CHAPTER 11: Hug

138 14 6
                                    

Jiana POV

"Ang Creepy ng ngiti mo Jian, ewww" ani Shane ng pumutol sa pagmumuni niya at umakto parang masusuka pa.

Nawala ang ngiti niya nang marinig ang tinig nito, sinamaan niya ito ng tingin. Dinampot niya ang nilamukos niyang papel at binato rito. Tawang tawa naman ito sa inakto niya.

Tinaasan lang niya ito ng isang kilay at nagmiddle finger sya sa harap nito.

Hindi naman na offend ito sa ginawa niya sa halip ay tumawa pa ang gago.

Habang tinitingnan niya si Shane, bigla niya naalala rito ang namayapa nilang pinsan na si Ems.

Napabuntong hininga sya at kinurap kurap niya ang mga mata para pigilan ang pamamasa ng mga mata.

Tawang tawa pa rin ito ng animo ay isa siyang nakakatawang bagay sa harap nito. Tumikhim sya para tumigil na ito sa kakatawa.

"Bakit nandito ka pa? Akala ko ba may meeting ka pupuntahan.?" Aniya ko sa kanya.

Tumigil naman ito sa pagtawa at pinunasan pa ang mga luha sa mata saka napasimangot pa ito saka tumingin sa wrist watch ng suot nito bago nagsalita. "Alam mo Dude, sobrang nakakaubos ng pasensya at oras yun taong yon bigla magpapatawag ng meeting tapos ano ikakansela lang! Tang ina lang talaga!" Ani Shane sa iritado nang tono.

Nagkibikit balikat lang ako at nag smirk. "Sino ba yan Dude? Huwag mong sabihin nambabae ka na naman at kikitain mo yon! Hala ka lagot sa asawa mo pagnahuli ka!" Pananakot ko sa kanya at nag smirk ako.

Bigla ito nasamid sa iniinom ng Juice. "Hoy dude hindi ah! At bakit naman ako makikipag kita sa mga chick na yon. Hindi naman sila importante eh.!  Wika ni Shane habang pinupunasan ang gilid ng nguso.

Ako naman ngayon ang tawang tawa sa reaksyon niya.

"Sino ba kasi yan dude?" Pag-uulit ko

Nagkibit balikat lang ito bago sumagot.

"Sino pa nga ba eh di yun Mr.Aguas na yon!" Si Shane.

"Ah...well, kung ako sa iyo hindi ko na tatanggapin ang offer niya kung ganon  ganon lang naman." Aniya ko.

Nang balingan niya si Shane ay nakasimangot na ito at nakatingin sa Cellphone nito. Parang alam na niya kung ano.

"Si Laurel ba yan ?"

"Yeah" si Shane sa bored na tono.

"Oh bakit matamlay ka?"

Lalong sumimangot ito sa sagot niya.

"Kainis kasi ehh"

Nag smirk lang ako at nagkinit balikat sa akto nito.

Bumutong hininga ito at nangalumbaba sa ibabaw ng desk niya.

"Ang haba naman ng hininga mo dude nakascore ba kayo kagabi? Tinaas taas ko ang dalawang kilay ko habang inaasar siya.

Ngumiti na lang ito bigla at nangagarap.

Ako naman ngayon ang napangiwi sa kanya dinampot ko ang wala nang laman na box ng tissue at binato ko sa kanya.

Kahit binato ko na ito ay parang estatwa pa rin ito at
nakatitig sa itaas ng kisame nangniningning ang mga mata nito.

Napakunot noo  ako at na weweirduhan kay Shane.

Bigla tumunog ang telephone sa ibabaw at agad ko naman sinagot.

"Ma'am hinahanap daw po kayo ni Mrs. Laurel."ani ng Secretary niya si Ms.Carpio.

Napatingin ako kay Shane nang marinig ko sa kabilang linya ang pangalan ng asawa nito. Nakatingin pa din ito sa kisame at nagkikislapan ang mga mata ng animo ay nakascore ito.

I Still Believe (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon