Binabae kung tawagin ng mga kapwa niya pilipino si Matahom Evangelista, anak ng Mayor sa bayan ng Pakil, Laguna na nag-aaral ng kursong pampulitiko sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Ika-lima ng Enero, taong isang libo't siyam na daan at apatnapu't dalawa nang salakayin ng mga Hapones ang lugar kung saan naroroon si Matahom. Sa kabilang banda, si Toshihiro Tamazaki isang Heneral ng hukbong Hapones, ang namuno sa pagsalakay sa Maynila ay naghahanap naman ng kanyang mamahalin, at maihaharap na babae sa sakanyang mga magulang. Nagkrus ang dalawa sa kulungan, kung saan nandodoon si Matahom dahil siya ay nahuli. Nahulog ang Hapones sa binabae at pinakita niya ang pagmamahal dito. Posible bang magmahalan ang dalawang lahi, sa gitna ng laban sakanilang bansa? Makakamit kaya nila ang masayang wakas? Bahaghari sa Pulang Araw: 1942 Sinimulan: Hunyo 14, 2024 Nagtapos: Manunulat: Biggest_Imagination
27 parts