Chapter 23: Agent Falcon

29 3 0
                                    

JIANA POV

Tama nga ang hinala niya. Iisa lang ang may ari ng ganon boses.

Lihim siyang napangiti at nakahinga ng maluwag ibig sabihin buhay si Emma, at nasa main Headquarters ito ng Elite Alliances Organization.

Walang sino man ang nakakaalam kung nasaan ang exactly location ng main Headquarters ng Elite Alliances Organization. Maliban kina Shane, Adelle, Gabrielle,Kiana at iba pang miyembro ng Elite Alliances ay hindi rin alam kung nasaan ito nakadestino.

Siya at ang Mom Kristine lang niya ang may access at ilan pang matataas na official ng main Headquarters at mga council ng Elite.

Kahit ang iba ay di rin kilala kung sino ang pinaka mataas na rank at may ari ng Elite Alliances Organization.

Napabuga sya ng marahas na hininga at pinagpatuloy niya ang pagmamaneho patungo sa kanilang tahanan sa East Side Village.

Naibaba na niya ang dalawa sa Headquarters ng Elite Alliances malapit sa Crown tower Hotel na pag aari ng mga Navarro.

Nang makarating sya sa East Side Village ay agad siya nakilala ng Guard at pinapasok. Walang tanong tanong at agad ng sumaludo lang sa kanya si Mang Franco at may malawak na ngiti ito na sumilip sa loob ng sasakyan.
 

Tango lang ang sinukli niya at inabutan  ito ng mainit init pa na kape ng inorder niya sa Starbucks na ng mapadaan siya doon pagkatapos niya ibaba ang dalawa kaibigan sa headquarters para maipagamot agad ng mga ito ang natamo nilang sugat.

Ipinarada niya ang kotse sa garahe ng mansyon ng mga magulang  at bumaba siya ng sasakyan.

"Magandang umaga nak, napadalaw ka?" Ani Nana Lupe, ito ang pinaka matandang katiwala ng pamilyang Montefalco at parang pangalawang magulang  na din  niya ang matanda.

"Magandang unaga rin ho Nana!" Masayang bati ko kay Nana at niyakap ko ito ng sobrang higpit na ikinatawa naman ng matanda. "Sina Mama ho Nana nasaan po?" Aniya ko kay Nana.

"Ay naku nak, kanina ka pa hinihintay ng mga magulang mo. Hala nak sige na pumasok ka na at nadoon sila sa breakfast garden at kakaumpisa lang nila mag agahan." Ani Nana Lupe.

Tumango lang ako at nginitian si Nana. " Eh kayo ho kumain na po ba?" 

"Nagkape at tinapay lang ako nak! Hala sige na pumaroon ka na at baka lumamig ang pagkain at saluhan mo na din sila nak." pagtataboy sa akin ni nana sabay kurot sa magkabilang pisngi ko at napapailing na lang sa akin si Nana at pinagpatuloy niya ang pagdidilig sa mga hardin.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa breakfast garden kung saan masayang nag aagahan ang mga magulang ko at ang  nakababatang kapatid.

Napataas ang mga kilay ko nang marinig ang madramang usapan sa hapag kainan. Lihim ako napabuga ng marahas na hininga.

"Hay kay aga aga nag da drama na naman ang magulang ko." Aniya sa isip at napakamot na lang ako ng kilay at pinag igihan pa ang pagkikinig.

"Maigi naman anak, masaya kami ng Mommy mo na wala kang sama ng loob sa amin nang malaman at matuklasan mo kung sino ang tunay mo mga magulang. Palagi mong tatandaan na ikaw ang aming unang supling at mahal na mahal ka namin anak. At hinding hindi maikakaila na ikaw kahawig ko anak" ani Mama Kristine.

"Jeremiah, anak welcome back. At masaya rin ako ng nagbalik ka sa amin kay tagal kami nagluksa sa paghahanap sayo. Tapos ang walanghiya step sibling ng mama mo pala ang nagpakidnap sayo at palalabasin ka anak niya. Kay tagal ka namin hinanap at walang araw kami hindi tumigil sa paghahanap sayo anak. " Ani Mommy Scarlet

Pinag-igihan ko pa ang pagkikinig nang marinig ko ang pangalan na binanggit ni mommy.

"Jeremiah?!" Nagtaka ako sa mga naririnig ko sa komendor.

"Salamat Mommy and Mama, at hindi kayo sumuko para lang mahanap ako. At saka po wag na kayo malungkot hinding hindi ko kayo iiwanan mananatili ako kasama ninyo Mom, kaya lang ang inaalala ko ay baka hindi ako tanggapin ng triplets' ani Jeremiah ng binuntutan pa ng mahina tawa.

"What the fudgeee?!" Gulat na gulat ako sa mga naririnig.

"Hey nak ok ka lang ba diyan? At wag kang magpanggap na di mo narinig ang usapan namin parito ka na at may ipapakilala ako sayo." Ani Mama Kristine.

Napapailing na lang ako sa talas ng pakiramdam ni Mama.

She's the Founder and the owner of the Elite Alliances Organization.

Ang Mama Kristine niya ang tinagurian Alpha, ng kinatatakutan ng mga kalaban.

Taas kamay ako lumabas sa pinagtataguan at dahan dahan lumapit sa hapag kainan. Hindi ko makita ang Jeremiah na tinutukoy ni Mama dahil nakatalikod ito paupo.

Agad ko hinagkan sa noo si Mommy Scarlet nang makalapit ako at sunod naman na hinagkan ko din si Mama sa noo.
Ginulo ko naman ang buhok ni Kent ang pinaka bunso sa amin magkakapatid at nag iisang lalaki.

Wala si Daniella, dahil nasa Amerika ito at nag aaral ng kolehiyo.

Tumikhim si Mama para kunin ang atensyon ko.

"Anak alam ko kilala mo na ito kaya uulitin ko ulit para makilala mo nang lubusan. Jiana, meet your eldest siblings Jeremiah." Ani Mama.

Hindi pa ako nakakaupo nang tumingin ako kay Jeremiah ng tinutukoy nina Mama at mommy.

Nagkulay suka ang mukha ko nang makita ko ang Jeremiah na sinasabi nina Mama.

"E-emma!?" Gulat at pagkalito ang rumehisto sa mukha ko.

"H-hey dude!" Ani Emma o Jeremiah.

Agad akong nakabawi sa pagkabigla at pagkalito.

"Jeremiah" aniya at masaya ako makita sya at wala din ako maramdaman poot inggit o pagkasuklam. Kusang loob ko syang tinanggap. Binuka ko ang mga braso para anyayahan siyang yakapin.

"Jiana" ani Jeremiah ng may malawak na ngiti at may pag aalinlangan pa.

"Come here dude let's me hug you" ani ko.

Napakamot naman sa ulo si Jeremiah bago dahan dahan tumayo at tiningnan muna nito sina Mommy at Mama ng may masayang ngiti sa labi ng mga ito. Samantalang maluha luha na naman si Mommy.

"Ang mga anak natin Hon kumpleto na sila sana lang ay nadito din si Dani." Ani Mommy Scarlet.

"Love, next month ay uuwi nang pilipinas ang anak natin para magbakasyon kaya wag ka nang malungkot love.  Ang mahalaga nadito na ang panganay na tin at kapiling na natin." Ani Mama ng pinupunasan ang mga munting luha ni Mommy.

"Hey dude come here sabik ako mayakap ka" ani ko.

Napapikit ako ng mga mata na ng maramdaman ko ang mainit na yakap ng nakatatandang kapatid.

Hindi ko maipaliwanag ang emosyon ng nararamdaman ko ng mga sandaling ito habang magkayakap kaming magkapatid.

Masaya ako napangiti nang walang maradaman selos o paghihiganti nanahan sa puso ko. 

"Magkikita na sila ni Adelle soon. Kailangan ko nang palayain ang sarili ko na hindi ako kailanman kayang mahalin ni Adelle. " aniya sa isip ko at mahigpit na mahigpit ko niyakap si Jeremiah.

"WELCOME BACK, AGENT FALCON!"


-_-_-_-_-_-_-_-_-

A/N: Wala nang Adelle at Jiana.


Ang tagal na pala nung huling update ko no!?

Ang daming dami na kasi nangyari  mula noon kaya di ako makagawa ng update. Kaya eto na babawi ako at every Saturday na lang ang update.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Still Believe (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon