Labis ang kaligayahan ko na makita na magkasama kayong dalawa.
A N A S T A C I A
Tinanaw ko ang papalubog na araw mula sa balkonahe ng silid ni Elizarde.After ng naging pag-uusap namin nina Stone, inihatid ako ni Elizarde sa silid niya tyaka iniwan para kausapin ang naghihintay niyang parents sa may opisina ni Señor Aragon.
Wala akong ideya sa pag-uusapan nila pero narinig ko si Elizabeth kanina bago ko naisara ang pintuan, binanggit niya ang pangalan ni Arabella.
Napahawak ako ng sobrang higpit sa tela ng t-shirt ni Elizarde na suot ko. Nalaman na kaya nila ang tungkol sa naging anak namin ni Elizarde? At ipinahanap ni Elizabeth si Arabella?
Dahil kung oo ang sagot, may posibilidad na naririto sa Caramoan Island ang anak ko...sa mansion ng mga Aragon!
Hindi ko pa man nakakaharap ang anak ko...nilukukob na ako ng matinding takot.
What if...kapag nagkita kami ngayon, galit siya? What if...hindi niya gusto na malaman na ako ang mama niya? What if...kinamuhian niya ako bilang isang ina dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya noon?
Maraming 'what if' ang tumatakbo ngayon sa isipan ko. Nagbibigay sa akin ng sobrang takot at panginginig ng buong katawan.
Hindi ko naman ginusto na itago si Arabella sa pamilya ko. Hindi ko ginusto na ilayo siya sa papa niya...ang malayo ako sa kanya.
I had no choice...
"Asia?" Napitlag ako nang marinig ang boses ni Spanide na tumawag sa pangalan ko. "Nandito ka ba?"
"Oo." Lumitaw ako mula sa sulok na pinagkukublihan ko, napataas ang isa niyang kilay nang tuluyan na matunghayan ang mukha ko.
"Anong ginagawa mo sa sulok? Wag mong sabihin na...
Bumakas ang pangamba sa napakagandang mukha ni Spanide.
Napailing ako ng ilang beses para itanggi ang nais niyang iparating sa akin. "No, nagkakamali ka ng iniisip. Uminom na ako ng medicine kanina lang...sinigurado ni Elizarde na makakainom ako ng gamot before we went here." Isang matamis na ngiti na ang sumilay sa labi ko.
"Mabuti naman kung ganoon...akala ko pinababayaan ka ng kutong lupa na 'yun." Naglakad palapit sa kama si Spanide, naupo sa duluhan nito. "Maupo ka, we need to talk."
Ang kaseryusohan na mayroon ang mukha ni Spanide ang nagpadagdag ng kaba sa dibdib ko.
Sinunod ko ang naging utos niya, naupo ako sa gilid ng kama, nakaiwas ang tingin sa seryosong mga mata ni Spanide.
"Kailan mo pa naramdaman na mahal mo si Elizarde? O mahal mo ba talaga siya, hindi ka ba napilitan lang na pakasalan ang pinsan ko."
"Mahal ko na si Elizarde...
Sinulyapan ko ang mukha ni Spanide, napalitan ng malungkot na ngiti na mayroon ang labi ko.
"Ang totoo niyan...naging crush ko na ang pinsan mo noong unang araw na tumapak kami sa Caramoan Island. Hindi ko alam kung bakit, o anong nangyayari sa akin noong araw na 'yun...basta naramdaman ko na lang ang pagbilis ng kabog ng puso ko nang lumitaw ang matamis na ngiti sa labi ni Elizarde habang isinasabit niya sa leeg ko ang garland na pagbati sa mga turista ng isla niyo."Umakyat ang init sa buong mukha ko habang inaamin ang feelings ko para kay Elizarde.
"Kaya ka ba nakipagkaibigan kay Elizarde?"
"A half true...ginusto ko rin naman na maging kaibigan kayo."
Totoo 'yun, ginusto ko rin naman na maging kaibigan ang magpipinsan na Aragon. Maayos ang trato nila sa akin noon, naging mabait sila habang nasa Caramoan Island kami.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...