21- facing the reality

231 21 2
                                    

Rhaynezelle



When I was a child,wala akong ibang hiniling na kahit ano basta makapagtapos lang ako ng pag-aaral at maging mayaman.Pero habang tinitignan ko si Madam Veronica ngayon hindi ko alam kong anong emosyon ang narararamdam ko.

Nagulat ako sa sinabi niya sakin,I don't know what to say,if I accept the big responsibility.Alam kong kailangan ko yun para may kapangyarihan ako dito sa paaralan nato at para magkaroon ng paraan para malaman kung ano ang meron sa paaralan nato.


"Did I shocked you Ms.Archimeda?Anyway if I were you,I accept it." napabaling ako kay Madam Veronica,seryoso siyang nakatingin sakin.

"B-bakit po ako madam?" naiilang kong tanong kay Madam Veronica.

Hindi ko alam kong ano balak sakin nito,kong bakit ako pinili niya?Wala pa akong napapatunayan kahit na ano sa paaralan nato.Wala rin akong lakas ng loob para magampanan ng maayos ang tungkulin kong tatanggapin ko man ito.

Marami namang iba diyan na pwedeng maging secretary,bakit ako pa na bago lang halos mag da-dalawang buwan palang ako dito.Maraming mas deserve ang tungkulin nato.Pwede din si Moore,because Moore has a potential to become a secretary.And I admit it,kahit ganun siya alam kong matalino si Moore.


"You got a rank 19,and that's Ms.Bernardo position." malamig niyang sabi sakin.So?si Moore ang dating secretary at nang makuha ko ang rank niya nawala sa kanya ang position at rank niya.

"Beside,President choose you to become his secretary even you didn't got a rank."napabaling ako sa kanya ng banggitin niya ang presidente.


"Ang president po?Bakit daw po?" kuryuso kong tanong kay Madam.

Bakit ako ang gusto ng presidente na maging secretary niya?hindi ko naman siya kilala and beside hindi ko pa siya nakikita.And yes we meet in person pero hindi ko kilala ang mukha niya.Wala akong ibang matandaan sa kanya maliban sa mata niyang nakakatindig balahibo sakin at nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Nabuhayan ako ng loob ng malaman kong ang mismong presidente ang gustong maging secretary ako.Mukhang napapaburan ako ng langit,ito naba ang paraan para makalabas ako sa paaralan nato?kapag ba napalapit ako sa presidente at makilala ko siya ng lubos makakalaya naba ako sa lugar nato?


"If you accept it,you immediately go to him and ask him what you want to know." seryosong sabi ni Madam Veronica.Tinignan ko siya salungat ang emosyong nakikita ko sa mata niya,sa sinasabi niya sakin.

Parang ayaw niyang tanggapin ko ang tungkulin na ibinibigay sakin ng presidente.Sa tingin ko wala siya magawa kapag ang presidente na ang nag utos. Sino ba talaga ang presidenteng yun?bakit parang lahat ng tao dito kasama narin si Kreios takot sa kanya.

Anong bang meron sa presidente para maging ganun sila?

"Payag na po akong maging secretary,Madam."
seryoso kong sagot at tumingin sa kanya ng deretso.

Nakitaan ko sa mga mata niya ang pagkagulat pero agad naman itong nawala at napalitan ng matamis na ngiti. 

"T-that's good,Ms.Archimeda.Here sign this papers and after that give it to President." matamis niyang ngiti sakin sabay bigay ng papel.

"Nasa SSG room ang president ngayon,so you can go there." nakangiti niya parin sabi at bumaling na sa mga papel na ginagawa niya kanina bago ako pumasok.

"Salamat po,Madam." sabi ko sa kanya bago lumabas ng silid. Naabutan ko si Kreios sa labas ng silid ganun parin ang ayos niya at parang bagot na bagot na sa hindi ko malaman na dahilan.

When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon