Chapter 15

0 0 0
                                    

Anastacia Pov.
Akala ko kapag nawala na ako tuluyan nang magiging maayos na ang lahat. Pero narinig ko ang tinig mo, nagsusumamo na pabalikin ako.

Dumaan ang oras, minuto, buwan at linggo na wala akong ginawa kundi maghabol at maghuli ng mga lumilipad na puting paru-paro. Sinusubukan maikulong sa palad ko pero hindi ko magawa ko. Tumatagos lang ang mga paru-paro at muling lumilipad papalayo sa akin.

Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Wala na ang sakit at lungkot na mayroon ako noon. Tanging katuwaan sa mga nakikita ko ngayon, ang matinding pagkaaliw sa mga paru-paro ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"I am a free woman now!"

Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa damuhan, nakadipa ang dalawang kamay na pinagmasdan ang maasul na kalangitan.

Hindi ko sigurado kung nasa langit na ba ako o nasa purgatoryo pa lang.

Pero isa lang sigurado ako ngayon sa sarili ko...hindi ko na gusto pang umalis sa mapayapa, at napakatahimik na lugar na kinaroroonan ko ngayon.

Malayo ito sa lugar na nagbigay sa akin ng mga pasakit at sama ng kalooban.

Dito, hindi na ako umiiyak. Hindi na rin ako inaapi. Hindi na rin ako namamalimos ng konting atensyon at pagmamahal mula sa mga taong mahal ko. At higit sa lahat, nabura na ang lahat ng mabigat na pasanin sa loob ng dibdib ko.

Natagpuan ko na nga ba ang tunay na kapayapaan na kaytagal kong pinangarap?

"Hindi tamang solusyon sa isang suliranin ang pagtakbo at pagtakas."

Mabilis akong napabalikwas ng bangon, hinanap ang taong nagsalita. Isang matandang babae ang nakita kong nakaupo na ngayon sa pwestong kinauupuan ko kanina lang. May hawak na isang harp at tinitipa ng mga daliri niya ang string nito.

"Kaduwagan ang ginawa mo."

"Who are you?" Hindi ako nautal?!

Wala sa sariling nahawakan ko ang bibig ko. Hindi makapaniwala sa nagawa. Simula pagkabata ko, I'm always this kind of habbit that I can't control or even to avoid. Nanginginig ang boses ko, nauutal kapag nagsasalita. But now?

"Halika. Tutulungan kitang paghilumin ang mga sugat sa pagkatao mo bago ka bumalik sa katawang lupa mo." nakangiti niyang wika, hindi sinagot ang tanong ko.

Bumalik sa katawan ko? Ibabalik nila ako sa katawan ko?

Naiatras ko ang kanan kong paa, bumakas ang takot sa mga mata ko.

Babalik ako sa mundong tinakbuhan ko? Babalikan ko ang mga taong walang ginawa kundi ang saktan at abusihin ako?

Pero ayoko na!

"Wag kang matakot. Sasamahan ka niya sa panahon nang pagpapahilom ng mga sugat na nilikha nila sa'yo."

Sasamahan, who?

"Mahilig ka ba sa musika?" pang-iiba niya sa usapin. "Halika dito sa tabi ko, ipagtitipa kita ng magandang musika."

Tinapik ng matandang babae ang gilid niya, inaanyayahan akong maupo at sundin ang naging utos niya.

Kusang kumilos ang paa ko para humakbang palapit sa matandang babae. May kung ano sa boses ng matanda na nagpapakilos sa katawan ko para sundin siya. Paniwalaan ang mga sinasabi niya ngayon.

Napasinghot ako nang makaupo ako sa tabi ng matandang babae. Walang ingay na umiiyak.

Ang musika na hinahabi ngayon ng matanda, ang dahilan kung bakit bumabalik sa akin ang sakit at lungkot na gusto kong takasan sa mundo ng mga buhay. Ibanabalik sa akin ng musika ang bawat pangyayaring dumudurog sa buong pagkatao ko.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon