Chapter 4

0 0 0
                                    

Bawat tao ay may sariling takot at kalungkutan na kailangan na labanan.

"Tita Ariana!" nakangiting tawag ni Mandy sa pangalan ng Mama ko.

Marahan, walang kabuhay-buhay na pumaling ang ulo ni Mama sa direksyon namin.

"Mandy" same her voice, walang buhay, at napapaos. "My baby...

Nakipagpalitan sa amin ng halik sa pisngi si Mama. Matamlay ang bawat kilos niya, ang paglalakad niya. Ang mukha ni Mama, maputla at walang sigla.

Napahawak na naman ako sa tela ng suot kong bestida, kinusot. Natatakot akong magtanong kung bakit siya nagkaganyan. Natatakot akong magtanong kung nasaan na naman si Papa. At natatakot akong malaman na baka isang araw magising na lang ako na wala na ang buong pamilya. Na iiwan kami ni Papa.

"Nakabalik ka na pala ng Pilipinas? Maupo kayo," iminuwestra niya ang sopa after na tumapat sa katapat ng sopang inupuan ko. "Manang!" malakas niya pang tawag sa mayordoma namin.

Nagpupunas sa suot na apron na lumabas ng kusina si Manang, nagmamadali.

"Bakit po, Ma'am Aria?" magalang niyang tanong. Sinulyapan niya pa ang direksyon ko, nginitian. "Miss Mandy, Mr. Denver?" kinawayan siya ni pinsan nang mapansin ni Manang ang presensya nilang dalawa.

"Give them a snacks" malamya pa ring utos ni Mama kay Manang. Nagpakawala muna ng buntong hininga si Manang bago sinulyapan ang maputlang mukha ni Mama. "Itutuloy ko na ang gawain ko, maiwan ko na muna kayo, Mandy, Denver. Asikasuhin mo sila, Asia"

Isang pilit na ngiti ang ibinigay sa akin ni Mama. Deretso sa may pintuan ang walang kabuhay-buhay niyang tingin. Babalik ka na naman ba sa paghihintay sa taong hindi natin siguro kung babalik pa ba?

Nakusot ko, muling humigpit ang pagkakahawak ko sa tela ng suot kong bestida. Ilang taon nang ganyan si Mama, paulit-ulit ring naghihintay na mahalin ng taong mahal niya. Papa.

Napakurap ang mga mata ko para mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Iginala sa kabuoan ng sala ang tingin ko, nagbabakasali  na mawala sa isipan ko ang reality na mayroon kami ni Mama.

"Insan...can I have a request?" napabalik ang tingin ko sa direksyon ni Mandy nang magsalita siya. "Pwedeng makitulog?" lumitaw ang pantay-pantay niyang ngipin sa pagngiti niya sa akin.

"I...you know my dad" tanging naisagot ko, malayo sa inaasahan niyang isasagot ko sa tanong niya.

She let out a heavy sighed. "Yeah. I almost forgot Tito Andrei house rules. Bawal sa kanya ang sleep over sa house niyo" inirapan pa ako ni Mandy, ugali niya kapag hindi napagbigyan ang gusto niya. "Whatever"

Silent filled on us. Naglilikot ang tingin ni Mandy sa kabuoan ng sala. Nasa tapat ng dibdib niya ang magkasalikop na dalawang braso, nakadekwatro ng pambabae.

"Bawal rin sayo ang circle of friends. Bawal rin sayo ang night life, bawal sayo ang lumabas after school hours. Yah! Ang boring ng life mo cousin"

Wala sa sariling naiyuko ko ang ulo ko, tinitigan ang magkadikit kong sapatos. "Paano ka nakakatagal na kasama ang control freaks mong ama?"

"He's my father" kahit ayoko sa mga utos ni Papa. Kahit ayoko ng mga patakaran na mayroon siya para sa akin. Hindi pa rin nabago ang fact na tatay ko pa rin siya. Na kailangan ko pa rin siyang irespeto ng maayos.

"But acted like a strangers, malayo sa isang father figure na pwede mong ipagmalaki" I sighed.

Hindi na lang ako umimik. Kahit na ipagtanggol ko si Papa, nangingibabaw pa rin sa akin ang lungkot at sama ng loob. Sa mga gusto ko, wala akong nakuha kahit ni isa, lahat kagustuhan ni Papa ang palaging nasusunod.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon