Hindi ka dumating kaya napunta na naman ako sa maling daan. Nasaan na ang liwanag mo?
Anastacia PoV.
Magaan ang pakiramdam na bumangon ako mula sa kama. May ngiting nakapaskil sa labi na nag-inat ako ng dalawang braso."Good Morning world," puno ng kasiglahan na sigaw ko.
Umalingawngaw sa kabuoan ng kwarto ko ang malamyos na boses ko.
I chuckled when I heard my ehoed voice.
Funny. Noon, hindi ko magawang ngumiti kapag gumigising sa umaga. Palagi na lang akong matamlay at walang sigla ang bawat kilos at pananalita.
Pero ngayon...
Dumiretso na ako sa bathroom ng silid ko na halos puti ang kulay ang bawat sulok noong panahon na nakakaranas ako ng matinding depression. Pero ngayon gaya ko, nagbago na rin ito.
Pinakulayan ko ng pintura na maaliwalas sa mga mata. Berdeng kulay, mga puno ng niyog at beaches na ako mismo ang gumuhit. Kinuha ko mismo ang desenyo sa mga tanawin na nakita ko sa Caramoan Island.
I blinked twice.
Hinaplos ko ang salamin dahil sa bagong repleksyon ng babaeng nakita ko mula dito.
Ibang-iba na siya. Malayo nasa malungkutin, haggard ang mukha, at mahinang babae na nakasanayan kong makita na repleksyon.
Isang masayahin na repleksyon ng isang babae, marunong ngumiti ng tunay at nagagawa nang maging positibo sa buhay ang nakikita ko na ngayon sa sarili ko.
Pinagupit ko nang maiksi ang buhok ko at pinakulayan ng blonde. Hindi ito tinutulan nina Papa at Lola nang ipaalam ko ang plano ko. According to them, nakuha ko na ang freedom ko to make a decision, wholely.
Ang hindi ko lang inaalis o binago sa sarili kong buhok, ang bangs na si Elizabeth ang gumawa. Nagpapaalala kasi ang bangs ko na minsan akong sumuko na mabuhay at minsan ring iniligtas ni Elizabeth. At iyon ayokong mawala gaya ni Elizabeth, gaya ng mga alaala niya.
Dumaan ang lungkot sa mukha ko nang bumalik sa akin ang imahe ni Elizabeth na may pilit ang ngiti.
"Sorry, Betty. Hindi ko ginusto ang mawala ka. Hindi ko ginusto na ikaw ang magbayad ng mga kasalanan ako ang may gawa."
Sana...nakatawid siya ng maayos sa kabilang buhay. Sana...sa heaven ang kinahantungan niya.
I still believe na...isang mabuting tao si Elizabeth at pinatawad ni Lord ang mga kasalanan na nagawa niya noong nabubuhay pa siya.
She desserved to enter on the heaven.
"You're a nice person, and thank you for saving me, Betty."
Mabilis kong tinapos ang paliligo at pagbibihis bago tinahak ang daan papuntang kusina.
Ang tanawin na kaytagal kong pinangarap noon, ginawang posible ni Elizabeth ngayon.
"Ang aga naman para sa asukal," malambing kong saad.
Naglakad ako palapit sa high stool chair ng kitchen counter, may matamis na ngiti sa labi na itinuon ang isang siko ko sa island table tyaka pinagmasdan ang mga magulang.
Humiwalay si Papa mula sa pagkakayakap niya kay Mama na gumawa ng sandwich. Nilapitan niya ako't ginulo-gulo ang buhok.
"Good morning, baby," bati niya sa akin. "Too early for the concert?" may ngiti sa labi niyang wika.
Mas napangiti ako sa inasal ni Papa sa akin ngayon. Bumalik na ang dating nakilala kong ama, hindi na siya ang control freak na papa na madalas na makasalamuha nitong nagdaang taon.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomansaBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...