Chapter 12

0 0 0
                                    

Mahal kita. Mahal na mahal...kaya hindi ko naiwasan na matakot sa sarili kong nararamdaman.

Magdamag, umiiyak na ikinukuskos sa buong katawan ko ang sabon. Nagbabakasali na mawala ang bakas nang pambababoy ni Frank. Kadugo ko siya kaya hindi ako makapaniwalang nagawa niya sa akin ang bagay na iyon!

Napakadumi ko na.

Paano pa ako haharap sa mga taong mahal ko? Kay Stone? Kay Elizarde?

"Elizarde...

Wala akong matandaan na masamang nagawa ko sa ibang tao. Sumunod naman ako sa mga iniutos ng mga matatanda. Iginalang ko rin sila gaya ng mga katuruan nila. Nakikinig ako sa mga payo nila para maging mabuting tao ako.

Pero bakit!!?

Bakit ko nararanasan ang ganito!? Ang itrato na tila isang basura at iparamdam ang karumihan ko!

Dumulas sa kamay ko ang bumubula na sabon. Hinayaan ang walang patid na pagbagsak ng tubig na mula sa shower. Umaagos sa buong katawan ko na gaya ng mga luha kong hindi maampatan ng malamig na tubig.

"Asia?" rinig kong tawag ni Mama sa pangalan ko mula sa labas ng banyo.

Hindi ako kumilos o sumagot man lang. Nanatili ang pagkakayakap ko sa basang katawan ko, nakaupo sa malamig na sahig ng shower area ng banyo, at nakayakap sa magkabilaang tuhod ko na nanginginig nasa lamig ng tubig.

"Hija? Anak...Asia? Please, answer me. Anong nangyayari sayo? I heard you're crying!" kinalampag ni Mama ang naka-lock na pintuan ng banyo. Bakas sa boses niya ang matinding pag-aalala.

Nangyayari? Ano nga ba ang nangyari sa akin at naging ganito na lang bigla ang takbo ng buhay ko?

Tanging hiling ko lang, ang matanggap ni Papa ang mga gusto kong gawin sa buhay. Na hayaan akong magdesisyon para sa sarili ko...ang hiling ko lang...ang maging masaya at malaya sa mga kamay nila.

'Tumakbo ka!'

Napakurap ako ng isang beses.

'Wala nang magmamahal sayo lalo na't narungisan ka na naman ng walang pusong tao na iyon!'

'Hindi ka na mahalaga. Wala kang silbi!'

Napasinok ako. Nag-angat ng mukha, deretso ang pagbaling ng mukha ko sa reflection kong lumitaw sa salamin na pader ng banyo.

"Wala akong silbi...

"Wala nang nagmamahal sa akin...

"Ang dumi ko na. Isa akong basura!"

"ANASTACIA!!!"

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ng sahig. Kahit nanginginig ang tuhod, nagawa kong hablutin ang tuwalyang nakasabit sa may dingding. Ibinalot sa basa kong katawan tyaka naglakad palapit sa harapan ng salamin. Pinagmasdan ang namumutla kong reflection.

"Pagod na ako. Pagod na akong mabuhay...

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ko bago hinawi ang reflection ko. "Palabas na po ako, Ma!"

Natahimik si Mama sa labas ng banyo pero sigurado ako na pinakikiramdam niya lang ako. Hinihintay na makalabas at masiguro nga na okay ako gaya nang nasabi ko na.

'Hindi ako okay, Ma. Kailangan ko nang tapusin ang paghihirap ko.'

Nakaupo si Mama sa paanan ng kama ko, nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Napatabingi ang ulo ko tyaka pinakawalan ang matamis na ngiti. Dahilan nang pagbagsak ng mga luha sa mata ni Mama.

"I love you, Ma," saad ko pa.

ANG KOTSE ni Elizarde ang bumungad sa paningin ko nang makalabas ako ng gate ng mansyon. Nakasandal siya sa gilid ng kotse, sa mismong tapat ng bintana nito.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon