27- Distance

294 43 5
                                    

Rhaynezelle

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko sa mga oras na to. Hindi ko rin maigalaw ang mga daliri ko. Parang wala akong lakas sa mga oras nato. Ramdam kong nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama at may mga kasama. Iba't ibang boses ang mga naririnig ko.

Ramdam ko ang bawat titig nila sakin,bawat buntong hininga nila nararamdaman ko. Pilit kong inaalala kung ano ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Hindi ko kinaya ang sakit sa binti ko dahil sa dagger na nakabaon. Nanghina ako dahil nauubusan nako ng dugo.

Alam kong ligtas nako sa mga oras nayun. Hindi ko man aminin nagtitiwala ako sa presidente sa mga oras na yun. Siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan, dahil alam kong siya lang ang may kakayanan na mailigtas ako. Nang bumukas ang pinto kung saan ako nakapasok, doon ako nawalan ng malay. Kaya hindi ko nakita kong sino ang pumasok.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kong ano ang nangyari at bakit ako nandito. Nasaan ang presidente?

"Ayos na ba siya?" narinig ko ang boses ni Ellie , na nag aalala sakin.

"She's fine, hindi naman masyadong kumalat sa buong katawan niya ang lason. Probably, she's fine. Malakas ang katawan niya for sure." boses naman ng isang babae ang narinig ko. Hindi ko kilala kung sino yun.

"She's not fine Staliane. Kung okay siya dapat gising na siya sa mga oras nato. Look at her, namumutla parin siya. " naiinis na sabi ni Ellie.

Alam kong sobrang nag alala sakin si Ellie,pero ayoko naman na madamay pa siya sa kung anong gulo ang pinasok ko.

"If that's what you think. Labas nako doon, nandito lang ako para gamutin siya. I'm done so , I can leave you all?" seryosong sabi naman ni Staliane.

Siya ang gumamot sakin. Ano siya dito? Nurse or Doctor? Hindi pa ako nakakabangon ang dami na namang tanong ang dumagdag sa isip ko.

"Hindi dapat makalabas ito. At sana hindi na malaman ng Head Council, Staliane. You may go." walang emosyong sabi naman ni Kreios.

"As you wish." maligayang sabi ni Staliane. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya alam kong lumabas na si Staliane.

"What are you planing to do, Kreios?" seryosong tanong ni Jeus. Ramdam ko ang paglapit niya sa pwesto ko, at bigla ko nalang naramdaman na inaayos niya ang kumot.

"Wala." walang emosyong sabi ni Kreios.

"Pre, nasaktan si Miss Secretary. At agaw buhay naman ang isang Zevallos. Wala kang gagawin?"  naguguluhang tanong ni Rhyker.

"Wala," ulit na sabi ni Kreios.

Agaw buhay ang isang Zevallos?Kung ganun hindi pa patay si Karrie. Naligtas pa siya nila Kreios sa kamay ng demonyo niyang kapatid. Nagpapasalamat naman ako kung ganun. Kahit papaano nakikita ko parin ang kabutihan ng mga Greekious.

"Anak ng tipaklong naman, Kreios! Hindi ka talaga maaasahan." naiiritang sabi naman ni Fritz.

"Wala tayong gagawin. Hintayin natin siya ang gumawa ng paraan." walang emosyong sabi ni Kreios sa mga kasama niya.

"Sino? Yung demonyo mong kapatid?Gusto mong maunahan na naman tayo nun?" naiiritang tanong ni Fritz.

"Hayaan mo siya. Sigurado akong sa mga oras nato. Kilala niya na si Rhayne." naguluhan agad ako sa sagot ni Kreios kay Fritz.

Kilala nako ni Kreon?Oo malamang halos tatlong buwan nako dito sa loob ng paaralan nato.

"Di mo sure." sabi naman ni Zarius na ngayon ko lang narinig ang boses niya.

When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon