16- something's weird

202 20 0
                                    

Rhaynezelle



My heart always pounded when i was to get a chance to look at his eyes directly.Pero sa bawat titingin siya at muntik na tatama sa akin ang mga mata niya agad siyang umiiwas.I don't know what it is,pero hindi naman nag bago ang pag trato niya sakin.He always tease me to the point na gusto ko nang gamitin sa kanya ang bawat tinuro niya sakin.Yes! It's been 3 days na marami nakong natutunan sa kanya.


Sa 3 days na yun walang ni anino ng magkapatid ang nag pakita sakin,sa loob ng tatlong araw ko sila Celes and Ellie ang nakakasama ko kapag tapos na ang pagtuturo sakin ni Zarius.


Zarius is a nice guy,with mysterious eyes. In 3 days with him I feel comfortable even he always tease me.Simula na nang naging ka partner ko siya hindi niya na ako nilubayan.Nakalimutan ko na rin ang ginagawa niya pag nakaw sa una kong halik.Even though i get annoyed,because of his presence nakakalimutan ko ang ginagawa niya.Weird right?




"Look Rhayne,si Cyruz yun diba?" nabaling ako kay Ellie nang banggitin niya ang pangalan ni Cyruz.



Matagal-tagal narin ng hindi niya ako pinapansin.It's weird kaya bakit siya ganun?Nasa kanya naman yun kung hindi niya gustong sagutin ang mga tanong ko.Hindi yung iiwasan niya ako.Alam niya naman siya lang ang kaibigan ko dito maliban kanila Ellie at Celes.Hindi ko lang alam kong tinuring niya ba akong kaibigan o hindi.



"Siya nga," matamlay kong sagot sa kanya.

"Boyfriend mo siya diba?" halos mabilautakan ako sa fruit juice na iniinom ko dahil sa sinabi ni Ellie.


"Sa tingin mo talaga boyfriend ko siya?of course not Ellie. Me and Cyruz are friends." malamya kong sagot sa kanya,at pinag patuloy ang pagkain ko.Btw we here sa cafeteria.



"I thought haha," kibit-balikat ni Ellie.



"Himala,wala si Zarius dito." singit naman ni Celes na abala sa hindi ko alam.Mukhang abalang-abala siya,pero nakikipagusap parin naman siya samin.


"Oo nga no,hindi ka nilulubayan nung nakaraan diba?" paniningkit niya nang mata parang may nais iparating.



"Mabuti ngang wala siya dito,naiirita ako sa presenya nun." sabi ko sabay irap ng mata.



"Ayaw mo nun,may friend kay Greekious." natatawa pang sabi ni Ellie.



"Among all Greekious,siya ang mahina." giit naman ni Celes,at tumingin sakin.



"Hays yeah his weak but look at him so poge haha" medyo pag papantasya ni Ellie kay Zarius.


"Wag na nga natin siya pag usapan," sabi ko,at napatingin kay Celes na parang nag bago ang mood habang nakatingin sa likod ko.


"May masamang hangin na parating." malamig na sabi ni Celes.At nakita ko si Chanda sa harap ko.


"Hi Rhanze,Can I talk to you for a while?" nakangiti niyang sabi sakin at tumingin sa mga kasama ko.


"Sure Chanda," sagot ko at nakatingin na sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.

"I mean,tayo lang." medyo nahihiya niyang sabi.


"Sumama kana Rhayne." malamig na sabi ni Celes na parang naiirita sa presensya ni Chanda.



"Tara Chanda, Ellie sa dorm niyo nalang ako hintayin." sabi ko at sumunod na kay Chanda.


"Sandali lang naman tayo." nakangiting pagbaling sakin ni Chanda at nakatingin siya sakin.



"Ayos lang,Chanda." sagot ko at nakangiti lang.


Kita ko ang mga pagbabago ni Chanda sa mga nag daang araw,parang naka pag adjust na siya sa school.Nakikita ko rin siya minsan na may mga nakakasama narin good for her.Actually I want to be with her pero ayaw ni Celes na makasama namin.



"I saw you improving your strength.I'm glad na nakaka adjust kana rin." nakangiti niya sakin,napabaling ako sa kanya.



"Uh,oo masyadong apurado yung nag tuturo sakin e." medyo may pagkairita kong sabi sa kanya.Masyado kasing apurado si Zarius sa pag tuturo sakin na parang nakikipagpaligsahan.Naalala ko pa nga nung pangalawang araw ng training namin halos mag hapon kami.



Flashback (2 days ago)...


" Rhayne,nakakainis ka wag kang pahina-hina!" nagulat ako ng malakas akong tinadyakan ni Zarius kaya napa aray ako.Bwesit talaga siya!


"Mag dahan-dahan ka nga Zarius! Ano ba gusto mo talaga akong patayin no?!" sigaw ko sa kanya,habang inaalalayan ko ang mismo kong sariling tumayo.


" Pano naman kasi,wala kang kalakas-lakas! Nakita ko yung tinuturuan ni Kreios halos mapatumba na siya nun.Pangalawang araw palang Rhayne! tangina halos parang wala kang natutunan e." medyo pikon na niyang sabi sakin.At nagpupunas ng pawis niya.


Sino ba naman kasi ang matutu nang ganto ka dali halos gabi-gabi ang sakit ng mga katawan ko.Hindi nga ako halos makatulog dahil sa sakit.



"Edi doon ka! Siya turuan mo nakaka bwesit ka rin e! Ang sakit-sakit na nang katawan ko halos wala nga tayong pahinga!Dyos ko po Zarius nakakapang init ka ng dugo!" sabi ko at may balak na sanang talikuran siya kaso.



"What the fuck! Zarius!" binato niya ako ng isang kawayan na ginagamit namin na kunwari armas.



"What the fuck Zarius nye nye" pang gagaya niya sakin at sabay hila,at binalik ako sa training area.



"Sumugod ka,hindi tayo titigil hanggang hindi ko na kikita ang nais kong makita sayo.Wag kang pahina-hina,kung ayaw mong mamatay sa lugar nato." seryoso na niyang sabi,at hindi na makatingin sa mga mata ko.

His action is so weird for me,sometimes he act like a childish and somehow he act like a serious man.Minsan nakikipag asaran at biruan siya,yung feeling na ayos naman ang usapan namin.Tapos bigla-bigla nalang siyang titingin sakin na parang sinusuri niya ako sa bawat tingin niya.Kapag titignan ko naman siya iiwas siya ng tingin sakin.

Naguguluhan ako sa bawat mga kinikilos niya,pero i don't mind it kasi wala naman akong pakealam pero curious ako nahindi ko pinapahalata.

End of flashback.....


"Ganun talaga si Zarius," may halong ngiti niyang sabi,



"Kilala mo siya?"medyo interesado kong tanong sa kanya.



"Uh,oo kasi siya yung una kung nakausap nung nag transfer ako dito.Friendly siya right?" nahihiya niyang sabi na nakangiti.



"Hindi siya friendly,pangit nga ugali nun e." sabi ko sabay irap sa kawalan.



"I think you wrong." sabi niya.


"As if." sabi ko at parang nawalan na ng sa mood.


"Sa tuwing nakakasalubong ko siya anywhere he always say hi-," pinutol ko na ang sasabihin niya kasi medyo naiirita ako na hindi ko alam ang dahilan.



"Ano bang pag uusapan natin?" sinubukan ko nang maging kalmado.



"I have a favor lang," medyo nahihiya niyang sabi.


"Ano yun?" tanong kong pinaningkitan siya nang mata.Ang lakas naman ng loob niyang humingi ng pabor sakin.




"Gusto kang makausap ni Kreios." kumalampag ang puso ko sa kaba ng marinig ang pangalan ng kinasusuklaman ko.






________________________________

;)

When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon