Am I not enough?
"What is this?" napapikit ako ng mariin ng ihagis ni Papa ang report card na kinuha niya kanina sa may den office. "Nag-aaral ka ba ng maayos, Anastacia?"
"Bakit ang baba ng mga grades mo? Singko?! Ano bang pinaggagawa mo sa eskwelahan? For pete sake, Anastacia! Sina Frank kahit mahina ang mga pang-unawa sa matematika, nakakuha ng tres na grado pero ikaw na anak ko...si Carlos na walang laman ang utak kundi puro kalokohan, may tres pero ikaw deretso singko!" napatalon pa ako sa malakas na pagsigaw ni Papa. " Mabuti pa ang dalawang pinsan mo na iyon kahit puro kabulastugan ang mga pinaggagawa, makakapagtapos nasa medisina't magiging doktor na pero ikaw..."
Hindi ko gusto ang nursing pero pinilit niyo akong kuhanin.
"Nakakahiya ka!" kailan niyo ba ako ipinagmalaki sa mga Clarkson, sa mga kakilala mo?
"Anong mukha ang ihaharap ko sa mga kamag-anakan natin? Kapag nalaman nila ang unica hija ko, bumagsak na naman sa panibagong taon niya sa nursing. Babalik sa unang taon...Anastacia naman! Mag-isip ka nga naman ng maayos!" nahihirapan na rin ako sa perfect vision niyo for me. Kahit kailan, hindi ko makukuha ang approval niyo, ang paghanga niyo, Papa. Parati na lang ako ang mali, ang hindi nag-iisip ng maayos.
I heard Papa let out a heavy sighed. "Paano kita ihaharap sa kanila Mama next week? Bakit ba binigyan ako ng isang anak na walang kwenta, walang laman ang utak kundi puro kalandian lang!" ang lola? Gusto akong makita ni Lola?
Kusang kumilos ang kaliwang paa ko, napaatras.
Tumahimik si Papa panandalian pero nang nagsalita na siya, nag-unahan nasa pagpatak ang mga luha ko. "Give me your phone...no gadget for the whole month, even your laptop babawiin ko na rin. Hangga't hindi tumataas ang grado mo, akin na muna ang mga gadget mo, hindi ka rin muna sasama sa mga lakad ng mga kaibigan mo kapag weekends. Buong isang linggo dito ka lang sa bahay, mag-aaral ka, naiintindihan mo ba ako, Anastacia!?" pero hindi na ako highschool, college na ako Papa! Bakit mo ba ako ginaganito? Nahihirapan na ako!
Napahinto ako sa paglalakad, napagala sa kabuoan ng silid ko. Napapatitig ng matagal sa mga makakapal na science book, at medicine books. Kahit kailan hindi ko nabubuklat ang mga iyan, nililinisan lang ni Manang para hindi halatang hindi ko ginagalaw.
No gadgets. No circle of friends. No affection. No love. No care. My schoolmates bullied me. My dad expectation for me is too high! Napalingon ako sa mga art materials na nasa isang sulok lang. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. Ano pang silbi ng buhay ko?
Marahan na kumurap ang mga mata ko, walang kabuhay-buhay na naglakad palapit sa may kama ko. 'Stone.
Tanging si Stone lang ang pinanghuhugutan ko ng lakas para magpatuloy, ang gumising sa panibagong umaga. Kapag nawala siya, tuluyan nang maaapula ang apoy ng determinasyon ko na magpatuloy na mabuhay.
"Asia!"
Ang malakas na pagdapo ng palad sa may pisngi ko ang nagpahinto sa paglalakad ko. Ang nagpabalik sa naglalayag kong diwa. 'Mandy
Nakasalubong ng paningin ko ang namamasa niyang mga mata. "Ang pinsan ko...
Hinila niya ako't ikinulong sa isang mahigpit na yakap. "Sorry ngayon lang ako nakabalik"
Hindi kami magkasundo ni Mandy, isa rin siya sa mga girl cousin ko palagi akong inaasar at inaagawan ng mga laruan noong mga bata pa kami but then...I can't deny the fact that she's still a good cousin for me. Sa kabila ng pagiging maldita niya sa akin noon, hindi niya ako hinahayaan na mabully nina Franks at ilan naming mga pinsan na babae. She's always my lifesaver, my first girl-bestfriend, my partner in crime. Hindi niya iniiwanan kapag may problema ako, she's always giving me a comfort and support. Siya rin ang gumagabay sa mga mali kong desisyon, ang nagpapayo ng mga tamang gagawin ko.
"Ano bang nagustuhan mo sa bato na 'yun? Hindi naman siya gwapo ah!" litanya ni Mandy bago kinagatan ang hawak na burger. Pagkatapos niya akong sampalin sa harapan ng karamihan, nakasimangot na kinaladkad niya ako sa isang burger stoll. Wag na raw muna akong pumasok ngayong araw tutal naman napagalitan na ako ni Papa kahapon.
May pilit na ngiti sa labi na kinagatan ko ang hawak kong burger. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ko nagustuhan si Stone.
"Mas gwapo pa si...
Naningkit ang mga mata ni Mandy, sinulyapan niya pa ang mukha ko bago napabuntong hininga. 'Si Denver?
Lihim na lang ako na napangiti. Hindi niya pa kasi aminin na crush niya ang bestfriend ko na si Denver. Na pinagseselosan niya ako.
She let out a heavy sighed. "Change topic na nga tayo, stop thinking the boys. May oras para sa kanila...anong plano mo next week? Grandma want to see you" alam ko. Kaya nga natatakot ako na magpakita sa kanya sa susunod na linggo lalo na't bagsak ang mga grado ko. I'm pretty sure na nagsumbong na sina Frank sa kanya about my failing grades again.
"G-Galit na naman siya...
"Panigurado, grandma has a highly expectation on us. Kilala mo siya, may parusa sa mga bumabagsak at may mababang grades" marahan kong naibaba ang burger, kinuha ang milktea tyaka deretso na sinipsip ang straw nito. "Ilang taon ka nang pinarurusahan ni Grandma about your failing grades, hindi na nakakagulat kung mas bibigyan ka nang mabigat na kaparusahan than the past year"
Bukod sa pagbubuhat ko ng mga makakapal na medicine book, pagluhod ng ilang oras sa munggo, ang paglilinis ng garden niya during summer break, at ilang beses na pagpalo ni Grandma ng ruler sa magkabilaang palad ko. Ano pang mabigat na kaparusahan ang ibibigay niya sa akin?
Mas natakot ako sa ideya ng kaparusahan sa pagbagsak ng grado ko. "Ano ba kasi ang nangyayari sayo, cousin? Noong elementary and highschool, ang tataas ng mga grades mo, nagtapos ka pa nga na may honors, with highest honor pa iyon ah! What happen to you now? Why sudden change?" nasa mga mata ni Mandy ang matinding pagtatanong.
Hindi ako kumibo. Hindi rin naman niya maiintindihan. Hindi niya nararamdaman ang matinding pressure na ibinibigay ni Papa, ni Grandma sa pag-aaral ko. Hindi siya ang nahihirapan sa perfect vision na plano nila for me, nagagawa niya ang mga gusto niya na malayo sa reality ko.
"Dahil ba sa pressure? Kay Tito Andrei?" panghuhula pa ni Mandy. "Hindi mo ba kaya ang mga expectation niya para sayo?"
"I-I love arts...
Nahinto si Mandy sa pagsasalita. "E-Elizabeth...ang s-swerte niya dahil m-may suporta siya ng p-pamilya niya." hindi ko na napigilan na maisatinig.
"Are you envying her?" napatango na lang ako. "But she's your friend?"
"K-Kinalimutan niya ako."
"May amnesia, Anastacia! Hindi ka niya kinalimutan, hindi niya ginusto iyon! Ano ba! Iyan ba ang reason mo kung bakit ka umiiwas sa kanya? Hindi kasalanan ni Elizabeth kung ano ang trato sayo ni Tito Andrei, walang kinalaman si Elizabeth sa mga desisyon ng papa mo," naiinis nang wika ni Mandy.
Humigpit ang hawak ko sa milktea. Wala? "N-Nakikita ni Papa si Elizabeth bilang modelo ng ulirang anak na babae. Gusto niya..na maging anak si Elizabeth, m-mas gusto ni Papa si Elizabeth kaysa sa akin. Minsan ko nang narinig na sinabi ni Papa ang mga bagay na 'yon kay Grandma." Kusa nang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko. Hindi pa ba ako sapat para mahalin nila?
"Oh, Asia! My poor cousin." Tumayo si Mandy sa kinauupuan niya, nilapitan ako at niyakap ng sobrang higpit. "You're enough to be love, Asia. Wag mong isipin na hindi ka pa sapat para mahalin namin. Mahal kita, tanggap kita sa kung ano ka."
Sana ganoon rin sina Papa't Grandma. Sana makita nila ang mga effort ko para makuha ang expectation na gusto nilang makuha ko.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomansaBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...