01-University

1.3K 50 1
                                    


Maputik,sobrang dilim ang aking dinadaan.Wala ako sa sarili habang patuloy na naglalakad at hindi ko alam kong saan o paano ako uuwi na hindi baon ang mga salitang binitawan ng aking mga guro sa dati kong paaralan.Oo dati,dahil pinaalis nako sa skwelahan na yon.Sobrang malas talaga ng kapalaran ko ngayon may nagawa ba akong mali sa past life ko lord?may pinatay ba akong hari?Kaya ganto nalang ang parusahang binigay mo sakin?Bakit ako pa?marami na mang iba diyan na hindi deserve kong anong meron sila,bakit ako pa na lubos kong kinakailangan makapagtapos at makapag aral ng maayos.Sa dinami dami kong problemang pinagdaan ito ang hindi ko kakayanin lord,wala akong mukhang ihaharap sa magulang ko.Anong sasabihin ko?natanggal ako sa paaralang pinapangarap nila dahil bumagsak ako.OO BUMAGSAK AKO.Scholar Student lang ako sa San Ateneo University.

    
   

           Bumagsak ako sa tatlong subjects,at yon ang diko alam.Lahat ginawa ko para makapasa,pero wala olats parin ako.Isang taon,halos isang taon nalang gagraduate nako.Bakit ngayon pa?Ang hirap pag wala kang ipagmamalaking pera sa bawat galaw mo.Nakakatanga lang,alam ko ang bawat mga nangyayari sa paligid ko.At alam ko ding pinagkakaisahan ako ng bawat tao sa paligid ko.Wala pag pera-pera ang labanan talo ako.Sa buong buhay ko hindi ko kinamuhian ang buhay na kong anong meron ako ngayon.Pero sa pagkakataon nato ngayon ko lang masasabi bakit hindi nalang pantay pantay ang mga tao sa mundo.Dapat walang mahirap o mayaman.Nakaka inis lang imbis na ayaw kong magalit sa mundo.Wala, mukhang tinuturuan ako ng mundo para kalabanin siya.

        Isa lang ang natutunan ko sa araw nato,pag wala kang pera,kapag mahirap ka wala kang laban.






"Hoy ganda!" pinanganak ata ako sa araw na patay ang diyos,lagi lagi nalang akong minamalas.



"Oo tanda alam ko maganda ako!" ganda lang naman ang meron ako,pero pera wala ako nun.





"Mukhang siniswerte tayo ngayon pare HAHA" sabi nung matandang may balbas doon sa kasama niyang kalbo.




"mag kakapera pa tayo,at may libre pang pulutan HAHA" edi sana all sa kanila may pera,humingi kaya ako ng pangtuition para sa-


"Akin na lahat ng gamit mo!para hindi ka masaktan!" anak ng pating naman lord,ako ipapaholdap mo? kahit isang peso wala ako.


"Anong tinatawa tawa mo dyan?!" nagulat ako sa sigaw ng kalbo nato,bibingiin pa ata ako nila.


"Amin na yang bag mo,para magkasundo tayo!" hindi pa sila marunong magsalita ng mahinahon,bakit sila sumisigaw?

Lumingi-linga ako sa paligid ko,kung siniswerte nga naman ako nasa liblib pa ako na lugar.Ito naba ang katapusan ko?mamatay naba ako?


"Wag kang magtangkang tumakas samin,wala karin namang matatakbuhan!" tama siya,wala nga.Pag tatakbo ako sa kanan ko puro mga kawayan,magkakasugat sugat pa ako.Kong sa kaliwa may balisong naman tong kalbo nato.Wala talaga akong takas.Mukhang ito na nga ang katapusan k--




"Bakit mo basta-basta isusuko ang buhay mo?hindi naba mahalaga yan sayo?" ibibigay kona sana ang lahat ng dala ko sa dalawang kidnapper nato,nang biglang may nagsalita sa madilim na kalsada.



"Lintik!at sino kana man para makialam dito?!Mukhang gusto mo ring ibigay ang mga dala mo!" sigaw ng kalbong lalaki.




"Ako?ako lang naman ang maghahatid sayo kay kamatayan."sabi ng misteryosong lalaki at bigla nalang niyang sinugod ang dalawang holdapper at pinagbubugbug ito.



"Oo gusto ko ring ibigay ang dala ko sayo!"



"Wag!p-please..." sigaw ko sa lalaking misteryoso,dahil sasaksakin niya na sana ang dalawang holdapper,pero pinigilan ko.Oo galit ako sa mundo pero ayokong makasaksi ng tao pumapatay at dahil pa sakin.




When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon