Javier
"Remind mo nga ulit ako bakit tayo nandito sa Divisoria?" Naiiritang tanong ni Bryan habang bitbit yung mga pinamili namin.
Last minute shopping ang ginawa namin dahil sabi ni Uriel nagkulang daw sa decorations para sa debut ni Sayuri. Si Uriel at yung mom nila ang nag-plano. Kanina lang nalaman ni Sayuri ang tungkol sa celebration.
"Kasi nagkulang sa decoration yung team nila Uriel at may kukuhanin lang ako na costume." Sabi ko habang tumitingin sa mga pasillio kung nasaan na kami.
"Are you serious? Mavy, naliligaw na tayo." Bryan said, halatang yamot na yamot na dahil medyo marami ngayon ang namimili. Nag-cutting rin kami sa klase namin para makabili ng mga decorations.
"Alam ko kung nasaan tayo." I assured him at naglakad na papunta doon sa kanto papasok sa mga nagmamasahe. Bryan is just behind me, napapatingin siya sa mga nag-ooffer ng masahe dahil tulad ko, bugbog na rin ang katawan niya sa training.
"Sure ka ba nasa tamang landas tayo?" Pangungulit ni Bryan. "Mukhang dead end na 'to." He said.
I rolled my eyes at him, "Ang kulit mo talaga, ililigaw kita dito." Sabi ko at nagtungo sa isang shop. "Good afternoon po." I greeted and gave them the receipt.
Kinuha ng may-ari ng shop ang resibo at binasa ito, "Neng!" Tawag niya sa kasama niya.
"Po?!" The girl whose called Neng shouted from the attic-like entrance. Namamangha si Bryan sa nakikita niya at sumilip si Neng para kunin yung resibo. "Teka lang." She said and went back.
"May isa pang floor sa taas?" Bryan asked, "Ang cool."
"Bodega namin 'yan." The owner of the shop said. "May inorder ka ba, hijo?"
"Kasama ko po siya." I said. "Siya rin po yung magsusukat ng costume."
"Hoy!" Binatukan ako ni Bryan, "Anong ako?! Wala akong alam diyan! Kaya pala pinilit mo 'ko mag-cut para dito!"
"Gago, si Johann ang magsusuot talaga nito bukas. Same height lang kasi kayo kaya kailangan sukatin." I said at napasimangot naman 'tong si Bryan.
"Ayan! Lumabas din ang totoo! Kailangan mo lang ng six footer na kasama, dapat si Joaquin na lang yung kinausap mo. Willing pa 'yon." He smirked, magsasalita na sana ako nang makarinig kami ng malakas na tunog dulot ng pagbagsak ng costume.
"Neng! Ayusin mo yung pagkakababa mo!" Sigaw ng may-ari ng shop, "Nasaan yung ulo?!"
"Hinahanap ko pa po!"
Kinuha ko yung mga bitbit ni Bryan at tinulungan siyang suotin yung costume, Johann was with me last time kaya nasukatan siya but he can't make it ngayon kasi may practicum sila.
May babaeng nag-abot samin ng ulo ng costume, siya siguro si Neng. She helped us adjust the costume to Bryan's fit, nang matapos pinicturan ko si Bryan at nag-pose pose pa siya na parang mascot. Hinubad na rin niya yung headpiece at kitang pinagpapawisan na siya.
"Ang init pala nito." Reklamo niya, "Buti na lang si Johann magsusuot." We helped him undress the costume at nilagay na namin sa duffle bag.
"Kuya, dapat po yung magsusuot niyan naka-sando at boxers, pero mas maganda kung boxers lang kasi mainit po talaga sa loob niyan." Neng instructed us as she counts the money I gave her. She handed me the change and thanked us.
BINABASA MO ANG
Hiraya Manawari
Teen FictionBefore moving to the Philippines to finish her pre-med studies, Sayuri made a deal with her father to go back to Japan to study medicine at Osaka University. Upon bumping into Joaquin, a dean's lister from another block who accidentally spilled coff...