CHAPTER 3

192 21 1
                                    

I STILL BELIEVE

Kiana POV

"Adelle" Tangi nasabi ko lang sa gulat nang makita si Adelle.
Nakakunot noo ito at matatalim ang mga mata nakatingin sa akin.

Napalunok ako ng laway at tinapos agad ang tawag.

Napahaplos ako sa batok at hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Kasasabi lang ni Emma kanina sa akin na huwag ko muna ito sabihin sa kasintahan niya. Ang kondisyon nito pero heto sya nandito din pala sa Hospital na pinagdalahan kay Ems kagabi.

Napapikit ako ng mariin nang magsalita sya.

"Kiana, totoo ba yan nadinig ko? Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang!" Wika ni Adelle.

Napabuga ako sa hangin at napakagat labi hindi pa rin ako mapakali sa kinatatayuan ko. Akma ko syang hahawakan nang iwaksi niya ang kamay ko.

"Kiana, magsalita ka! Totoo ba ito nadinig ko na may cancer si Emma?" Ani Adelle.

Napakagat muli ako ng labi at matapang na nakipagtitigan sa kanya.

"Tama ka Adelle, hindi ka nagkakamali." Ani ko at napakagat labi para pigilan na huwag mapaiyak pagkatapos nag pag-uusap namin ng doktor niya.

Nabitawan niya ang bag niya ng parang bomba ito sinabi ko.

Napaatras sya at napasandal sa pader tuptop ang bibig habang unting-unti naglalandasan mga luha niya sa pisngi niya. At tuluyan na sya humagulgol ng iyak napatakip sya sa mga palad at doon patuloy na umiiyak.

Akma ko sya muling lalapitan para yakapin nang tumama sa kanan pisngi ko ang isang malutong na sampal.

"Kiana, ba-bakit hindi mo sinabi sa akin ito? " umiiyak niya sabi sa akin.

"Bakit ninyo inilihim ito sa akin? Ako ang Girlfriend niya dapat ako ang nasa tabi niya inaalagaan sya at dinadamayan! Pero ito lang pala madidinig ko mula sayo at mayroon na pala sya sakit na matagal na pala niya itinago!" Ani Adelle at tuluyan na sya napadausdos paupo sa sahig patuloy lang sya sa pagsuntok sa akin at pilit ko binabalewala ang mga hampas at suntok niya sa akin. Pilit ko sya niyakap at kinulong sa mga bisig ko.

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya kahit ako ay hindi ko din magawang makapagsalita pa.

Nang kumalma sya sa pagsuntok at paghampas sa akin ay patuloy naman ang pag iyak niya.

Tumikhim ako at pinunasan mga luha niya bago ako nagsalita.

"Look Adelle hindi namin ito inilihim sayo. Kahit ako wala ako alam sa mga nangyayari sa buhay ni Ems. Kagabi ko lang ito nalaman nang itawag sa akin ng isa sa mga katulong sa bahay ang nangyari kay Ems. Hindi ako nagpatumpik- tumpik pa at agad na ako nagpunta dito para alamin kung anong nangyari sa kanya." Ani ko. Tahimik lang ito nakatingin at nakikinig sa mga sasabihin ko habang yakap ko pa rin sya at patuloy parin ang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya.

"Kahit nasa kalagitnaan na kami ni Serena nang gambalain kami ng tawag. Kahit ang asawa ko ay gustong sumama sa akin pagpunta dito dahil nag aalala din sya sa pinsan ko. Pero di ko sya pinasama at baka hanapin sya ng mga bata sa umaga." Natawa ako nang maalala ang kakulitan ng tatlong anak namin. "Pagkadating ko dito kagabi sinalubong ako ni Dr.Reyes, isang masamang balita ang sinabi niya sa akin. Na masyado na daw malala ang sakit niya pinagsama brain tumor at leukemia." Napahigpit ang yakap ko sa kanya at di ko na din napigilan ang pagalpas ng emosyon ko. Ganon din si Adelle at muli na naman syang napaiyak sa matinding pag-aalala para sa kasintahan.

"Dapat sana sasabihin ko ito sayo pero pinigilan ako ni Ems, na huwag ko muna sabihin sayo. Ayaw niya kaawaan." Malungkot ng bigkas ko pagkatapos ng ilang katahimikan namagitan sa amin. Pareho kami nakaupo at nakasandal sa harap ng private room ng kinalalagyan ni Emma.

I Still Believe (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon