I STILL BELIEVE
Adelle POV
"Mommy, gusto ko po ng book! Bili po tayo! Ani Jansen. Kasalukuyan nasa mall sila mag-ina. Pagkatapos nila magsimba. "Hmmm, anong ba klaseng book ang gusto mo baby?"
"Gusto ko po ng tatlong book. Dictionary book yun super thick po, Science book at saka po Criminology." Gusto mapangiwi ni Adelle sa mga pinagsasabi ng anak. Hindi kakayanin ng pera niya ang gaano kamahal na mga libro ng gusto ng anak niya. Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi ng anak.
"Baby ano pala yun pantatlo book na gusto mo?" Aniya dito.
"Criminology po, Mommy!"nangniningning ang mga mata nito nang banggitin yun Criminology. "Gusto ko po mahing tulad nila paglaki ko, Mommy!"
Nanlaki ang mga mata niya at napatitig kay Jansen. Kalaunan ay napangiti siya. Ang swerte niya sa anak niya ng biniyayaan ng sobrang talino. Mas gugustuhin niya pa ng makita naglalaro ito ng mga toys ng nakakalat sa sahig kaysa mga libro. Napabutunghininga sya. Kanino kaya ito nagmana? Sayang lang at iniwanan ito ng sariling mga magulang sa harap ng inuupahan niyang bahay noon sanggol pa lamang ito.
Matangos ang ilong nito, ang mga mata nito ay kulay Deep Hazel Brown. Napaka kunot noo sya nang matitigan niyang maigi ang mga mata nito. Parang pamilyar sa kanya ang kulay ng mata nito. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya.
Parang kasi nakita na niya ang ganoon kulay ng mata. Hindi lang niya matandaan kung kanino at kung sino ang may-ari ng ganoon kulay.
Iisa lang tao ang kilala niya may ganon. Pero hindi niya lang matandaan.
Ang mga mata ni Ems ay almond ang kulay ng mata.
Bigla niya naalala ang fiance niya.
Pagkatapos ng maraming pagsubok ng pinagdaanan nila ni Ems, hanggang sa lumisan at tuluyan nang iwanan sya ng fiance niya. Hindi pa rin nawawala ang sugat ng iniwanan sa kanya ni Emma. Parang sariwa pa rin sa kanya ang paglinsan nito. Parang kahapon lang nangyari.
"Mommy, are you okay? You look like sad. May nagawa po ba ako ikinalungkot mo, Mom?!" Nag-aalala nilapitan sya ng anak at niyakap.
Napabalikwas sya sa reyalidad mula sa mga alaala ng nakaraan.
"No, anak ok lang si Mommy, may naalala lang ako baka kasi nalimutan ni mommy yun mga bibilihin natin." Nginitian niya ng matamis ang anak at niyakap niya ito.
"Are you sure,Mommy?" Naninigurong itong anak niya.
Tumango lang sya at nginitan ang anak saka niyakap niya ito ng mahigpit.
Napabutunghininga sya buti na lang mabait itong anak niya at wala na maraming tanong.
KANINA pa sya naiinip at naiirita sa pagdating ng taong kakatagpuin niya sa Mall. Tumingin sya sa wrist watch niya nang makitang pasado alas onse na malapit nang magtanghalian ay wala pa din ito.
Nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa. Agad niya sinagot ang tawag ng hindi na tiningnan ang caller.
"Ma'am, tumawag po dito kanina si Mr.Aguas hindi daw po niya kayo matawagan nawala daw po cellphone niya saka pasensya daw at di siya matutuloy nagkaroon daw po ng biglaan ng emergency." Ani ng Secretarya niyang si Ms. Galvez.
Napapikit siya ng mariin at napamura na lang sa isip.
Napabuga sya ng hangin sa kawalaan."Ok salamat sa pag info Ms.Galvez, kung hindi ka pa tumawag ay kanina pa ako tinubuan ng mga ugat dito sa paghihintay kay Mr.Aguas." bagot na bagot ang tono niya habang kausap ang Secretary niya.
BINABASA MO ANG
I Still Believe (On-going)
RomanceJiana Alexandra Montefalco - Hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya ang sakit at bigat ng nararamdaman simula nang mawala sa kanya ang babaeng pinag alayan niya ng pag-ibig. Makakaya pa ba kaya niya muli magmahal? Makakaya pa ba niya muli ibaling...