6

45 3 3
                                    

Joaquin



"Tara kape." Salubong sakin ni Lance nang makita ako palabas ng room. "Nagpapabili rin si Ash ng cinnamon rolls, masakit daw puson."



I smirked at him, "Crush mo?"



"Puta gago!" Binatukan naman ako ni Lance. "Kadiri ka bro." Inirapan ako ni gago. Sobrang halata na in denial si tanga. Pailing-iling akong tumawa sa sagot niya habang sinasabayan siya maglakad. Early dismissal kami ngayon at kanina pa uwian nila Lance, nasa Lover's Lane yung iba ngayon hinihintay kami. Habang papunta sa carpark pinag-uusapan namin ni Lance ang tungkol sa major namin.



"Ay teka lang bro, nag-uusap na ba kayo ni coffee girl mo?" Tinaas-taas pa niya ang kilay niya. Loko 'to!



Agad akong napasimangot nang mabanggit niya, "Maalikabok na yung message ko sa kanya. Hindi ako siniseen. Sinabi ko naman na may quiz tapos pinasa ko pa yung papers niya kay Dra. Cortez. Sobra na yung ginawa ko pero wala man lang thank you." Pumasok kami sa loob ng Starbucks at umorder na.



Sa likod namin may dalawang high school students na parang nagpipigil ng tili, napalingon ako sakanila at agad silang napatingin sa ibang direksyon. Weird.



"Grabe everyday na 'kong pupunta dito bes!"



"Oo nga, ang pogi ng nasa harap at likod natin. Ang swerte!"



"Name po?" Tanong sakin ng barista habang nakangiti.



"Kin." I said and took out my money to pay for my purchase.



"Thank you sir! Wait na lang po sa side." The barista gestured me and kinuha niya naman yung order nung mga high school students.



Nag-CR muna si Lance, ako daw muna mag-abang ng order niya. Busy ako sa paggamit ng phone nang makarinig ako ng pamilyar na boses.



"Yung usual na order ni Sayuri and isang java chip, tall and no whip cream." I quickly looked at the person who said that, Mavy Felizarte. "Takeout, palagay sa cup and paper bag yung name ni Sayuri. Thank you."



Did he just say Sayuri? Friends sila?



"Hey, Kin you're here!" Bigla akong natauhan nang batiin ako ni Mavy, he made his way beside me dito sa waiting area. Tumango naman ako sa kanya, "Kumusta?"

Hiraya ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon