22

18 2 0
                                    

Javier


"Sayuri, don't let go of my hand okay? Baka mawala ka bigla." Sabi ko habang hinahatak siya papasok ng MOA Arena. Hinahanap namin si Bryan at yung iba pang Growling Tigers. Nagyaya kasi sila manood ng cheer dance competition.


Mabuti na lang nakakuha ako ng isang ticket para kay Sayuri at pumayag siya. Hindi pa nga siya pupunta kasi sabi niya wala siyang susuotin para suportahan ang school, sabi ko yung jacket ko na lang na black at yellow. May resemblance naman ng UST 'yon.


"Kap!" Sigaw ni Johann. Napalingon ako sa direksyon nila at nakita siyang kumakaway samin. We walked towards them, pinauna ko na si Sayuri baka mawala kasi siya kung nasa likod ko siya. "Ayaw mawala sa paningin amp!" He joked.


I raised a brow at him and scoffed. Nagtatampo pa rin ako sakanya dahil inindyan niya kami ni Bryan sa debut ni Sayuri—though acceptable naman yung dahilan, hindi ko pa rin mapigilan na mainis dahil si Joaquin yung nagsuot ng costume. Alam ko dahil sinabi sakin ni Bryan and he said he has no other option kasi nalaman na rin ni Joaquin yung plano.


"Sorry na Kap..." Johann pleaded and looked at me with puppy eyes. "Si coach kasi hinarang ako, nagpalusot pa nga ako para hindi mabisto si Bry."


"Oo na sige na." I said and tapped his shoulder, "Pero libre mo 'ko nung chocolate mousse na binebenta mo. Tsaka caramel bar."


"Kap naman! Business is business! Walang tropa tropa sa negosyo." Pangangatwiran ni Johann. "Baka malugi ako sayo."


"Sino kaya yung nanira ng usapan?" I rolled my eyes at him. I saw Sayuri and Bryan talking to each other. Binigyan pa nga ni Bry ng headband at yellow balloons si Sayuri para ma-feel niya lalo yung pag-cheer sa Salinggawi.


"Sige na nga." Nakangusong sagot ni Johann, "Malulugi negosyo ko sainyo. Ang sasama ng ugali niyo, hmp!" I laughed at him and Bryan said we can now go inside.


Yung pwesto na nakuha namin pang-apat na row mula sa court kaya kitang kita namin lahat, of course nasa side kami ng UST. When we entered ang daming nakatingin samin, yung iba nanghihingi pa ng pictures.


"Si Mavy!" May grupo ng mga babaeng humigit sakin, "Pa-picture naman Mavy!" Pumayag na lang ako at nilapitan ng isang babae si Sayuri para iabot yung phone niya. "Ate, pwede picturan mo kami?"


Sayuri smiled a little at kinuha sa kamay yung phone nung babae para kuhanan kami ng picture. After a few shots binalik niya yung phone at paalis na sana kami nang higitin ulit ako.


"Video greeting naman po sa isa naming kasama. Hindi po kasi nakapunta sa dahil sa acads." Pangungulit nung babae kanina. I gave her an apologetic smile and grabbed Sayuri's hand to exit. Napansin ko kasi na yung ibang kasama nung babae ang sama nang tingin kay Sayuri dahil sa suot niyang jacket. They know that it's mine kasi suot ko 'yan last time nung naglalaro pa ko sa Tigers.


I could tell that Sayuri is starting to feel uncomfortable but she doesn't want to say it because it might offend them. Nang makaupo na kami kinumusta ko si Sayuri kung ayos lang ba siya, mukha kasi siyang naiilang kanina nung may nagpapapicture sakin.


"Okay ka lang?" Tanong ko. She nodded her head and smiled at me, "Sabihin mo lang kung may kailangan ka or uncomfortable ka. Pwede naman tayo umuwi."


"No, no. I want to watch this." She said, "I was just shocked that you guys are famous."


"Sila lang." Sabi ko, "Hindi naman ako basketball player."


Hiraya ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon