Rhaynezelle
Tatlong linggo na ang nag daan matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Moore.Tatlong linggo naring hindi nag papakita sakin si Cyruz, kung makikita ko man siya iiwasan niya ako na parang hindi ako nakikita.Sa tatlong linggo nayun naging tahimik ang buhay ko,kahit medyo hindi ko matanggap na hindi ako pinapansin ni Cyruz at hindi parin nasasagot ang mga tanong ko sa isip ko.
Tatlong linggo ko narin hinahanap ang lalaking tumulong sakin,ngunit kahit ni hibla ng buhok niya hindi ko makita.Nag aaral ba siya dito sa impernong to?Siguro kasi nandito siya sa loob e.Pero bakit hindi ko man lang makita siya o makasalabong man lang sa kahit saang parte ng paaralan nato.
"Siguro matatagalan pa si Mrs. Ocampo makapunta dito."biglang pag sasalita ni Ellie habang kumakain ng binili niyang burger sa may canteen kanina.
"Sabi ko sainyo,sa canteen nalang muna tayo e." paghihimutok ng butchi ni Celes,kasi kanina niya pa kami niyayang sa canteen muna daw tumambay.Pero hindi kami pumayag ni Ellie kasi magkaklase na.
"Ano ba kasing gagawin mo doon?" humarap si Ellie kay Celes para mag tanong.
"S-shempre kakain malamang,ano bang ginagawa sa canteen?"nauutal at pamimilosopo niyang sagot kay Ellie.
"Wag ako Celes,alam ko pag may gagawin ka o wala.Ano nga?may crush kang inaabangan sa canteen no?Si Yeon ba?sabi ko sayo wala kang pag asa doon." At dahil sa sinabi ni Ellie,nakuha niya ang atensyon ko.
"Yeon Ryol Aquino?May gusto ka doon?"ako naman ang nag tanong this time.
Marami na akong nakilala sa paaralan nato,kung baga nakilala kuna ang mga sikat na dalawang grupo kung tawagin nila ay Greekious at Helliones.Sa Greekious doon na bibilang ang lucifer na hindi ko pa nagagantihan dahil sa ginawa niya sakin,kasama niya doon ang mga mokong na sila Jeus Kyiel Sanmateo,Rhyker Con Malasigan, Fritzer Grig Ynfante at Zarius Keint Cervantes.
Sa kabilang grupo naman ng Helliones doon na bibilang si Kreon Vory Barsoza at nalaman ko din mag kapatid sila ni Kreios pero mortal daw na magkaaway sabi nila Ellie.May apat na kasama si Kreon sa grupo,sila Esther Lorbi Quinos,Yeon Ryol Aquino,Addison Erich Battista at kasama nila si Moore Peale Bernando.
Lahat nang yan nalaman ko sa loob ng tatlong linggong pag tatanong ko kanila Ellie at Celes,shempre halos ilang taon na silang nagaaral dito kaya alam kong marami na silang alam tungkol sa paaralan nato.
"Wag ka ngang maniwala kay Ellie,Rhayne.Wala akong gusto sa Yeon na yun."sagot niya sakin na hindi makatingin.Nako nako alam kona ang galawan nito.
"Umamin kana ako nga crush ko si Kreon."pag sisinungaling ko para mapaamin ko siya.Shempre hindi ko crush si Kreon,mapapatay na talaga ako ni Moore kapag nagkataon na marinig niya to.
"What?!Si Kreon Vory Barsoza?Nahihibang kaba Rhayne?"halos pa sigaw na sabi ni Ellie,kaya tinakpan ko agad ang bibig niya.
"Bakit kaba sumisigaw,Ano Celes?tell me para sabay tayong magplano para makuha natin ang dalawang Helliones na yun." ngingiti-ngiti ko pang sabi kay Celes kahit pinandidilatan na akong nang mata ni Ellie.
"Tumigil ka Rhayne,Iba si Celes matagal niya nang gusto si Yeon at alam ng buong school yun.Kaya wag kang--" hindi natapos ni Ellie ang sasabihin niya nang tinakpan ni Celes ang bibig niya.
"Ano?Omg Celes ba't di'mo sinasabi sakin ang daya ako lang walang alam."pag tatampo kahit alam kong walang epekto yun kay Celes.Matigas pa yan sa bato ang emosyon nyan.At ewan ko kung bakit nagkakagusto siya.

BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.