Ngayon sigurado na ako...ikaw nga ang mahal kong tunay, ang nagmamay-ari ng puso ko.
Anastacia PoV.
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti nang malingunan ko ang mukha ng asawa ko.Ilang araw na kaming nasa yate at naglalayag sa karagatan bilang mag-asawa, but until now...I still can't believe na ikinasal na ako sa lalaking mahal ko at sa mismong araw rin ng kasal ko kay Stone.
Umangat ang kamay ko para sa haplusin ang namumula nang mukha ni Elizarde.
Sa ilang araw rin na pamamalagi namin sa yate, wala siyang ginawa kundi ang isama ako sa paglalangoy at turuan akong patakbuhin ang yate. Dahilan ng pamumula't konting tan na kulay ng balat ng asawa ko.
Pero bakit ganoon...ang gwapo niya pa rin sa mata ko?
Hindi ko napigilan ang mapahagikhik nang sundutin ko ang pisngi ng asawa ko. Napakislop pa siya nang marahan kong pinagapang ang duluhan ng hintuturo ko mula sa may sentido niya, pababa sa tenga. May kiliti ang asawa ko sa may tenga...at alam ko ang bagay na 'yun!
"Asia...stop it." napapaos, at inaantok na wika ni Elizarde.
Kinuha niya pa ang kamay kong humahaplos sa may tenga niya. Itinapat sa labi niya, ginawaran ng maliit na halik ang likuran ng palad ko.
"Good morning, wife." he greets me with a sweet smile.
"Good morning too, husband."
Pinanood ko ang marahan na pagdilat ng mga mata ni Elizarde. Mas lumawak ang pagkakangiti ko nang muli kong matunghayan ang kulay tsokolate na mga mata ng asawa ko.
Ako lang ba, o sadyang taglay ng mga Aragon ang kakaibang kislap ng mga mata, na may something sa mga mata nila na nagdudulot sa'yo ng mga goosebumps. Tila ba ginagayuma ka ng mga mata nila.
Mabilis kong nailapit ang mukha ko sa mukha ni Elizarde, ninakawan ng halik ang labi niya. "Bangon na diyan, I'm hungry. I don't know how to cook, remember?"
Hindi ko naiwasan na mapahaba ang nguso ko dahil sa ideya na hindi ako marunong magluto. Gusto ko pa sana siyang ipagluto ng agahan, o 'di kaya'y gawan siya ng mga sweets.
Magpapaturo talaga ako kay Elizabeth kapag nakabalik na kami ni Elizarde ng Caramoan Island!
Balita ko kasi, si Elizabeth ang may talent sa kitchen gaya ni Elizarde na namana ang talents ng Mama at Lola Esther nila.
Natawa ng mahina si Elizarde sa sinabi ko, marahan na bumangon at nagawa pang maupo sa kama.
Yah! Sinabi ko nasa kanya na gutom na ako, at hindi ako marunong magluto! Ayaw niya ba akong ipagluto?
"You never change, Asia. Kitchen still hates you."
"Oo na! Wag mo na akong asarin. Magluto ka na nga!" naiinis kong dinampot ang unan at malakas na inihagis sa mukha niya.
Pero in the end, hindi naman nasaktan si Elizarde dahil nang tumama ang unan sa mukha niya, tila isang langaw lang na dumapo.
I let out a light sighed.
Kahit gustuhin ko na sampalin si Elizarde pero ayaw akong pagbugyan ng katawan ko. It's still the same soft and fragile me.
Kahit nagagalit na ako, hindi halata sa reaksyon ng buong katawan ko.
"Bacon sandwiches or omelet rice?"
Napahinto ako sa pagpihit ng seradula ng bathroom nang marinig ko ang dalawang favorite breakfast ko.
May matamis na ngiti sa labi na nilingon siya. "Both. Namimiss ko na kasi ang mga niluluto mo, husband."
"Okay. I'll wait you downstairs." huling wika ni Elizarde bago ko naisara nang tuluyan ang pintuan ng banyo.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...