Nasasaktan rin, matagal ko ng gustong isigaw sa harapan nila. Pero natatakot akong gawin.
Ang tawanan nila ang umalingawngaw sa may hallway ng madapa ako after na patirin ng isang grupo ang nanginginig kong mga tuhod sa sobrang takot.
"It's playtime, Freaks" playtime?
Inayos ko ang suot kong salamin, sinubukan na paliwanagin ang nanlalabo kong paningin. Naipilig ko pa ang ulo ko na nasaktan sa malakas na paghampas sa akin ng babaeng kasama ni Frank. Napaigik nang marahas na hablutin ni Frank ang buhok ko.
Si Frank...isa siya sa mga boy bullies na tuwang-tuwa na pahirapan ang buhay ko sa college. Naging kaklase ko rin siya noong junior and senior highschool.
"Alam mo, you don't desserve to be a Clarkson! You're a stupid, at walang laman ang utak mo kundi puro kalandian lang!" And Frank is my cousin, anak siya ng pinsan ng papa ko, sadyang hindi niya gusto ang pagiging Clarkson ko. Ang pagiging mahina ng utak ko at kolelat sa nursing course ang paulit-ulit niyang isinasampal sa akin, isa raw akong malaking sampal sa mga Clarkson. Isang malaking kahihiyan sa pamilya namin. Na kilala bilang mga matatalinong tao, at palaging nangunguna sa lahat.
Marahas niya pa akong binitiwan, malakas niyang sinipa ang binti ko na nabakasan ng nangingitim na pasa. Ilang linggo na after the day na iniligtas ako ni Elizarde, at sa loob ng isang linggo na iyon, palihim nila akong kinukuha at dinadala sa may likurang bahagi ng fine arts building. At sa loob rin ng isang linggo na iyon, they abused me physically. Tadyak, sipa, sabunot at kung anu-ano pang-abuso ang pinaggagawa nila sa akin. Kinatutuwaan na gawing 'laruan' at pamapalipas oras nila.
"Dude! Nalaman na ni Elizarde! Parating na siya! Tara na!" malakas na sigaw ng isa sa mga barkada ni Frank.
"Tsk" naupo sa harapan ko si Frank, sinalo ang ilalim ng baba ko. Nginisian, "Next time I will teach you how to obey my rules, baby"
Nangilabot ako sa ngising mayroon si Frank. Hindi ko rin gusto ang tingin na mayroon siya para sa akin. Pakiramdam ko kasi, hinuhubaran niya ako sa isipan niya.
Ibinaluktot ko ang dalawang tuhod ko sa harapan, umiiyak na niyakap ito. Ayoko na ng buhay ko, wala naman akong kasalanan sa kanila pero bakit nararanasan ko ang ganitong sitwasyon? Wala akong maalala na nagawang mali...kahit labag nasa kalooban ko, sinusunod ko ang mga utos nila, ang mga salita nila.
Masama ba akong tao?
"ANASTACIA!" ibinaon ko sa ibabaw ng tuhod ko ang luhaan kong mukha. "Asia...
Ang mahigpit, mainit na yakap na braso ni Elizarde ang nagpalakas ng pag-iyak ko. Bakit ba sa tuwing kailangan ko siya, parati siyang dumarating?
"Z-Zarde...
"Tahan na"
"W-Wala akong kasalanan..." garalgal ang boses kong wika. Naramdaman ko ang paghaplos ni Elizarde sa ulo ko.
"I know"
"Masama bang magustuhan at mahalin ko si Stone? Bakit ang big deal nito para sa kanila, ginagawang issues?"
"...
"Zarde...tell me...wala ba akong karapatan na magmahal? Dahil ba nerd ako? Dahil ba manang ako manamit? Dahil ba...
"Hush. Hindi pare-pareho ng pananamit ang bawat tao, nasa kanila kung paano ipapakita kung ano o sino sila sa pamamagitan ng kasuotan. Wag mong sisihin ang uri ng pananamit mo, diyan ka komportable" napakapit ako sa braso ni Elizarde. "At isa pa, hindi mo kasalanan na makikitid ang mga pang-unawa nila sa way ng pananamit mo"
"Elizarde...panget ba ako?"
"No"
"Eh, bakit hindi ako magawang mahalin ni Stone, magustuhan?" humigpit ang yakap ni Elizarde, kapagdaka'y napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...