Chapter 9

127 10 2
                                    

ADELLE POV

Alas singko nang madaling araw ayon sa digital clock ng nasa ibabaw ng night table katabi ng lampshade ng ngbibigay liwanag sa kwarto hinihigaan nila mag-iina.

Napatingin sya sa anak ng mahimbing na natutulog habang nakayakap sa kanya. Pinagmasdan niya ang maamo at payapa mukha ng anak.  Napangiti sya nagpapasalamat sya sa itaas ng bigla ito dumating sa buhay niya ng di niya inaasahan sobrang napamahal na sya sa munting anghel na ito.

Kapalit ng pagkawala ng fiance niya si Emma, 3 years ago na ang nakalipas pero nadiyan pa rin yun hapdi sa pagkawala nito.

Napabuntung hininga sya at kinurapkurap ang mga mata para pigilan ang pag alpas ng mga luha gusto kumawala sa mga mata niya.

Humalik muna sya sa noo ng anak bago nagpasya nang bumangon para maghanda ng almusal nilang mag-iina at ni Jiana.

Bigla niya naalala si Jiana, hindi pa pala niya naipapakilala ang anak dito.

Hindi bale makikilala naman nito mamaya ang anak niya.

Abala sya sa pagluluto ng aalmusalin nila. Pinakialaman na niya ang mga laman sa ref. Naalala niya kagabi ang sinabi ni Jiana ng feel at home daw kami mag-iina sa penthouse nito. Kaya malaya ko nagalugad ang buong kusina para sa ihahandang lututin.

"Good Morning!"

"Ay kabayo" Napaigtad ako sa gulat ng bigla may magsalita sa likuran ko. Napasapo ko ang dibdib ko sa sobrang gulat.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Pero parang baliwala lang dito ang pagsama ko ng tingin sa kanya. Sa halip ay tinaasan lang ako nito ng kilay at nagtungo sa ref par kumuha ng milk.

"Hmm. Ang bango ano ang almusal natin? Ani Jiana.

"Sunny side egg, Bacon, Fried Veggies rice, and Hotcake."

Tumango tango lang ito at pasinghot singhot sa hangin mukha nasarapan ata si Jiana sa fried veggies rice ng niluluto niya.

"Maluluto na ba yan?"

"Malapit na maluto ito, maupo ka na dyan at maghahain na ako. Ahm pwede pabor pwede mo ba puntahan sa kwarto yun anak ko baka kasi gising na sya."

"Sure" ani Jiana sa malamig na tono.

Nagtataka ako napabaling ng tingin kay Jiana, tumayo ito at nagtungo sa silid ng tinutuluyan namin mag-iina. Hindi ako sanay ng ganito kalamig at katipid ang pakikitungo nito sa akin. The last time na nakita at nakakausap niya ito  ng  maayos at palaging nakatawa at nakangit that was 5 years ago pa.

Pero ano nga ba ang nangyari kay Jiana? Nasaan na kaya si Heather?  "Malamang may tampuhan sila ng asawa niya." Bigla singit ng mahaderang utak niya.

Heh, Hindi naman ata eh ang  alam ko mahal nila ang isa at isa yun ang pagkakaalam ko." Aniya sa isip niya sabay irap sa hangin.

Nakahain na ang lahat ng pagkain niluto niya sa hapag-kainan pero wala pa din ang anak niya at si Jiana.

Tumayo siya at sisilipin niya ng dalawa sa kwarto.

Akma hahawakan niya ang serandura nang hindi sinasadya madining niya may kausap si Jiana. Sinilip niya ang nakabukas na pintuan nakita niya ito nakaharap sa malaking bintana habang may hawak na cellphone sa kanang kamay.

"Shane, Magkita tayo bukas sa Auravel Resort. Marami ka kailangan ipaliwanag sa akin." Ani Jiana sa malamig na tono.

Kumunot ang noo niya sa akto kinikilos nito.

I Still Believe (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon