Joaquin
Hindi ako makagalaw sa upuan ko, malapit na matapos yung movie at ang himbing pa rin ng tulog ni Sayuri sa balikat ko. Gigisingin ko na ba? Tumingin ako sa kanya at kita ko yung mukha niya, sobrang amo ng itsura niya. Parang ayokong guluhin at gisingin. Siniko ako ni Lance kaya napalingon ako sa gawi niya.
"Ano bang binayaran mo dito?" He smirked at me, alam ko yung tinutukoy niya.
"Syempre yung movie." I said casually at tumingin sa malaking screen sa harap namin. Ramdam kong mahuhulog ang ulo ni Sayuri kaya agad kong inalalay 'to at inayos.
"Hm... Movie nga. Sana ako rin sulit yung bayad." Pangungupal ni Lance sakin.
"Bakit 'di mo akbayan?" Ganti ko, Lance scoffed and ate his popcorn. "Back to you, Ocena."
After a few minutes the movie ended at lumiwanag na sa loob ng cinema. Busy silang lahat pagusapan yung ending ng movie, habang ako hindi ko alam kung gigisingin ko ba 'tong babaeng 'to o hahayaan ko lang siya matulog. I noticed that all of them were looking at us, they are all smiling at us widely.
"Iwan na namin kayo dito?" Klye suggested, halatang nangaasar. Pwede naman, okay lang sakin.
"Oo nga, mukhang enjoy ka naman bro." Sagot ni Gio at nagtawanan pa nga sila ni Renzo.
Ang lawak ng ngiti ni Lance samin, "Ulitin mo na lang yung movie, tutal mukhang masaya ka naman." Kahit magbayad pa ulit ako, ayos lang.
"Happy birthday sa'yo, Kin." Ashley said and giggled, she moved her brow up and down para asarin ako at lahat sila nagtawanan. Because of that nagising si Sayuri at namula dahil sa hiya. I also laughed because she looks so damn cute when she's embarrassed.
"S-Sorry!" She said and covered her face with her hands.
"Okay lang daw sabi ni Kin, 'di ba?" Sabi ni Ashley at niyakap si Sayuri, "Ang cute mo talaga!"
After that we all went to eat at a Korean restaurant that Yuan reserved, ang daming choices at halatang tuwang tuwa si Ashley. Sobrang hilig niya kasi sa Korean culture at music, lahat nga ata ng instrument kaya niyang tugtugin. Magaling siya tumugtog ng piano at gitara, nakakapagtaka nga kung bakit nasa bio siya, not that I don't want her to be in the same program as us, pero masyado kasi siyang henyo sa larangan ng musika. May full scholarship na sana siya sa conservatory of music kung pinili niya 'yon.
"Karaoke tayo habang niluluto pa ni Lance yung samgyup!" Sabi ni Ashley at kinuha yung mic sa may table. Occupied kasi namin yung private room ng restaurant, si Yuan ang nagbayad lahat. Minsan lang namin makasama si Yuan dahil busy siya palagi sa student council at acads niya, nagulat nga kami nung pinili niya mag-biology kaysa legal management. Alam namin na gusto niya maging abogado kaya laking gulat na lang namin na pinili niyang kurso ang biology.
"Bakit kita ipagluluto? Hindi naman kita anak!" Bwelta ni Lance habang naglalagay ng karne sa lutuan. Wala rin ng siyang magagawa dahil birthday ni Ashley. Si Lance ang pinakamatagal ko ng nakilala sa kanilang lahat, elementary pa lang kaming dalawa magkaibigan na kami. Since high school napapansin ko nang may gusto si Lance kay Ashley, palagi niya kasi inaasar si Ash.
Kaya siguro magkaibigan kaming dalawa, dinadaan namin sa biro kapag may gusto kami sa isang tao. But in his case, it's hard to confess to someone who you had a lot of memories with. Lalo na kung nagsimula kayo as friends, mahirap sumugal at mahirap rin isugal. Hindi man aminin ni Lance na gusto niya si Ash, halata naman sa kilos niya.
BINABASA MO ANG
Hiraya Manawari
Teen FictionBefore moving to the Philippines to finish her pre-med studies, Sayuri made a deal with her father to go back to Japan to study medicine at Osaka University. Upon bumping into Joaquin, a dean's lister from another block who accidentally spilled coff...