CHAPTER 4

159 17 3
                                    

Adelaida "ADELLE" POV

Pagmulat ko ng aking mga mata at iginala ko ang paningin ko sa apat na sulok ng pribadong kwarto kinaroroonan ni Emma.

Napansin ko may nakakabit ng dextrose sa kanan kamay ko ng ikinapagtaka ko. Nasa ganon ako nang bumukas ang pinto at lumapit sa akin si Kiana.

"Hinimatay ka kanina Adelle, you are fine. Nagulat ka lang daw sa sinabi ni dok." Wika ni Kian. Pagkatapos ay bumutong hininga sya at nagbaling ng tingin kay Ems na hanggang ngayon ay nanatili tulog pa din.

Bigla ko naalala ang sinabi ng doktor may 48 hours na lang ang natitirang buhay niya.

Masakit man isipin na sa paglinsan nya ay dapat ko nang tanggapin ng hanggang dito na lang ang buhay niya.

Nag init ang mga mata ako at nauwi sa mahinang paghikbi.
Niyakap ako ni Kiana at sinabi niya "Everything has a reason." Ngumiti sya at muling nagsalita.

"Siguro ay may dahilan ang Diyos at konting panahon lang niya pinahiram sa atin si Emma. Mawala man sya may darating naman ng bago. Kailangan natin tanggapin na hanggang dito na lang ang kanyang buhay." Malungkot ng bigkas ni Kiana.

Patuloy pa rin ako sa pagluha habang nakatingin sa kasintahan ko nakahiga at may mga tubo na nakasaksak sa mga katawan nito may benda sya sa ulo. Tangi life support na lang ang kinakapitan nito para mas makahinga pa sya. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag alpas ng mga hikbi.

Kinaumagahan ay dumating  si Tita Kristine. Mukhang kadarating lang nito mula sa Houston.  Nasa isang sulok kasi ang isang maliit na luggage bag nito. Nakatayo siya at kausap si Dr. Reyes.

Nang pumasok kami sa kwartong ito kasama ko si Kiana nagulat ito ng makita ang Ina. 

Napalingon sila sa amin nang pumasok kami. Malungkot ang mukha niya binalingan kami at nagpaalam na sa kausap saka nilapitan kami.

"Ma?! Kailan pa kayo nakauwi?"ani Kian.

"Dumiretso na ako dito pagkalapag ng private plane at nagpasundo ako sa isang tauhan natin sa agency." Ani Tita Kristine.

"Ma! Nakakapagtampo naman kayo dapat ako ang tinawagan ninyo para masundo ko kayo." Nakasimangot ng sabi ni Kiana.

Tumawa naman ng mahina si Tita Kristine

"Come here Hija" ani Tita Kristine saka niyakap niya ako ng mahigpit na ikinagulat ko.

"Be strong hija, I know di na sya magtatagal ano man oras ay mawawala na sya" ani Tita niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko may luha na pumatak sa balikat ko. Sinuklian ko din sya pabalik ng yakap at muli na naman ako napaiyak sa isipin na lilinsan na ang kasintahan ko.

Nilapitan namin ang higaan ni Ems.

Hinawakan naman ni Tita Kristine ang kamay ni Emma at hinalikan nya ito sa ulunan.

Napapikit ako at mapatakip sa bibig para pigilan ang paghikbi. Inakbayan naman ako ni Kiana bago nito balingan ang Ina.

"Ma, where's mommy saka sina Jiana,Veronica and Baby?"ani Kian.

"Sa sabado pa uuwi sila. Pero di ako sure kay Jiana, hindi ko sya makontak at baka busy sya sa pag aalaga sa anak nila ni Heather." Napangiti si Tita Kristine.

Napatingin ako kay Kiana na namilog ang mga mata.

"Talaga Ma!? Kailan pa nanganak si Heather?" Ani Kiana.

"Dalawang buwan na ang nakaraan." Ani Tita.

Napangiti na lang ako sa pag uusap ng mag-ina.

Binaling ko tingin kay Emma nagulat ako at nakita gising na sya at nakatingin sa amin. Hindi sya makapagsalita dahil sa tubo nakapasok sa bibig niya.

I Still Believe (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon