It this really the end? Or did I just ran-away?
Nagising ako sa maaliwalas, at kumikinang sa liwanag na isang lugar.
Where am I?
Hindi ba nailigtas ako ni Elizabeth mula sa pagpapakamatay...pero bakit nandito ako, wala sa katawang lupa ko?
Naupo ako sa isang natumbang patay na puno. Lumitaw ang isang tipid na ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ng lugar. Nakatakas na ba ako?
"Malaya na ako...
Wala na ang sakit, lungkot at paghihirap na dinanas ko habang nabubuhay pa lang ako. Nakalaya na ako sa lahat ng mga ito. Nakalaya na ako sa mga taong walang ginawa kundi ang saktan lang ako, ang abusihin ako.
"Mawawala na rin ang sakit...
Hindi na ako masasaktan sa katotohanan na hindi ako magawang mahalin ni Stone. Na kahit anong gawin ko...si Elizabeth pa rin ang mamahalin niya.
Ang katahimikan ng paligid ang nagbigay sa akin ng matinding kapanatagan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, nilapitan ang malinaw na tubig na mula sa umaagos na talon.
Sinilip ko ang sariling repleksyon ko mula sa tubig. Isang mukha ng magandang babae ang nakikita ko, malayo sa babaeng palaging nakasuot ng makapal na salamin sa mata.
Wala na rin ang makapal na foundation at concealer na tumatakip sa mga nangingitim kong mga pasa.
Hindi na rin maputla ang labi ko, nagbalik na ito sa dating kulay na mamula-mula.
Inupuan ko ang dalawang binti ko, hinawi ang imahe ko sa tubig.
Ito nga ba ang gusto ko? Ang mabuhay ng mag-isa.
Nasundan ng pag-agos ang isang butil ng luha ko na pumatak sa mga mata ko. Ang tanging gusto ko lang ay ang maging masaya, ang maranasan na mahalin nilang lahat.
Niyakap ko na ang dalawang tuhod ko. Hinayaan ang sarili ko na muling balutin ng kalungkutan ng pagiging mapag-isa. Mula noon pahanggang ngayon, palagi na lang akong umiiyak ng mag-isa. I am always alone and hurted.
Elizarde PoV.
Hindi maipinta ang mukha ko habang binabagtas ang daan paakyat ng burol, tinatahak ang matarik na daan papuntang templo ng mga Aragon.Hindi ako madasaling tao, o relihiyosong lalaki. Kaya madalang na bisitahin ko ang templo o di kaya'y magpunta sa simbahan. Hindi sa ayoko, hindi lang ako komportable.
[Thank you talaga, Pre. Alam kong maaasahan kita about Stone,] sinserong wika ni Kuya Gary mula sa kabilang linya.
"Yeah. Whatever. Ihahatid ko na lang siya sa resto mo." Kahit naiirita na, nagawa ko pa ring sagutin ng maayos si Kuya Gary.
Mabilis na pinatay ang tawag at nagfocus na lang ako sa pagmamaneho.
Ano bang nakain ni Stone at nagpunta siya ng San Sebastian? Umakyat pa siya sa templo ng lasing!
"Bato, sakit ka talaga ng ulo!" hindi ko na naiwasan na maiwika.
Ang mabilis na pagbangga ng itim na kotse sa nakausling bato ang nagtulak sa akin para maapakan ng sobrang diin ang preno ng kotse ko.
"Anak ka ng!"
Kotse ba ni Stone ang nasa harapan ko ngayon?
Dala ng matinding pag-aalala para sa kaligtasan ni Stone, wala sa sariling lumabas ako ng kotse ko. Tinakbo ang nagsisimula nang dumausdos na kotse.
"Stone!"
Subalit ang dalawang tao na nasa loob ng kotse ni Stone ang nagpagulo ng maayos kong pag-iisip. Nagsimula nang pangunahan ng matinding pag-aalala para sa dalawa.
"Baby Elly?...Asia?"
Hindi yata nila ako narinig. Nakita ko kung paano alisin ni Elizabeth ng walang kahirap-hirap ang seatbelt na suot ni Anastacia. Hinila ang kamay ng huli tyaka mabilis na pinagpalit ang kanilang posisyon.
Niyanig ang buong sistema ko nang masaksihan ng mga mata ko kung paano ako ngitian ni Elizabeth habang dumadausdos ang kotse paibaba ng bangin.
No!
"Elizabeth!"
Ang malakas na pagbangga ng kotse ni Stone ang nagtulak sa akin para babain ang bangin. Sinubukan na makagawa ng paraan para mailigtas ang kapatid sa parating na kapahamakan.
No, not my sister!
Binalewala ko ang mga galos at sugat na pwede kong makuha sa pagpapadausdos sa batuhan. Tanging nasa isip ko ngayon, ang mailigtas ang kapatid ko. Subalit sa ikalawang pagkakataon, napahinto ako nang sumabog at kinain ng nagliliyab na apoy ang bumanggang kotse.
"B-Betty...
Naagaw ng taong tumawag sa nickname ng kapatid ko ang atensyon ko. "Asia...
Napabalik ang paningin ko sa kotse na kinakain ng apoy. May tiwala ako sa kakayahan ni Elizabeth. Umaasa akong nakatalon siya palabas sa kotse bago pa man bumangga sa puno at kainin ng naglalagablab na apoy.
"Sana nakaligtas ka, Elly. You're still our princess." Pinahid ko na ang luhang kumawala sa mga mata ko.
Mabilis na nagpadausdos sa kinaroroonan nang nawalan ng malay na si Anastacia. Dinaluhan at sinigurong humihinga pa siya.
Kahit nahihirapan na maiakyat ang katawan ni Anastacia, nagawa ko pa rin siya na maialis sa matarik na bangin. Binigyan ng paunang lunas na itinuro sa akin ng mama ko. Luckily, may konti akong kaalaman sa mga ganitong sitwasyon, kung ano at paano tutulungan ang biktima ng mga aksidente.
"Sige na. Samahan mo na si Anastacia papuntang hopsital. Kami na ang bahala sa katawan ni Elizabeth." Tinapik ni Spanide ang balikat ko bago tinungo ang mga naghihintay na mga taong tutulungan sa kanya na maiakyat ang kotse ni Stone mula sa bangin.
Kahit ayokong iwan ang paghahanap sa nawawalang katawan ni Elizabeth. Kahit gusto kong tumulong sa paghahanap sa kanila pero...mas kailangan ako ngayon ni Anastacia. Hindi katulad ni Elizabeth na maraming tao ang gustong magligtas sa kanya. Maraming tao ang tutulong sa kanya para mailigtas. Hindi katulad ni Anastacia...palaging naiiwan, at hindi pinipili sa bandang huli.
Oras na para siya naman ang piliin kong samahan ngayon. Nagtitiwala ako na maiintindihan rin ako ni Elizabeth kapag nalaman niya ang ginawa ko ngayon.
Hawak ang kamay ni Anastacia, hindi ko siya iniwan, sinamahan ko siya habang itinatakbo ng ambulansya ang sugatan niyang katawan.
"Wag kang susuko, Asia. Kailangan mong mabuhay." Kailangan mo pang malaman, marinig mula sa akin kung gaano kita kamahal at handang protektahan.
Hindi na ako nagtaka pa nang makita si Tita Ariana na nagmamadaling nilapitan ako. Marahil ipinaalam ni Spanide ang nangyaring aksidente na kinasangkutan ng nag-iisa niyang anak na babae.
"How is she?" Kinuha ni Tita Ariana ang nanginginig kong mga kamay. "How's my daughter, Zarde? Tell me! Buhay pa ang anak ko, Elizarde Cornelio!"
Nanatili sa sahig ang paningin ko. "Hindi pa po lumalabas ang doktor na tumingin sa sitwasyon ni Anastacia, Tita."
"Oh, my ghad. No! My daughter...not my daughter!" Sinalo ni Tita Ariana ang luhaan niyang mukha.
"Magiging ligtas po siya-
Napahinto ako sa pagsasalita nang putulin ni Tita Ariana ang iba ko pang sasabihin. Pero ang mga sinabi niya ang tuluyang nagpalambot ng mga tuhod ko.
"Sumuko na si Anastacia na mabuhay. Nakita ko ang mga huling sinulat niya sa diary niya kanina lang...and she said, pagod na siya at gustong nang mawala sa mundo. Anastacia tried to commit a suicide, Elizarde! Hindi aksidente ang nangyari sa templo, sinadya niya ang nangyari."
Ang naging pag-amin ni Tita Ariana ang nagpatunay ng mga final na imbestigasyon ng kapulisya. Lahat nang nakuha nilang resulta, tumutugma sa naging pag-amin ni Tita Ariana.
Tinangka ni Anastacia na magpakamatay.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomansBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...