JIANA POV
Pilit ko inaabot ang liwanag na unting unti lumiliit at lumalaki hanggang sa mahulog na lamang ulit ako sa kadiliman.
Nakakabulag at nakakabingi ang sobrang katahimikan ng dulot ng kadiliman. Parang ako kinakapos ng hininga ng hindi ko mawari. Pati ang katawan lupa ko ay hindi ko man maigalaw parang na ako tinubuan ng mga ugat.
Pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay itinulos ako. Sa akin kinatatayuan nakatitig lamang sa kawalan puro dilim ang akin nakikita. Wala rin ako naririnig ng mga ingay sa paligid.
Nakakabingi!
Nakakabulag!
Nakakaba!
Natatakot na ako sa sobrang tahimik sa kinaroroonan ko.
Sinubukan ko muli igalaw ang katawan ko at pinakiramdaman ang sarili. Sinubukan ko rin sumigaw at magsalita. Pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Nawawalaan na ako ng pag asa makabalik sa liwanag na nakikita ko sa itaas na unting unti lumiliit ang hugis bilog na puti sa itaas.
Napapikit ako ng mariin sa kawalaan ng pag-asa makaahon sa liwanag na nakikita ko. Bigla naisip ko ang anak ko. Paano na kaya siya kung pati ako ay mawawala.
Ayoko isipin na iiwanan ko sya na hindi niya ako nakikilala bilang tunay na magulang niya.
Sa isipin iyon ay nagkaroon sya ng pag-asa at lakas.
Muli ay susubukan niya abutin ang liwanag hanggang sa makaya niya abutin.
Pinipilit din niya subukan igalaw galaw ang mga katawan at sinubukan rin niyang sumigaw at magsalita.
Nabuhayan siya ng pag-asa nang makita niya ang liwanag at papalapit na sya sa liwanag ng puno ng buhay at pag-asa.
Ngunit isang malamyos at pamilyar na tinig ang kanyang narinig nang makapasok sya sa liwanag.
"Love!" Ang pamilyar na tinig na iyon ang nagpatigil sa akin.
Dahan dahan ako lumingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
At nakita ko ang magandang babae na nakatayo at nakangiti sa kinaroroonan ko. Kahit kailan man ay hindi ko sya kinalimutan lagi sya nadito sa isip at puso ko.
Isang luha ang kumawala sa mga mata ko nang masilayan siyang muli ng kay tagal nang nawalay siya sa akin.
"Heather!"
Patakbo ko tinungo ang kinaroroonan niya at niyakap sya ng sobrang higpit sa mga bisig ko.
Ang yakap niya ng kay tagal ko inaasam at namimiss.
Isang ngiti niya lang ang sinukli sa akin at hinawakan niya ang isang kamay ko. At dinala niya ako sa isang puno ng punong puno ng mga namumulaklak ng kulay lilac.
Sariwa at sobrang bango ng bulaklak ng punong iyon.
Tumingin sya sa akin mga mata ng may ngiti sa mga labi.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Love, hindi pa ito ang tamang oras para sa'yo. Kailangan mo nang bumalik sa pinanggalingan mo. Bago pa mahuli ang lahat."
Nakatitig lang ako sa maganda at maamo niya mukha. Walang ni isang salita ng gustong lumalabas sa bibig ko.
Nakatitig lang ako sa kanya at punong puno ng emosyon aking nararamdman.
BINABASA MO ANG
I Still Believe (On-going)
RomanceJiana Alexandra Montefalco - Hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya ang sakit at bigat ng nararamdaman simula nang mawala sa kanya ang babaeng pinag alayan niya ng pag-ibig. Makakaya pa ba kaya niya muli magmahal? Makakaya pa ba niya muli ibaling...