Chapter 7

0 0 0
                                    

Kapag nalulungkot ako, ikaw ang parating nasa tabi ko, pinapasaya mo ako kahit hindi ko pa hilingin sayo.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ang maging masaya.

"Try this" iniabot sa akin ni Elizarde ang malaking cotton candy na nasa stick.

Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mahinang tawa sa bibig ko. "N-naalala mo...

"Na ito ang unang bagay na ibinigay ko sayo noong una tayong nagkakilala sa Caramoan Island? Bakit ko naman kakalimutan ang araw na iyon, ang makilala ka ang pinakamasayang araw ng buhay ko, Asia" sinserong wika sa akin ni Elizarde.

Malayo ang ugali na ipinapakita ni Elizarde sa karamihan, ibang-iba siya ngayon. Malayo sa masungit, malamig makitungo at matalim kung makatingin.

Ang Elizarde na kaharap ko ngayon ay ang palangiting binatilyo na nakilala ko noon sa isla. Maaliwalas ang mukha, na akala mo walang problema na dinadala sa buhay sa tamis ng ngiti niyang ibinibigay sayo.

Paano niya kaya nagagawa ang ganoon na ugali, ang maging masaya sa kabila ng kalungkutan na mayroon siya? Gusto kong magawa...ang maging masaya...ang kalimutan ang gumagulo sa isipan ko ngayon.

"S-Salamat" tumayo na ako sa plant box na kinauupuan ko, inabot ang kanina pang nakalahad na cotton candy sa harapan ko. "S-Saan mo nga pala nabili ito?"

Ngitian niya lang ako, naupo sa plant box na kinauupuan ko kanina lang. May ngiti sa labing sinimulan na kainin ang hawak niyang cotton candy. Tinapik niya pa ang gilid niya, iminuwestra na maupo rin ako gaya ng ginawa niya.

"Sa susunod na linggo, uuwe ako ng Caramoan Island, sama ka?" nakatanaw sa dalawang bata na naghahabulan sa harapan namin si Elizarde. Bakas sa mukha niya ang katuwaan sa napapanood. "Hindi ba marunong kang lumangoy? Nagkaayaan ang mga pinsan ko na magclift diving...

Hindi ako sumagot.

Nanatili na nakatayo, nakatitig sa mukha ni Elizarde. Hinahanap ang posibilidad na sagot sa pagtataka na mayroon ako. "Then, sa gabi naman daw..we're having a bomb fire and games..

Nagpatuloy si Elizarde na magsalita, nasa labi niya pa rin ang ngiti na kanina ko pa nakikita sa kanya. "Kung ayaw mo naman sa mga plano ng mga cousin ko, pwede kitang samahan na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin habang nasa is-

"Sasama ba sina Stone?" ang tanong ko na iyon ang nagpatigil sa kanya, ang marahan na pagbaling ng mukha niya sa mukha ko. Kaya malaya kong nasaksihan ang pagbakas ng sakit at lungkot sa mga mata ni Elizarde. Ang pagkakabura ng matamis na ngiti na mayroon siya ngayon.

"Kung gusto nilang sumama" final niyang wika, nahinto na rin ang pagkain niya ng cotton candy. Napatayo at kinuha ang hawak ko, hindi pa nagagalaw na cotton candy. "Magsisimula na ulit ang art show, this is not allowed inside...sandali itatapon ko lang" ang boses ni Elizarde?

Sinundan ng tingin ko ang paglapit ni Elizarde sa isang basurahan, ang marahas niyang pagbukas sa takip nito ang nagpatalon sa akin. Galit ba siya sa akin?

"Tara nasa loob" nagpatiuna na ring naglakad si Elizarde.

Pinagmasdan ko ang likuran ni Elizarde habang papasok kami sa loob ng art gallery. Ang bilis na magbago ng mood ng isang ito, may nasabi ba akong hindi niya nagustuhan at nagalit siya bigla? Nagtanong lang naman ako ah!

Naagaw ng isang painting ang atensyon ko. Napabuntong hininga na lang ako nang matanaw si Elizarde na nakalayo nasa akin, papalapit siya sa isang painting ng babaeng nakatalikod, nakatanaw sa asul na karagatan at papalayong yate.

Humiwalay na ako kay Elizarde, hindi naman niya napapansin na lumalayo na siya sa akin. Nagdesisyon na lang akong lapitan ang isang painting ng matandang puno. Dark ang background ng painting, unti-unti na ring nalalagas ang mga natitirang dahon nito, natutuyot ang mga sanga at nakaalsa sa lupa ang bawat ugat ng puno.

Pakiramdam ko ang lungkot ng painting...isang puno na napabayaan na. Walang nag-aalaga at parang hinihintay na lang ng puno ang kamatayan.

"This painting is made my cousin." gulat kong nilingon ang nagsalita, hindi ko napigilan na pangunutan ng noo. Pamilyar sa akin ang hawis ng mukha niya. "He said, siya raw ang matandang puno na iyan...waiting the right love and affection ng babaeng mahal niya." Kahit may russian accent ang tono ng pananalita niya mahusay siya sa wikang tagalog.

Isang tipid na ngiti lang isinagot ko sa kanya. "Isang babae na may minamahal na iba? Tsk. He's stupid to fall inlove with a girl that own by someone else."

Napatitig ako sa painting... 'Ang lungkot hindi ba? Gaya mo...

"Asia!"

Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin, nanatili sa painting ang atensyon ko. 'Bakit ka pa maghihintay gayung hindi ka naman pinapahalagahan?'

"Kanina pa kita, hinahanap. Nandito ka lang pala." tinalikuran ko na ang painting.

"Ang panget ng painting na iyan, tara sa iba." pang-aaya ko sa napahintong si Elizarde, napatitig rin sa painting na tinitingnan ko lang kanina.

"Panget...

Iniwan ko na si Elizarde sa tapat ng painting kasama ng lalaking kausap ko. Nagsimula na libutin ang kabuoan ng art gallery, mga nature painting ang karamihan sa painting na nakadisplay. According to Elizarde, charity event daw ang ginawang auction ngayon, ang mapagbibilhin ng mga painting ay idodonate ng may-ari ng mga paintings at ng gallery sa chosen charity nila.

Kailan ko kaya makikita na nakahang ang mga painting na gawa ko? Na pinagkakaguluhan ng karamihan at makita nila? Hindi na siguro mangyayari, kahit nga ang pagtugtog ko ng harp tinutulan ni Papa, ang magpa-auction pa kaya ng mga painting ko?

"Bakit mo ba ako iniiwan, Asia?" puno ng pagdaramdam na tanong ni Elizarde nang mahanap niya ako.

"Sino si Elly? Si Elizabeth ba?" ang swerte ng batang paslit na iyon, kahit walang maalala sa mga bagong nakilala niya sa isla nitong nagdaang taon. Hindi nawala sa kanya ang talento niya sa pagpipinta.

Mabuti pa siya sinusuportahan ng pamilya niya sa talento na mayroon siya. Samantalang ako...kahit moral support, wala.

Hindi ako sinagot ni Elizarde, nakititig rin sa painting ng papalubog na araw. "Your sister is lucky to have a supporting family...a supporting brother just like you," mapait kong wika.

Ako may kamag-anak nga, pressure at matapobre naman ang ilan sa kanila.

"Hindi ka pa nagugutom?" tanong niya kaysa ang sagutin ang sinabi ko. Kapag usapan nasa kapatid niya na si Elizabeth, inililiko ni Elizarde ang usapan. Dahil ba aware siya sa feeling ni Stone para kay Elizabeth? At gusto ko si Stone?

Napabaling ang mukha ko sa mukha ni Elizarde, nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Umasa pa ako na sasagutin niya  ang tanong ko, wala naman akong laban pagdating kay Elizabeth. Siya ang swerte, at ako ang malas sa buhay. Siya ang minamahal, samantalang ako binabalewala ng mga taong minamahal ko. Na si Elizabeth ang mas pinipili nila kaysa sa akin.

I am a useless empty girl who's wishing to be filled by a love.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon