Paano nga ba ang maging masaya?
Ang puting kisame ang unang bumungad sa paningin ko ng imulat ko ang mga mata ko. Patay na ba ako?
Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Nakatakas na ba ako sa sobrang pressure na ibinibigay sa akin ni Papa? Nakatakas na ba ako sa pambu-bully sa akin ni Frank?
Pero ang nag-aalalang mukha ni Mama ang sumagot sa maling pag-asa ko. Ang sumira sa unti-unting liwanag na pwede kong makita mula sa madilim kong mundo.
"Thanks god at nagising ka na. Pinag-alala mo si Mama ng sobra-sobra" kinuha ni Mama ang kamay ko tyaka hinawakan ng sobrang higpit. "Why did you that...bakit mo...bakit ka..
Nagpakamatay? Bakit hindi mo magawang ituloy ang tanong mo, Mama? Dahil ba kapag nag-iisa ka sa mansyon, hindi mo rin maiwasan na isipin na tumakas na lang, na magpakamatay na lang gaya ng nagawa ko na?
"Tita, I already called Dr. Dmtrio" marahan ang naging pagbaling ng tingin ko sa nagsalita. Ang matamis ka paulit-ulit kong nakikita kapag kasa ko siya, ang ngiti niya na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "How are you?"
Hinaplos ni Elizarde ang buhok ko nang makalapit siya sa hospital bed na kinahihigaan ko. Naupo pa siya sa gilid ko at kinuha ang isa kong kamay. "Don't do that again, okay"
I can't promise.
Pinahid ng daliri niya ang luhang kumakawala sa mga mata ko. "You made me worried" muli kong nasalamin sa mga mata ni Elizardevang matinding pag-aalala para sa nagawa ko.
"W...wa...ter..
Inalalayan ni Elizarde ang marahan kong pagbangon. Si Mama ang nag-abot at tumulong sa akin na maitapat sa bibig ko ang bunganga ng baso.
Siya ba? Nalaman kaya ni Stone ang ginawa ko? Marahil oo, pero wala naman siyang pakealam sa nangyari, sa akin.
"Salamat"
Tanging sina Mama at Elizarde ang bumisita sa akin habang nasa hospital ako. Sina Manang at mga kaibigan ni Elizarde ay dalawang beses na bumisita. Pero ang dalawang tao na kaytagal kong pinapangarap na mapansin ako, hindi sila dumating. Hindi sila nagpakita habang nagpapagaling ako sa loob ng hospital.
"Salamat sa paghatid, hijo. Hindi na kita iimbitahin na pumasok sa loob, you know my husband"
"I understand, Tita" nakangiting wika ni Elizarde kay Mama.
Pumatong ang kamay niya sa ulo ko. "Asia...promise me. Don't give up, okay" hindi ako nag-angat ng tingin, nanatili sa sapatos ni Elizarde ang paningin ko. "Tita, aalis na po ako"
"Mag-iingat ka" ginulo-gulo ni Elizarde ang ulo ko bago tuluyan niyang binitiwan.
Inalalayan ni Mama ang marahan kong paglalakad papasok ng gate ng mansyon. Gumawi pa ang paningin niya sa bakanteng parking area ng mansyon. Nagbabakasali siya marahil na umuwe si Papa kagabi, na kahit isang araw ay manatili si Papa sa bahay. Na gustuhin ni Papa na makasama kahit one day lang, na magkaroon kami ng family bonding na madalang mangyari.
Nahinto ako sa mismong entrance ng kabahayan, mabilis na napagala ang paningin ko sa kabuon ng sala. Yes, we have a wealthy life but then..anong silbi ng karangyaan namin gayung wala namang love sa pagitan ng pamilya ko, na binabalewala kami ni Papa? Na mas ginusto ang habulin ang nakaraan kaysa ang mabuhay na lang na masaya sa kasalukuyan.
Minsan, gusto kong humiling na sana ay naging mahirap na lang ako. No pressure, walang manipulative na relative, at walang highly expectation na pwede nilang ibigay sayo. Pakiramdam ko kasi kapag mahirap ka, salat ka man sa karangyaan pero punong-puno ka naman ng pagmamahal ng pamilya mo, mayroon kang pangarap na pwede mong gawing sandata to strive more and fight all the struggles of life.
Matagal ko nang gustong maging independent, matuto sa sarili kong pamamaraan, na gawin ang mga bagay na gusto ko...ang mangarap at tuparin ito.
"Magpahinga ka na" inihatid ako ni Mama sa room ko before leaving me alone.
Emptiness.
Silent.
Iyan ang dalawang emosyon na bumalot sa akin ngayon. I am always feel this kind of emotion...pakiramdam ko, nag-iisa ako sa buhay ko gayung mayroon namang mga taong nakapaligid sa akin.
KINABUKASAN hindi ako pumasok gaya ng utos ng doctor na. I need rest raw pero kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko na lang na pumasok kaysa ang maikulong sa mansyon. Mas nararamdaman kong buhay pa ako, na tao pa ako kahit puro pambu-bully na lang ang nakukuha ko sa school.
Kapag kasi nandito ako sa mansyon, mas nararamdaman ko ang kalungkutan at pangungulila sa mga taong hindi kami kayang pahalagahan. Na kapag nasa bahay ako, hindi ko maiwasan na mag-overthink at mag-isip ng kung anu-ano...ang marinig ang boses na parating bumubulong sa tenga ko kapag nag-iisa ako, ang boses na nagtutulak sa akin na magtangkang magpakamatay.
"E-Elizarde?"
"Hi?" nakangiting kinawayan niya ako.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"I came here to fetch you. Don't worry, I have already Tita Ariana approvals, nagpaalam na ako sa kanya na ipapasyal kita ngayong araw" ipapasyal?
This is the first time na narinig ko ang banyagang salita na iyan. Ipapasyal.
Nagdalaga na ako pero never kong narinig kay Papa at Mama ang ipasyal nila. Kung hindi pa ayain sa family reunion at get together ng mga Clarkson sa Caramoan Island, hindi ko pa mararanasan ang magkaroon ng family bonding kung matatawag nga na ganoon ang mga naging vacation namin sa isla.
Matagal akong napatitig sa nakangiting mukha ni Elizarde. Bakit ba parati na lang ikaw ang gumagawa ng mga bagay na nagpapasaya sa akin? Ang magpaparamdam sa akin na pwede akong maging masaya sa kabila ng mga pagkukulang ng mga taong mahal ko?
"Go, change your clothes. Maghihintay ako" bakit ba hindi kita kayang magustuhan, Elizarde? Napakabuti mo sa akin.
Inabot ng oras ang pagbibihis ko sa sobrang mabagal na pagkilos na mayroon ako. Sinubukan ko naman na maging mabilis minsan kaya lang gasgas at mga galos ang nakuha ko sa pagsubok na bilisan ang pagkilos ko. May mga nababasag pa akong mga kagamitan, at nasisira na mga bagay.
"S-Sorry n-natagalan ako" tinawanan lang ako ni Elizarde. Ginulo-gulo niya pa ang ulo ko.
"Hindi ba sinabi ko sayo kanina...handa akong maghintay" napakurap ako ng ilang beses. Handa siyang maghintay? Iba ang naging pakahulugan nito para sa akin.
Ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Elizarde ang nagpatulo ng mga luha ko. "Elizarde...
"I know you're into arts so..what do say about my surprise?" nagulat si Elizarde nang sugurin ko siya ng yakap, umiiyak na ibinaon ang buong mukha ko sa dibdib niya. "You're still my crying baby, Asia"
"Thank you talaga. Thank you. Thank you...
Gumapang ang dalawang kamay ni Elizarde sa bewang ko, gumanti ng yakap sa akin. "Para sa happiness mo, Asia. Handa kong gawin ang lahat para sayo, ang ibigay ang mga pangarap mo na hindi mo kayang tuparin. Ang ibigay sayo ang mga bagay na nagpapangiti sayo...ganoon ka kahalaga sa akin, Asia...
Mas humigpit ang pagkakayap sa akin ni Elizarde. "Kahit hindi ako ang lalaking nagmamay-ari ng puso mo"
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...