"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patunayan mo. Halikan mo ako." "Ah. Ganon? Isang halik lang ba?" tanong ko. Ngumiti ito at tumango. "Okay." ipinikit nito ang mga mata at nagaabang na sa halik ko. Ganon din ang mga tropa niya. Kaya binigyan ko siya ng isang malakas ng suntok. O di dugo nguso niya sabay takbo naming tatlo nina Hunter at ni Winter. Tawa kami ng tawa ng makarating na sa parking lot. "Ang galing mo ate!". sabay na sambit ng kambal. Nagtago pa kami para Hindi kami makita ng mga Teammates niya.
21 parts