Joaquin
"Sasabay ka ba samin mag-lunch?" Tanong ni Lance, sa condo natulog si Lance kagabi dahil nag-away na naman yung ate at mom niya. Kakatapos lang namin kumain ng almusal at sabay kami ngayon papasok sa school.
"Oo." Sagot ko at pinindot ang elevator button. "Ganon pa rin ba pinag-aawayan ni tita at ng ate mo?"
Lance released a heavy sigh, "Oo, hindi na natapos yung lecheng away na 'yan." Nagbukas ang pinto ng elevator at pumasok na kaming dalawa. Lance pushed the ground button and we waited until we reached the ground floor. Pinaguusapan namin ngayon yung upcoming exams namin, medyo hirap ako magreview ngayon.
"Ayos yung necklace mo, bro." Turo ni Lance sa bilog na pendant. Napahawak ako sa kwintas na suot ko at tinago 'yon sa loob ng polo ko. "Saan mo nabili?"
"Bigay lang 'yan." Sabi ko at kinapa ulit yung pendant. Suot ko ngayon yung kwintas na binigay sakin ni Sayuri nung debut niya. Ang awkward nga after ko magpalit, hindi na kami nakapag-usap kasi tinawagan daw siya ng tita niya sa ibang bansa. Kinailangan kong umuwi nang maaga dahil may kasama akong mga bata.
Hindi rin kami masyadong nagpapansinan sa loob ng campus, kapag nakakasalubong ko siya nagngingitian lang kami. Well I don't know what to say to her so I think it's fine. At baka busy sila ni Mavy, may balita pa nga na sila na at nakita sila nung CDC na magkasama. May bagong video at pictures na namang pinagpipiyestahan ang mga fans ni Mavy sa Twitter.
"Bakit mo tinago?" Lance raised a brow, "Kanino galing 'yan?" His eyes looked at me with curiosity.
"Basta! Ang dami mong tanong." Inunahan ko siya sa paglalakad. Nakarating na kaming dalawa sa loob ng main building at pumunta na kanya-kanyang klase. Yung last subject namin before lunch nag-extend pa kasi wala daw siya next meeting. Gutom na 'ko. Nagchat ako kay Lance at sinabing late ang dismissal namin at isabay na 'ko ng bili ng lunch.
lnc.ocena: bayaran mo ha!
joaqmdr: tulad mo pa 'ko sayo, oo na
lnc.ocena: sa gazebo kami kakain utos ni boss ash
joaqmdr: boss mo?
lnc.ocena: mama mo
joaqmdr: pikon amp
lnc.ocena: damot sa bling bling amp
joaqmdr: fuck you
lnc.ocena: harder
I rolled my eyes and put my phone inside my bag. Baka kung ano pa sabihin niyan sakin kung hindi ko pa titigilan yung pakikipagchat sa kanya. Lagpas ten minutes nang nagtuturo yung prof namin kaya gutom na gutom na 'ko. Gusto ko na kumain! Pwede naman kasi i-send yung PowerPoint sa messenger!
Nang matapos yung lecture ng prof ko, agad akong lumabas bitbit ang bag ko para pumunta sa gazebo. Kitang kita ko agad sila mula sa malayo, habang papalapit ako nang papalapit nakita kong kasama pala nila si Sayuri. Ano kaya ginagawa niya dito? Biglang umalis si Sayuri at naglakad papalayo.
"Problema niya?" Tanong ko at umupo sa pwesto ni Sayuri kanina. "Babalik ba si Sayuri?" Lahat sila nakatingin sakin at parang nagaabang ng susunod kong sasabihin. "What the fuck? Anong problema niyo?"
"Umamin ka ba kay Sayuri?" Klye asked, "Kung oo, kailan at saan?"
"Bakit 'di namin alam?!" Sigaw ni Ashley. Kinuha ko yung lunch ko kay Lance at binuksan 'to. Nauna na silang kumain kaya sasamahan na lang nila ako. "Masyado kang pa-showbiz Kin! Silent treatment?!"
BINABASA MO ANG
Hiraya Manawari
Teen FictionBefore moving to the Philippines to finish her pre-med studies, Sayuri made a deal with her father to go back to Japan to study medicine at Osaka University. Upon bumping into Joaquin, a dean's lister from another block who accidentally spilled coff...