18

25 3 2
                                    

Joaquin


I updated Sayuri about my last day of suspension. Balita ko medyo nahirapan siya mag-cope up because of the attention. I feel bad kasi parang iniwan ko siyang harapin lahat 'yon, though I'm thankful my friends are there to help her. And I hope that the issue will die down, ang hirap gumalaw sa loob ng campus kapag may issue.


"Kiko! Kakay! Bilisan niyo, traffic!" Sigaw ko habang hinahanap ang susi ng kotse sa loob ng bag ko, nagsasapatos na silang dalawa at halatang excited kasi ngayon lang sila makakapasok sa Mall of Asia.


"Kuya!" Sigaw ni Kakay at agad akong napatingin sakanya, umiiyak siya at nakatayo sa may pintuan. "Si Kuya Kiko inaaway ako!"


"Kiko!" Saway ko. Kiko looked at the ground while pouting, "Anong ginawa mo?"


"Kuya, kinuha po kasi ni Kakay yung laruan kong robot. Hindi naman po sakanya 'yon tsaka hindi 'yon pambabae!" Pagdadahilan niya. I released a sigh. Akala ko naman nagkasakitan sila. Nilapitan ko si Kakay at hinaplos ang buhok niya.


"Nasaktan ka ba?" I asked at pahikbi-hikbing humindi ang bata, "Bakit ka naiyak?"


"Kasi po kuya gusto ko lang naman makuha yung robot k-kasi gusto ko pong may asawa yung barbie ko!" Kakay explained as she wipes her tears. Kinalong ko si Kakay para tumahan, napatingin ako kay Kiko at napangiti.


"Kayong dalawa, dapat hindi kayo nag-aaway. Dapat marunong kayo magbigayan." I said and gestured Kiko to come closer. Lumapit siya at hinawakan ko ang kamay niya, we walk our way to the car while I was lecturing them about sharing things and understanding each other.


"Hindi naman po pambabae yung robot!" Pagmamatigas ni Kiko nang makasakay sila sa kotse. I helped him put his seatbelt on, ganon rin kay Kakay.


"Ang damot mo kuya Kiko!" Sigaw ni Kakay. Napakamot na lang ako sa ulo ko and headed towards the driver's seat to start the engine.


"Kiko, Kakay." I called at napatigil sila sa pagbabangayan. "Anong sabi ko kanina?"


Parehas silang napatingin sa baba at nakanguso, "Magbigayan po..." They both said in unison.


"Kiko, hindi tama yung bibigyan mo ng limitasyon ang mga gamit. May mga bagay na pwedeng gamitin din ng babae, may mga bagay na pwedeng gamitin rin ng mga lalaki." I said and started to drive, pinagbuksan kami ng gate ng mga helpers. "At Kakay, kung may gagamitin ka na hindi mo naman gamit magpapaalam ka nang maayos." I said.


Parehas silang tumango at mukhang naintindihan naman nila ang gusto kong iparating. Ang hirap pala mag-alaga ng mga bata, naiisip ko tuloy yung pagpapasensya sakanila ni Nanay Esang. Hindi naman kami ganyan ni Maxine nung bata kami, may sarili kaming mundo—she's into arts while I'm into helping people.


"Ano ngayon ang sasabihin niyo?" Tanong ko sakanila, buti na lang hindi masyadong traffic kaya makakarating kami ng MOA at exact 11AM, sabi ni Waze. I glanced at them through the rear view mirror.


"Sorry kuya Kiko..." Kakay apologized first. "Magpapaalam na po ako sa susunod."


"Sorry din Kakay, hindi na 'ko magdadamot. Promise!" He said and even crossed his heart. Napatawa na lang ako, ang saya siguro kung ganyan kami ni Maxine nung bata kami. Unfortunately, I was with my parents all the time—at the hospital or at medical missions.


While on our way to MOA, nagdaldalan na lang silang dalawa sa likod. Mom brought Nanay Esang with her to the hospital today, gusto ko rin na makipag-catch up si mom sa mga colleagues niya dati. Yung libre lang sa friends ko ngayon is Gio, sasamahan niya 'ko para makipaglaro sa mga bata.


Hiraya ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon