Rhaynezelle
"Open that box,Cervantes."
Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin ng mag salita si Kreios, nakatingin siya sa may labas ng pinto. Kaya tumingin din kaming lahat doon,kanina iniwan namin itong nakasara pero ngayon nakabukas na ito at may iniwan na kahon sa may ibaba. Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa labas ng tumingin ako sa bintana. Mukhang natagalan kaming lahat sa pag aayos at paglilipat ng gamit. At hindi namin napansin na mag-gagabi na.
Nang makarating kaming lahat dito kanina ay inutusan kami ni Kreios na ayusin ang lahat ng mga nakakalat at pumili na kami ng kanya-kanya naming silid. Malawak at Malaki ang silid na ito para saming lahat na nandito. May sampung silid ang naroon sa taas ng hagdan, nang umakyat ako doon kanina ay nakita ko ang mga silid na ito limang pintong magkakatapat,mukhang sa isang silid ay dalawa ang gagamit. Maaliwalas ang buong paligid, wala kang makikitang kakaiba at mali. Dahil normal itong silid na kung tatawagin ko ay para na itong isang bahay. Kumpleto na siya may kusina,banyo at sala na magagamit naming lahat.
"Bakit ako?" napabaling ako kay Zarius sa tabi ko ng mag salita siya.
"Why not you,then?" malamig na boses ang pinukol ni Kreios kay Zarius.
"Mas malapit ka sa pinto." kibit balikat na sagot ni Zarius at pinagpatuloy ulit ang ginagawa niya.
"What the fuck is wrong with you fucker?!" umalingaw-ngaw ang malamig at malakas na boses ni Kreios sa loob ng silid na ito. Napasinghap kaming lahat sa pagsigaw nito,kaya napabaling ako kay Zarius na wala man lang talagang balak na sundin si Kreios.
"Fucker huh?" napasapo ako sa ulo sa katangahang sagot ni Zarius.
Gusto niya ba ng away, kanina ko pa siya napapansin na parang wala sa hulog. Nakabusangot ang mukha at nakasalubong ang dalawang kilay. Hindi niya rin pinapansin si Fritz na kinakausap siya kanina pa. Nakita ko rin na binangga niya si Rhyker na nakaharang sa daan niya, kung hindi lang inakala ni Rhyker na hindi sinadya ni Zarius yun ay baka kanina pa sila nagsuntukan. At ngayon naman wala siyang balak na gawin ang utos ni Kreios na napakadali lang.
Nag dilim ang mga mata ni Kreois ng marinig ang sinabi ni Zarius, mukhang naubos na ang pasensya niya sa isa kaya balak niyang lapitan ngunit pinigilan kuna itong mangyari.
" Ako na ang kukuha,tumigil na kayong dalawa." malamig kong sabi at inirapan silang dalawa. Dumiretso nako sa may pinto at dahan-dahan kong kinuha ang isang kahon sa may lapag ng pinto.
Nang mahawakan ko ito ay sobrang gaan lamang at parang walang laman. Humarap ako sa mga kasama ko, Nakita kong nakasalubong ang kilay ni Zarius habang nakatingin sakin, wala namang emosyon si Kreios at ang mga kasama ko ay nakikita ko sa mga mata nila na gusto na nilang malaman kung ano ang laman ng kahon na ito.Agad ko itong binigay kay Kreios,dahil hindi ko pwede buksan ang kahon na ako lang.
"Open it and read what inside of that box." malamig na sabi niya sakin at hindi man lang tumitingin.
"Okay.." dahan-dahan kong binuksan ang kahon pansin kong nasa akin lahat ang buong atensyon ng kasama ko sa loob ng silid na ito. Binuksan ko ito agad ngunit nabitawan ko ng wala sa oras ng Makita ko ang laman ng kahon na ito.
"Rhayne!" narinig ko ang sigaw ni Ellie at lumapit sakin,dahil nawalan ako ng balanse muntik nakong matumba.
"A-ayos lang ako." sagot ko habang inaalalayan ni Ellie. Napatingin ako sa kahon na binagsak ko sa lapag isang putol na laruang kamay ang laman nito at puno ng mga akala ko dugo. Nagulat at nahiya ako sa ginawa ko dahil inakala kong totoo itong putol na kamay. Alam kong nagulat din ang mga kasama ko,ngunit ng mapagtanto nilang hindi ito totoo ay nakahinga sila ng maluwag.
BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.