Rhaynezelle
Hindi ko alam kong anong oras nako paikot-ikot dito sa higaan ko.Hindi ko alam kong pano ako makakatulog sa mga nalaman ko ngayong araw.At ayaw din maki sabay ng antok sakin ayaw din akong lapitan nito.
Rinig kuna ang bawat hilik ng dalawa kong kasama,pagkatapos kasi ng isang nakakalitong announcement ng principal.Pinagdesisyonan naming umuwi na sa dorm.Naging matamlay si Ellie nang umuwi kami dito sa dorm at wala namang kibo si Celes.Kaya hindi ko sila makausap at hindi ko magawang itanong kong ano ang nangyayari.
Kung ano ba talaga ang totoong reyalidad ng paaralan na ito.Para saan ang mga kahon na dadating samin bukas.At bakit dapat kami lang makakaalam kung ano ang laman nang kahon nayon.
At pag natanggap na namin ang mga kahon ibig sabihin nag uumpisa na ang tunay na pakay nang paaralan nato.
Nanlamig ako ng biglang humahingin sa may bandang bintana.
"Sinarado ko naman ang bintana kanina ah?"mahina kong tanong sa sarili ko.
Tumayo ako para isara ang bintana,pero bigla akong nakarinig nang kaluskos sa may pinto.Kaya agad akong pumunto doon,pero hindi ko muna binuksan.Tinignan ko muna sila Ellie at Celes na mahimbing nang natutulog.Imposibleng galing sa kanila ang tunog na yon.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto,at sumalubong sakin ang sobrang lamig nang hangin at ang kadiliman ng buong labas.Isasarado kuna sana ang pinto dahil wala namang tao,pero napansin ko ang isang pulang kahon sa may amba ng pintuan.
Biglang nag sitayuan ang mga balahibo ko,at naalala ko ang announcement kanina ng principal.Agad agad kong kinuha ang kahon at palingon-lingon sa paligid nagbabakasakaling makita ko ang nag hatid ng kahon.Pero wala akong nakita ni anino nang isang tao. Kaya nag pasya akong pumasok at inilagay ko sa gilid ko ang kahon.
Tinignan ko ang relo ko sa kamay at nagulat akong alas tres na nang umaga at hindi pa ako natutulog.Gusto kunang matulog pero kinain ako ng kuryosidad sa laman ng kahon.Agad ko itong kinuha at nakita ko ang nakasulat sa ibabaw nito.
From: ZLL
To: Ms.Archimeda
"Your only eyes can see what inside of this box,but if you didn't follow ready for the consequence."
Sulat palang sa labas ng box,kinilabutan na agad ako.Pano kung pugot na ulo at kamay ang laman nito?anong gagawin ko?Pero kahit ganun susundin ko parin ang sulat sa box.Baka mas lalong nakakagimbal ang kapalit kapag hindi ko sinunod.
Agad kong binuksan ang laman ng kahon,pero halos lumuwa ang aking mga mata sa nakita kung mga laman ng kahon nato.
Tatlong malalaking kutsilyong hindi ko alam kong ano ang mga pangalan nito.At may dalawang baril,at mga lubid.Ang lahat ng armas na nakita ko sa loob ng kahon ay may nakasulat na pangalan ko.
Anong gagawin ko dito?
Naalimpungatan ako dahil sa may nag gagalaw sa balikat ko.
"Rhayne,gising na malalate tayo nito oh."nakilala ko ang boses ni Ellie,na naginigising ako.
"Tulog mantika talaga yang babaeng yan."medyo naiiritang sabi ni Celes,habang may ginagawa.
"Rhayne,really?anong oras kaba natulog kagabi?"kulit sakin ni Ellie,minulat ko nalang ang mata ko para maging sign na gising nako.
"Anong oras na?"tanong ko sa kanila sabay tayo na.
BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.