Kailan ka ba titingin sa akin ng deretso? Na bigyan ako ng tingin na may pagsuyo?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro. Matagal ko nang batid ang relationship na mayroon sa kanilang dalawa. Cool off, break-up at may malabong relationship.
Sinundan ng tingin ko ang naglalakad sa gitna ng hallway na magkasintahan. Simula nang magtapos ng highschool sina Stone at nagdecide na mag-aral dito sa Manila. He's always with that girl, na according to Elizarde, si Ziffany ang two years ng girlfriend ni Stone. Ang babaeng gusto ni Doña Margareth na ipakasal sa kanya.
Wala akong ideya sa bagay na iyon, dalawang taon rin kasi siyang namalagi sa Hacienda Isla Verde after Elizabeth accident. Huminto ng dalawang taon bago siya hinayaan ni Doña Margareth na magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo. Kaya nga, heto ako ngayon dalawang taon na pabalik-balik rin sa first year ko sa nursing. Bukod sa nahihirapan sa kinuhang course ni Dad para sa akin, gusto ko rin kasing makasabay sa pagtatapos si Stone.
Pero ang hindi ko napaghandaan, ang babaeng kanina pa nakalingkis sa braso ni Stone. Malapad ang ngiti sa labi, nakataas ang noo na tila ba nagyayabang na siya ang nobya ni Stone. Kung alam niya lang ang totoo about real feelings of Stone baka siya pa ang unang iiyak kapag nagkataon.
Gaya ko, nasasaktan. Nagseselos sa batang si Elizabeth na nakakuha ng mailap na atensyon at puso ni Stone.
Naiyuko ko ang ulo ko, hinayaan na bumagsak ang nakalugay kong buhok. Sinubukan na itago ang mukha ko at iiwas sa paningin ni Stone na dumako sa direkyon ko.
Gusto ko siya. Mahal ko siya. Yes. But then hindi ko maiwasan na mahiya kapag tinitingnan niya ako sa mukha ko. Tingin niya pa lang, pinapahina na niya ang mga tuhod ko, pinakakabog niya ang dibdib ko!
Hinintay ko siya na mag-iwas ng tingin, na makalayo sa aking pwesto. Nanginginig ang tuhod ko na marahan na tumayo. Nakita ko na siya, okay na ako. Nakontento na ako na malapatan kahit panandalian na tingin ni Stone.
"Asia" kusang lumitaw ang ngiti sa labi ko nang makita si Mandy. "I'm back!"
"We.
Mas napangiti ako nang lumitaw mula sa kanyang likuran si Denver. Ang dalawang tao na palaging nasa tabi ko kapag wala si Elizarde. Na napagsasabihan ko ng mga marurumi kong sekreto na hindi ko magawang sabihin kay Elizarde.
"Mandy" lihim akong napangiwi sa mabining tono na mayroon ang boses ko. Ang magaan, at marahan na paglalakad ko ang umagaw ng atensyon ng karamihan. Kahit gustuhin ko na takbuhin sila, na maging magaslaw ang kilos ko at gayahin ang karamihan sa kanilang mga kilos but I can't. Hindi sa ayoko, sadya talagang ganito na ako kumilos, isang kimi't mahinhin na babae na kung ihahambing nila ay si Maria Clara.
Mabilis na pumalibot sa katawan ko ang dalawang braso ni Mandy. Kumawala sa bibig ko ang mahinang hikbi nang maikulong sa bisig ni Mandy.
Hindi kami magkasundo ni Mandy, hindi rin kami close. Pero hindi niya hinahayaan na nasasaktan ako, na naaapi ang mga kadugo niya. Hindi man magtugma minsan ang mga paniniwala namin, na minsan nagkakasagutan but in the end of the day we'll still find the way to understand each other.
"M-Miss na k-kita...
Naramdaman ko ang pagkintal ng halik ni Mandy sa sentido ko. "Tahan na. I'm here na, no one can hurt you"
Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Kung alam niya lang ang mga pinagdaanan ko this past year, ang lumipas na dalawang taon ko sa kolehiyo. Baka hindi niya ako magawang salubungin ng may ngiti sa labi.
"Ang baby cousin ko, you're crying again" hinaplos niya ang likuran ng ulo ko. "May klase ka pa ba?"
"H-Hindi a-ako p-pumasok...
"What?!" sa sinabi kong iyon, mabilis niya akong hinila palayo sa kanya. May pagtataka sa mukha na tingin ang mga mata ko. "What do you mean na hindi ka pumasok? May nangyari ba na hindi maganda? Bullies again?"
Ilang beses akong napailing, isang kimi na ngiti ang ipinakita ko sa kanya. Muli kong niyakap ang leeg ni Mandy. Ayokong makita niya na nalulungkot at nasasaktan ako nang dahil sa feelings ko para kay Stone.
"Sa cafeteria niyo naituloy iyan. Para sa kaalaman mo, binibini. Gutom na ako" lumipad ang matalim na tingin ni Mandy sa nakabusangot na mukha na si Denver. Tumaas pa ang isang kilay ng huli.
Mahina, walang tunog akong natawa. Ang cute nilang panoorin na dalawa. "Walang nagsabi sayo na sundan mo ang pag-uwe ko sa Pilipinas" nagsusungit siya pero crush naman niya si Denver.
Marahan kong pinunasan ang butil ng luha sa mga mata ko. Niyakap ang kanan na braso ni Mandy, hinila na sa paglalakad.
"Wala ring nagsabi sayo na isipin na sinusundan kita. Pinauwe rin ako ng Pilipinas ng Lolo Danilo ko" depensa ni Denver na nagpalitaw ng gitla sa sentido ni Mandy. Hindi niya gusto ang sinasagot siya ni Denver, ang kinokontra nito.
Si Denver na ang nagpresinta na bumili ng pagkain namin. Naiwan kami ni Mandy sa isang table. Hinarap niya ako, nag-uusisa.
"Ammhh...
"Oh? May new friend si Nerd?" kulang ang paghigit ng hininga ko sa boses na nagsalita sa likuran ko. No, please. Wag ngayon!
Ang gitla sa sentido ni Mandy, mas nahalata na mgayon. Marahan na umangat ang tingin ni Mandy, naagaw ng taong humawak sa ulo ko. Napaupo pa ako ng tuwid, nahihirapan sa paghinga sa kaba't takot na dulot niya sa sistema ko.
Mas nahigit ko ang paghinga ko sa malakas, marahas na pagtabig ni Mandy sa kamay ni Frank. Narinig ko pa ang tawanan ng grupo niya sa ginawa ni Mandy.
"Palaban na chicks" natatawa niya pang wika.
"Ano ba?!" napagaya ako sa pagtingin ni Mandy sa dahilan ng pagreklamo ng isang kasama ni Frank. Napakurap ako ng isang beses, bakit siya nakaupo sa semento?
"May basura sa daan" nakangisi na wika ni Byron Navarro, isa ring kaibigan at tropa ni Stone. Ang playboy at mahilig sa gulo na kaibigan niya. Nasa magkabilaang gilid niya ang pinaka masungit na kaibigan nila na si Robert Peter at ang palangiti't friendly na si Joaquin Fidel.
"Hi, Asia!" kinawayan ako ni Joaquin, nginitian ko lang siya. Ito ang isa sa mga main reason why other students bullied me. They are all envious on the attention that they give on me. Hindi matanggap ng karamihan na ang isang gaya ko na malayo sa modernong pananamit, napag-iwan ng panahon. Sometimes, they address me as Tiya dahil sa suot ko, minsan pa nga kapag nakatuwaan, they address me as principal.
Hindi naman sa katandaan ang mukha ko or even my age. They bullied me because of my get-up na nakasanayan ko nang isuot.
Napasunod ang tingin ko sa grupo ng kaibigan ni Stone. Bumagsak ang nanginginig kong kamay sa ibabaw ng hita ko. Pinagkiskis ko ang dalawang hintuturo ko, nagbabakasali na maibsan ang kaba't takot na mayroon ako. Hindi ko gusto ang tingin na ipinupukol nasa akin ni Frank. I feel strange...a creepy feelings na tanging si Frank ang nakakagawa.
"Tara na. May panira ng paglalaro natin," saad niya pa.
Mabilis kong naiyuko ang ulo ko nang nginitian niya ako. Kapag si Stone at Elizarde ang gumagawa nito, hindi ako natatakot. Pero kapag si Frank? Gusto ko na lang mawala sa mundo sa sobrang takot na ibinibigay niya sa sistema ko.
"Insan" ang yakap ni Mandy ang nagpaalog ng balikat ko. Mas nagpanginig ng kalamnan ko.
Marahil, nakikita nila na nakakaya ko ang bullying na nararanasan ko sa kamay ng grupo ni Frank. Pero ang totoo, pilit kong itinatago ito, sobra akong natatakot sa kanila at wala akong magawa kundi ang sarilinin na lang ang takot ko.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...