Joaquin
"Sigurado ka ba na ngayon sila mag-eenroll?" Tanong ko kay Lance, nandito kami ngayon sa condo ko. Bigla kasing nag-chat 'tong si Lance na mag-eenroll siya. Balak ko pa naman na magpahuli pero sabi ni Lance na sumabay na 'ko sakanya. Hinahanap ko sa kwarto yung credit card ngayon, I need to withdraw some cash para makapag-enroll.
"Oo, sinabihan ako ni Ashley." Sigaw ni Lance, nasa living room siya ngayon at naglalaro sa computer. "Akala ko nasa QC ka, bakit nandito ka agad sa unit mo?"
"Hinahanap ko yung mama nila Kiko." Sagot ko. Nagbagong taon hindi ko pa rin makita yung nanay nila Kiko at Kakay, sobrang naaawa na 'ko sakanila lalo na nung iwan ko sila sa bahay para umuwi dito sa unit ko. "Kumusta na pala yung pinapaasikaso ko sa'yo sa Laguna?"
"Heto, Laguna pa rin." Pilosopong sagot ni Lance, "Joke lang! Nagreport na 'ko sa police. Pakiramdam ko, nandito lang sa Manila yung ina ng mga bata."
"Kung nandito lang siya, ang hirap niya naman hanapin." I said and opened my drawer, nakita ko yung credit card ko at nilagay sa wallet. I grabbed my orange shirt and black board shorts, I paired it with a Birkenstock Arizona suede leather in nude. Lumabas na 'ko ng kwarto.
"Baka naman kasi ayaw magpahanap." Lance answered and looked at his phone, "Sa baba ka magwiwithdraw?"
"Sa gilid." I rolled my eyes at his obvious question. "Tara." I said and checked everything before closing the door then locking it. We entered the elevator and waited for us to go down, nang makababa nag-withdraw muna ako sa ATM dito sa building. Matapos ay pumunta na kami sa school.
Nagkekwento lang si Lance tungkol sa bakasyon niya sa Laguna, nagrereklamo pa nga kasi hindi siya masyadong nakapagpahinga dahil sa catering business ng mom niya. The day when I saw Sayuri at Japan, I told Lance about it at sinabi niya na baka destined daw talaga na magkita kami. Ewan ko ba dito sa best friend ko, masyadong naniniwala sa destiny destiny na 'yan. Parang tanga.
Umakyat kami ng second floor para asikasuhin yung enrollment namin, kumuha kami ng form kung saan isusulat ang subjects na kukunin namin this sem. Papunta kami ni Lance sa registrar nang makita namin si Ash kasama si Klye at Sayuri. "Hello!" Bati ni Ash samin.
"Tapos na New Year pero ang ingay mo pa din. San galing 'yan? Ninakaw mo 'yan 'no?!" Lance pointed at the Chanel paper bag. Naalala ko na naman ang gastos si Maxine sa Japan.
"Gago! Regalo sakin ni Sayuri 'to! Ikaw, wala! Masama kasi ugali mo. Dapat ikaw mismo pinapasabog sa Bagong Taon." Sabi ni Ashley. Bigla kong naalala na ang daming bitbit na paper bags ni Sayuri nung nakita namin siya last year, para sakanila pala 'yon.
"Bakit ako wala? Paboritong anak, ganon?" Nagmamakaawang tanong ni Lance kay Sayuri, napansin kong nag-panic siya sa biro ni Lance.
Binatukan ko ang kupal kong kaibigan, "Tumigil ka nga."
"I actually bought you guys some gifts but I didn't know we'll be meeting here. I'll bring it next time." Sayuri said. Ah, so para sa lahat naman pala. I noticed that they're done with their enrollment, hawak na kasi nila yung registration form nila.
"Patingin sched mo." Pasimple kong sabi, I immediately memorized all of her subjects and subject codes. Gusto ko nga picturan kaso mahahalata nilang lahat yung plano ko, hayaan na. Hindi naman siguro masama na mag-extend ako 'di ba?
I gave the paper back and started filling out my form, medyo natagalan kasi sinasaulo ko yung subject codes. Akala ko nga makakahalata sila kasi ang tagal kong tinititigan yung schedule ni Sayuri. I first wrote those subjects that I remembered, may ibang subjects na 'kong na-take kaya yung mga pwede kong kunin ngayon ang sinusulat ko. Hindi naman siguro halata yung ginagawa ko ngayon?
BINABASA MO ANG
Hiraya Manawari
Teen FictionBefore moving to the Philippines to finish her pre-med studies, Sayuri made a deal with her father to go back to Japan to study medicine at Osaka University. Upon bumping into Joaquin, a dean's lister from another block who accidentally spilled coff...