Chapter 18

0 0 0
                                    

May tiwala ako sayo. Ipakita mo sa akin ang himala na dulot ng liwanag mo.

Elizarde PoV.
Kahit hindi ko man gustuhin ang nangyayari sa amin ni Anastacia, ang tuluyan na pakawalan at kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit nasasaktan ako at unti-unting kinakain ng matinding kalungkutan sa naging desisyon ko.

Pinanindigan ko pa rin sa huli. Binitiwan ko siya kahit nasasaktan na ako ng sobra.

Kinuha ko ang kamay ng babaeng ilang buwan nang nakaratay sa may kama niya. May lungkot ang mata na sinulyapan ang nag-iingay na monitor na nagsisilbing patunay na humihinga pa siya.

"You sleep too much, princess. Miss ka na ni Kuya mo."

Inilagay ko ang kamay niya sa tapat ng pisngi ko, dinama. "I have a sad stories to tell...again, princess."

Gaya ng mga kwento na paulit-ulit kong binabangit sa kanya kapag binibisita ko siya sa Caramoan Island.

Pinagmasdan ko ang payapang mukha niya. Kay-amo ng mukha ng kapatid ko kapag natutulog, malayo sa palaging masungit na prinsesa. Malayo rin sa walang emosyon na expression na nakasanayan ng karamihan sa kanya.

"There is a girl na gustong-gusto ni Kuya...no, should I say, mahal na mahal siya ni Kuya but then...mas pinili ng kuya mo na pakawalan na lang siya dahil iyon ang tamang gawin. Kailangan ko siyang pakawalan at bitawan kasi hindi niya ako magawang mahalin...may mahal siyang iba, hindi ako."

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Bumabalik sa akin ang bawat sakit na dulot ng naging desisyon ko.

"Ang nakakatawa lang nito, ang guy na gusto at mahal niya, siya rin ang guy na paulit-ulit na laman ng mga panaginip mo sa gabi. Ang lalaking nagawa mong kalimutan noong panahon na nagugustuhan mo na siya. Elly...

"I'm very sorry. I know na matagal mo nang hinahanap si Stone kahit hindi mo siya maalala until now. Kahit alam ko na siya pa rin ang laman ng puso't isipan mo...nagawa ko pa rin na hayaan na mahalin siya ni Anastacia."

"Sorry kung masasaktan ka kapag bumalik sayo ang mga alaala mo na kasama si Stone. Sorry kung pinutol ko noon ang ugnayan niyong dalawa...I am the one who should blame on our situation, sa pagitan nating apat."

"Kung hindi ko sana pinigilan noon si Stone na itanan ka. Na sana, hinayaan ko na lang na dalhin ka sa Isla Verde at hayaan na magkasama kayo kahit ilang buwan lang. At hindi ko sana hinayaan na kainin ako ng matinding takot na mawawala ka sa akin noon...

"Naging kasintahan ka sana ni Stone, ikaw sana ang minahal niya. Hindi ang babaeng mahal na mahal ko."

Naitakip ko sa luhaang mukha ang palad ni Elizabeth. Hinayaan na sakupin ako ng panghihina sa harapan ng kapatid ko.

"Baby Elly...nalulungkot na si Kuya. Wala na akong kaaway, wala na akong kasagutan at kaasaran...sana gumising ka na para may manapak na sa akin kapag napipikon ka." napangiti ako ng maalala ang pag-aaway namin ni Elizabeth bilang magkapatid. Kung paano ko siya asarin at pikunin.

"Sana gumising ka na para singhalan mo na naman ako na wag nang ipilit ang nararamdaman ko para kay Anastacia...na hayaan ko na lang siya na maging masaya sa piling ni Stone...miss na miss na ni Kuya ang boses mo."

Kahit wala siyang ideya about Stone, mas pinili ni Elizabeth na itulak ako sa ideya na pakawalan si Anastacia at hayaan na lang siya na maging masaya.

"Nauumay na ako sa boses nina Krysal na walang bukambibig kundi ang friend niyang si Briam Navarro. Nakakairita na minsan lalo na kapag ikukwento ng dakilang manang kung paano siya kausapin ng baklita na iyon! Puro na lang girly stuff and boys na malayong magustuhan ni Krysal."

Kahit nalulungkot ako na makita si Elizabeth na nakahiga sa kama, lantang gulay at natutulog. Nagawa ko pa ring gawing biro ang pagbanggit sa pinsan namin na nahuhuli nasa uso.

"Gumising ka na, wala nang mang-aasar sa manang na iyon. Natahimik nasa lungga niya."

Kahit nasasaktan ako sa katotohanan na wala nang pag-asa ang pagmamahal ko para kay Anastacia.

Nagawa ko pa ring ipakita sa natutulog na si Elizabeth na manantili pa rin ang katatagan ko. Hindi ko hahayaan na maramdaman niya na may dala akong bad vibes na pwedeng magpahina ng will ng kapatid ko na lumaban at gustuhin na mabuhay pa.

"Tsk. You're crying like a lady, stupid."

Hindi ko nilingon ang taong lumapit sa kama na kinahihigaan ni Elizabeth. Naupo siya sa kabilang gilid nito, sa kasalungat na direksyon ng pwesto ko.

Gaya ko, madalas rin ang pagbisita ni Spanide kay Elizabeth. Inaaway kahit natutulog ang mortal rival niya sa angkan namin.

"Yah! I hate you, spoiled brat! Gumising ka na nga, nahihirapan kami ni Elizarde sa trabaho na iniwan mo nang biglaan. Those old hog is always nagging us. And it's irritating me much...you should know that I hate attention. And one more thing, gumising ka na nga para may makalaban naman ako ng maayos sa position as queen of Aragon Clan."

I let out a weak sighed.

Pinahid ang luhang nabuo sa gilid ng mga mata ko. Inabot at kinintalan ng halik ang noo ni Elizabeth.

"Miss ka lang ni Spanide kaya inaaway ka naman."

Nandito na si Spanide, oras na para umalis. Si Spanide na ang bahala kay Elizabeth. Hindi man ipakita at paulit-ulit na itinatanggi niya na nag-aalala siya para kay Elizabeth. Na hindi niya gusto ang pagbabantay sa natutulog na prinsesa.

I still feel na nag-aalala rin siya na baka one of these days ay bigla na lang iwan kami ni Elizabeth at kunin siya ng maylikha. Na baka one of these days, magising siya na according to her doctor, it's only a miracle at malayo nang mangyari.

"Yah! No you wrong, I hate her and I wont miss that brat!" singhal niya sa akin. "Alam mo bang nagdesisyon na ang mga elders na itigil na ang life support ni Elizabeth?" Pang-iiba niya ng usapan.

Tumayo na ako tyaka tinitigan ang mukha ng kapatid ko. "Hinihintay na lang nila na matapos ang holidays. Maybe, gusto pa nilang makasama si Elizabeth sa christmas and new years eve before they let her go."

Marahas kong naibaling sa may bintana ang paningin ko. Pinahid ang nabuong luha sa gilid ng mga mata ko.

"Yeah."

'Hindi sa sumusuko na ako. Pagod na ako, kuya. Pagod na akong mabuhay. Pagod na ako sa buhay na mayroon tayo.'

Kusang napakuyom ng mahigpit ang kamao ko nang bumalik sa isipan ko ang huling pag-uusap namin ni Elizabeth. Ang mismong araw na umuwe kami after our vacation on Europe.

Pagod na si Elizabeth.

Hindi na niya gusto pang mabuhay. Katulad rin ng pagsuko ni Anastacia na mabuhay.

Mali ba ang naging desisyon ko na wag sabihin kay Elizabeth ang totoo? Na nakaligtas siya sa aksidente at nacoma lang.

Kapag ba inamin ko sa kanya ang totoo na nakaligtas ang katawan niya, gugustuhun pa rin ba ng kapatid ko ang mabuhay?

Pero paano si Anastacia?

May posibilidad ba na magkahimala sa pagitan nilang dalawa? Na makumbinsi ni Elizabeth si Anastacia na gustuhin na mabuhay bago siya putulan ng life support?

Mas humihpit ang pagkakakuyom ko. "I'll trust you, princess. Naniniwala ako sa kakayahan mo na maibabalik mo si Anastacia at babalik ka sa amin. Gumawa ka ng himala, prinsesa."

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon