Rhaynezelle
" What the fuck?!" malakas na sigaw ang narinig ko galing sa taong nasa harapan ko. Hindi ko namalayan ang pag bagsak ni Moore sa harap dahil ang buong akala ko ay katapusan kona. May isang dagger na bumaon sa kaliwang pisnge ng mukha niya. Napabaling ako sa direksyon, kung saan ng galing ang dagger na tumilapon kay Moore.
" R-right in shining armor ah?" nahihirapang sabi ni Moore habang tinatanggal ang dagger sa kanyang pisnge, habang masama ang tingin na pinupukol kay Cyruz.
Oo si Cyruz ang pumigil kay Moore para patayin ako kani-kanina lang. Napatingin ako kay Cyruz na namumula sa sobrang galit, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Simula ng makapasok kami sa loob ng paaralan nato kahit isang beses hindi siya nag pakita ng galit sakit. Kaya sobrang lakas ng tibok ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalapitan ko ba siya? Pero sobrang nanghihina ako ngayon, halos hindi ko maramdaman ang buo kong katawan na manhid na ata ako sa ginawa ni Moore sakin. Pinag masdan ko ang paligid dahil naramdaman kong biglang tumahimik mga taong nanonood. Walang kahit anong salita o sigaw akong naririnig. Nagulat ako ng pagtingin sa paligid.
Agad na binato si Cyruz ng isang kakampi ni Moore. Alam kong asahan kona nagagawin ni Yeon to pero hindi ko alam bakit nag titiwala padin ako na may pagbabago pa. Pero laro nga pala to ang matalo, patay.
"Hey, are you okay? Kaya mo ba?" Nalingon ako kahit sobrang nanghihina na ang buong katawan ko. Inaabot sakin ni Jeus ang kamay niya para matulungan akong tumayo. Nang aabotin kona ang kamay ni Jeus ay bigla nalang siyang binato ng semento ni Addison. At hindi ko nalamayan ang dating ni Moore sa likod ko.
"Ano ang akala mo tapos na tayo?" pag hatak niya sa buhok ko para makalayo sa pwesto nila Jeus at Cyruz na abalang nakikipaglaban. Kita sa kanila ang pagod at alan kung kapantay nila ang mga kalaban nila. Hindi kona alam, wala na akong maisip. Kaya ko pa ba?
"When I saw you at the very first time. I thought I was wrong. Baka namamalikmata lang ako. Baka nag kakamali lang. Pero It's fucking ridiculous. You are her. I know it is. Kahit mag panggap ka at mag tago ulit sa likod nila, this time ako na ang papatay sayo." hindi ko maintindihan na sabi ni Moore sino ba siya? anong ako siya? Napagkakamalan na ba akong ibang tao? Hindi kona alam. Wala na akong ibang maisip kundi ang makaligtas dito. Isa lang ang tanging paraan para maisahan ko si Moore.
"Akala ko kaya kitang paikotin, katulad nila. Pero hindi ka padin nag babago. Tuso ka padin Peale." Nakangisi kong sabi habang dahan-dahan na pilit na tumayo kahit sobrang sakit ng katawan ko.
Namangha ako sa gulat na emosyong pinakita ni Moore sakin. Mukhang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Mukhang hindi niya inisip na mag sasalita ako. Ito lang ang tanging paraan para malagpasan ko ang laban na to. Kahit abala ako sa pag mamasid sa emosyon ni Moore, hindi pinalagpas ng mata at tainga ko ang paligid. Sari-saring singhap, gulat at pagtataka ang bungad na mga emosyon sa paligid lalo na sa mga taong kilala ko.
"Anong sinabi niya?"
"Imposible ang sinasabi niya, kita ng dalawang mata natin yung nangyari."
"Patawa lang yan."
"Bobo ampt."
"Hala papalapit si Kreios sa warfield."
Nagulat ako sa mga sinasabi nila tama ba ang ginawa ko? Mas lalo akong naguluhan sa mga naririnig ko. Hindi kona alam kung ano ang papakinggan.
BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.