Jiana's POV
Isang mahabang pagsagap sa hangin ang ginawa ang ginawa ni Jiana nang magising sya mula sa isang masamang panaginip na iyon. Mabilis sya napabalikwas ng bangon mula sa kama. mabilis ang pintig ng puso at parang kinakapos ng hininga mabilis niyang kinapa ang katawan mula ulo hanggang dibdib sa pag aakalang may mga sugat at tama ng bala ng baril, saka palang sya nakahinga nang maluwag.
Basang basa syang ng pawis ng akala mo ay tumakbo ng napakahaba at walang tigil.Muli niyang naramdaman ang eksena sa panaginip niya napapikit sya at ipinilig ang ulo para mawala sa isip niya ang laman ng panaginip.
Ganitong ganito ang mga pangyayari eksena mula sa napanaginipan niya. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong ito hanggang sa katabi niya sa higaan.
Naningkit ang mga mata niya nang tumigil ang tingin niya sa mantsa ng dugo ng nasa kama. Alam niya ng may nangyari sa kanila ni Ashley kagabi dala ng sobrang kalasingan.
Naipikit niya ang mga mata matapos makita ang mantsa ng dugo sa katabing kama at tumingala sa itaas ng kisame parang bang andoon ang kasagutan.
Huminga sya ng malalim at muli niya ipinikit ang mga mata. "Shit I'm doomed!" napamura sya nang maalala virgin si Ashley nang may namagitan sa kanilang dalawa.
Napasabunot sya sa sariling buhok at hindi na niya alam ang gagawin kapag may nabuo na sa sinapupunan ni Ashley, kailangan niyang itong panagutan kung kinakailangan.
Napatingin sya sa suot na relo 7:30am na muli niyang naalala ang nasa panaginip.
Napakunot ang noo niya nang maalala ang eksaktong mangyayari.
"So ibig sabihin naliligo na ako nu'on ng seven thirty tapos nung nag eight fifteen am na papalabas na ako ng kwarto ito nang bigla may kumatok ng mga... nak ng tipaklong! Aniya sa sarili habang namimilog ang mga mata niya sa eksena sa napanaginipan niya.
"Fuck triple doomed!" Aniya sa sarili
Dali dali sya bumaba ng higaan at nagbihis hindi na niya binalak pang maligo sa letseng hotel na ito sa bahay na lang sya maliligo pagkarating niya.
Saktong paglabas niya ng room 609 ay bigla nag ring ang cellphone niya. Ang Mama Kristine niya ang tumatawag.
Muli kumunot ang noo niya tiningnan niya ang oras sa screen ng cellphone bago sinagot ang tawag ng ina.
"So ibig sabihin tapos na ako maligo nung time na yon tas nang matapos kami mag usap ni mama at makabihis na ako ay bigla may mga nauulingan ako mga mahihinang tinig ng nag uusap sa labas ng pinto ng room 609?" Piping usal niya.
Mabilis niya sinagot ang tawag at inunahan na niya ang mama niya.
"Morning Ma, I love you later na lang po tayo mag-usap pagdating ko sa bahay bye Ma and Mommy I love you both!' At mabilis niya ini end call ang tawag,
Malalim sya napabuga ng hininga saka naglakad papunta sa elevator nakakailang hakbang palang sya nang bumukas ang elevator nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan ang ilan tauhan ng mga Yamato.
Mabilis gumana ang isip niya at sa katabing ng room 609 sya pumasok.
Maswerte siya at hindi naka lock ang pinto napasukan niya kaya mabilis siyang nakapasok agad nang hindi sya napapansin ng isang tauhan ni Erin.
Nakahinga sya ng maluwag nang makapasok sya sa room 610 ay isinandal niya ang likod sa pintuan at saka niya inilock ito. Inilapat niya ang tainga sa pintuan at pinakinggan ang mahihinang pag uusap ng mga hayup na ito.
"Tandaan ninyo hulihin ninyo sya at wag ninyo syang babarilin si Boss na bahala sa babaeng iyon" ani ng lalaking may tattoo sa mukha.
Napakuyom sya ng mga kamao sa mga marinig mula sa mga nasa labas.
BINABASA MO ANG
I Still Believe (On-going)
RomanceJiana Alexandra Montefalco - Hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya ang sakit at bigat ng nararamdaman simula nang mawala sa kanya ang babaeng pinag alayan niya ng pag-ibig. Makakaya pa ba kaya niya muli magmahal? Makakaya pa ba niya muli ibaling...