maalala kung paano kita bigyan ng sama ng loob...okay lang iyon."

Nakita ko kung paano punasan ni Papa ang luhang kumawala sa mga mata niya. Ngayon ko pa lang nakita si Papa na umiiyak nang dahil sa akin. "Okay lang na kalimutan mo ang mga memories nating dalawa, baby. Pero ang makita kita na paulit-ulit na sinusubukan na kitlin ang buhay mo para matakasan lang ako. Iyon ang bagay na hindi mapapatawad ni Daddy, baby. Nasasaktan ako na makita kang sumusuko na mabuhay...ayaw mo na ba talagang makasama ang papa?"

No! Gusto po kitang makasama!

"Hayaan mo...simula sa gabing ito, ang desisyon mo na ang masusunod, hindi ang sa akin. Sige...kung ang makasama ang mga kaibigan mo sa darating na holidays ang magbibigay sayo ng ngiti, ang magbabalik ng sigla na minsan kong pinutol. Papayagan na kita kahit nalulungkot si Daddy."

Papa.

Sa sobrang focus ko sa nararamdaman ko, sa sakit na ibinibigay ng mga taong nanakit sa akin. Hindi ko man lang napansin na kahit ang papa ko, nahihirapan rin sa sitwasyon namin. Sinasaktan ko rin pala siya sa mga aksyon na nagagawa ko!

"Ngayon, sabihin mo. Sa nakita mo...hindi pa ba sapat na rason ang dalawang tao na paulit-ulit kang tinatawag. Humihiling ng pangalawang pagkakataon na makasama ka, Anastacia. Hindi mo pa rin ba sila pagbibigyan? Hahayaan mo pa rin ba ang sarili mong maging makasarili? Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Anastacia."

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon