28- warfield.

387 36 32
                                    

Rhaynezelle

"Salamat, ayos lang ako Kreios." walang lakas kong sagot.

Inalalayan niya ako ng mabuti para makatayo ako, hawak niya parin ang braso ko. Na parang kahit anong oras ay pwede akong matumba.

"Why are you here? Hindi ba dapat nasa kwarto ka."  tanong niya sakin, habang pinapaupo niya ako sa may sofa.

"Gusto ko mag pahangin." maikli kong sagot sa kanya.

"With Zarius." sabi niya na parang nakita niya kami na nag uusap.

"Hindi,ako lang." pagsisinungaling ko.

"Sure, tell that to your self." sarkastiko niyang sagot sakin at naglakad siya.

"Iiwan mo ako dito?" wala sa sarili kong tanong.

Nakita ko ang pag kamangha niya sa tanong ko at napangisi siya.

"I will bring you a glass of water. Because you look lifeless. I won't leave you here, like what idiot did to you." nakangisi niyang sabi sakin na parang nang aasar.

Kahit hindi ko narinig ang huling niyang sinabi, inirapan ko nalang siya. Hindi niya naman pinansin at nag patuloy lang siya sa pag punta sa direksyon ng kusina.

Napabuntong hininga nalang ako ng hindi kuna makita ang bulto niya. Alam ko namang may gantong side si Kreios , pero parang gusto ko nalang yung Kreios na una kung nakilala na gusto ako patayin. Kaysa gantong Kreios na hindi ko alam kung bakit ganto siya. Natatakot ako pag ganto siya, baka bigla nalang siyang mag bago ng mood at bumalik siya sa pagiging demonyo. Higit sa lahat ayokong mapalapit sa kanya ng ganto. Ayoko sa side niya ganto.

Alam kong si Kreios ang makakatulong sakin para makalabas sa paaralan nato. Kaya sa loob ng tatlong buwan kailangan kong pakisamahan ang bawat ugali niya.

"Here."

Natauhan ako sa pagiisip ng ilagay niya sa harap ng mukha ko ang isang basong tubig.

"Why are you always like that?" tanong niya sakin, pagka kuha ko ng isang basong tubig sa kanya.

"Anong ganyan?" naguguluhan kong tanong habang umiinom ng tubig na binigay niya pero napatigil ako.

"Walang lason yan,kung yan iniisip mo." namangha ako sa pagtatagalog niya hindi dahil sa walang lason ang tubig na binigay niya sakin. Kundi sa pag tatagalog niya. Minsan ko lang kasi siya marinig mag salita ng tagalog. " Stop staring at me. " pag sasalita niya ulit kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"W-wala naman akong sinabi na may lason e." sabi ko at agad na ininom ang tubig.

Tinignan lang niya ako at hindi sinagot. Umupo siya sa may harap kong sofa. Walang nag salita samin dalawa, nakapikit lang si Kreios habang nakatuko ang ulo niya sa gilid ng sofa. Tinitignan ko lang ang bawat parte ng katawan niya. Marami silang pagkapareho ni Kreon, masasabi mo talagang magkapatid sila. Sa tindig at kutis nilang dalawa masasabi mong parehong dugo ang lumalatay sa kanilang magkapatid.

Hindi ko alam kong bakit humantong sa gantong hidwaan ang mag kapatid nato. Halos hindi na nila kilalanin ang isa't isa. Wala silang sinasanto makasakit man sila ng iba basta nalalamangan nila ang bawat isa. Kung gano ka demonyo si Kreios, mas lalong demonyo si Kreon. Alam kaya ng mga magulang nila na ganto sila dito? Na halos hindi kilala ang isa't isa. Pero may magulang ba sila?may kapatid?kaibigan? Kaibigan kaya ni Kreios si Zarius? Matagal na kaya silang mag kakilala? Sino ba talaga si Zarius? Bakit ganun nalang siya umasta sakin kanina? Bakit parang ibang-iba na siya.

Ang mga matang walang emosyong nakatingin sakin. Mga masasakit na salitang binitawan niya sakin. At sa pag papalayo niya sakin. Hindi ko alam at lalong hindi ko maintindihan. Sino ba kasi siya?Sino ba ang tinutukoy nilang lahat na halos galit na galit sila sa kanya?Ano ba ang ginawa niya sa kanila? Bakit ganun nalang ang galit nila sa kanya?Lalo na sila Zarius, Kreios at Kreon. Konektado ba ako sa kanya?Kaya ganun nalang ang trato nila sakin.

When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon