CHAPTER 6

159 16 1
                                    

JIANA POV

3 years laters

Mainit na klima ang sumalubong kay Jiana pagdating niya sa Pilipinas. Hindi niya akalain na mimiss din pala niya ang ganoong panahon sa Pilipinas.

Halos tatlong taon at kalahating buwan din siyang nanirahan sa Amerika. Mula nang namatay ang asawa at anak niya.

Halos dalawang taon din niyang kinulong at sinisi ang sarili sa madilim niyang mundo.

Habang nag- aantay siya ng kanyang sundo ay bigla tumunog ang cellphone niya.

Napangiti siya nang makita sa LCD ang pangalan ng caller. 
Si Kiana ang tumatawag.  Agad niyang singot ng tawag.

"Hi Mommy Jian!" Ani Oreo.

Napakunot noo siya nang ma bosesan ang caller, hindi si Kian ang tumawag sa kanya walang iba kung di ang bunso anak ni Kiana na si Baby Oreo. Napailing na lang sya at napangiti din kalaunan.

"Hi Kiddo!, I'm fine! How are you?" Aniya ko sa pamangkin kong apat na taong gulang na. Matalino at masasayahin bata ang kambal na anak na nila Serena at Kian. Tila kay Kian nag mana ang kambal dahil nakuha nito ng tangos ng ilong at kulay ng mata Hazel brown eyes ang mga mata nito. Tangi kulay lang ng balat ang namana ng kambal kay Serena Meztiso ang mga ito medyo pilyo batang.

Napahawak ako sa akin dibdib tila ito ay kinukurot ng sakit. At pangungulila kay Baby Jansen ng minsan ko lamang nahawakan at nadala sa akin mga bisig. Ganito na san kalaki si Baby Jansen at nakakalaro ng kambal at ni Sydney.

"I'm Good, Tita" ani Oreo. Narinig ko sa background ang boses ni Kian ng tila nagmamadali ito at hinahanap ang cellphone. Napangiti ako at napailing na lang. "Hey  kiddo be a good boy okay. Sige na ibigay mo na ito cellphone kay dada mo at hinahanap niya. "Sige po, Tita Jian!. Miss na po kita uwi na po kayo ni Tita Heart at Baby Jansen gusto ko po maglalaro kami pag uwi ninyo po! Babye ingat po kayo love you!"  Ani Oreo. Muli ko na naman naramdaman ang pamilyar na kirot at sakit ng iniwanan ng mga ito sa puso ko. Lalo ko naramdaman ang pangungulila sa mga ito. Nag init ang mga sulok sa mata ko at isang isa naglandasan ang mga luha ko kahit tatlong taon nang wala sila.

"Hey Jian, pasensya ka na at kinukulit ka na naman ng pamangkin mo. Baka kako busy ka at naabala ka niya."ani Kian. Nang marinig ko ng boses niya. Napabutong-hininga ako ng malalim bago sumagot. "No its okay sis! Natutuwa nga ako sa kabibohan niya eh." Aniya ko rito.

"Hindi ko alam na nakuha pala niya ang cellphone ko at pinakialaman." Narinig ko tumawa si Kian mahahalata mo dito ang sobrang saya habang ibinibida nito sa kanya ang kambal. Nakaramdam siya ng inggit. Kung sana ganito kami kasaya at sana walang trahedyang nangyari sa pamilya ko. "Kung alam mo lang sis parang matanda kung mag salita itong dalawang kambal." Ani Kian. Napangiti siya habang kinukuwento nito sa kanya ang tungkol sa kambal.

"Talaga!" kunwa ay pinasigla ko ang boses ko. "Oo sis magugulat ka na lang dito kay Oreo na akala mo ay matanda talaga kung magsalita. Pero yun kambal naman nitong si Mikaela eh sobrang talagang talino at ang taas ng I.Q  niya. Kaya nga maaganag pinasok na namin sa private school itong kambal" ani Kian.. "O Sya sis bye muna for now at baka ma-late na talaga ako at may meeting pa naman ako kay Mr. Tiu. Hinahanap ko lang talaga itong cellphone ko baka kasi tumawag ito."

"Ok sige Ingat sis" ibinaba na agad nito ang tawag. Muli na naman ako bumuga ng hangin at nagkibit ng balikat. Iginala ko ang paningin ko sa mga taong nag aantay ng mga nagbalikbayan para sunduin nila sa airport. Napadako ang paningin ko sa dalawang taong naka uniform ng parang sa Men in black ang porma nito. May dala itong banner ng may  nakasulat na pangalan ko.  Napa face palm na lang ako sa dalawang ito.

I Still Believe (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon