06- ant's curiosity

335 25 0
                                    

      Rhaynezelle

Halos mapatanga nalang ako sa kawalan at hindi lubos na maiisip ang nangyari kanina.Pag katapos nang gulo na nangyari,nag silabas na ang mga kaklase ko at nakatingin sakin na parang naaawa o natatakot.Hindi ko alam kong anong trip nila,kanina halos mamatay sila kakatawa nung magsalita ako sa harap nila,tapos ngayong hays nakakaloko na sila ah.

Nawala bigla si Sir.Van nung mga oras na yon,diba pag may ganung kaguluhan ang guro agad ang unang nagpapagitna.Pero bakit ganun?umalis siya?normal ba siyang tao?tunay ba siyang guro? naiinis na talaga ako unang araw ko dito tapos ang dami kona agad tanong,baka pag tumagal ako dito mas lalong dumami.Anak ng pating naman!!

"Zelle!Are you there Rhaynezelle?!" malakas na sigaw at batok sakin ni Cyruz.

"Aray naman Cy!oo nandito ako nakikita  mo nga ako."sabi ko sabay irap sa kanya,nagulo tuloy yong buhok ko.

"Yes you here,but your mind is flying."ay aba,inirapan ako ni mokong.

"Dukutin ko yang mata mo!bakit ba kasi?" oo nga pala,pag tapos ng nangyari kanina nakita ko si Cyruz sa harap ng classroom namin kaya sumama ako sa kanya dito sa cafeteria.

"Sa dinami dami na sinabi ko wala kang narinig?insulto ka Zelle ah."pag tatampo niyang sabi,kinakausap niya pala ako?mukhang nakulong ako sa mga iniisip ko.

"Sorry,ano ba yon?"sabi ko sabay pulot ng fries sa lamesa.

"Nevermind,ubusin mo na yang lahat may second class pa ako."sagot niya sabay ayos na ng mga gamit niya.

"Hoy ano nga yun Cyruz!sige na! napa mysterious epic fa shiya eh,"nabubulol kong sabi dahil sa fries na kinakain ko,ang sarap talaga nito.Lalo na pag libre.

"Don't talk when your mouth is full."sabi niya sabay abot sakin ng tissue.Unti lang naman ang laman ng mouth ko ah?

"Hays,ano nga kasi yon?"bahala siya dyan hindi ko makakalimutan yon,ang dami na ngang gumugulo sa isip ko dadagdag pa siya.

"I said,nevermind this is not important anyway."ay english na yon ah,okay tama na nosebleed nako.


"Okay,nosebleed na ako sayo Cy"natatawa kong sabi.

"Are you done?Hatid na kita sa room niyo."sabi niya sabay dala na ng mga gamit niya,bat ang daming dala to?nerd lang ang nais?tapos may sunglasses pa na parang sinusuot talaga ng mga nerd ah basta alam niyo na yon.Atsaka bat ngayon ko lang yun na pansin?

"Ah-auh,wait Cyruz.Bat ka nakasuot ng ganyan?malabo na ba yang mata mo?diba wala kana man niyan?"sunod sunod kong tanong,bat ganun ang dami kong mga tanong ngayon araw.


"Design."maikli niyang sagot at nag lakad na palabas ng cafeteria,shempre sumunod ako agad sa kanya.


"Neknek mo!sinong niloko mo?design ampucha haha"natatawa kong sabi.

"Turn down your voice Zelle,"kanina pato english ng english ah.

"Ano nga trip mo?bat ka naka ganyan tapos ang dami mo pang dala."tanong ko ulit sa kanya makulit to no.

"Sawa na kasi ako sa pagiging heartthrob,kaya nerd naman atsaka baka pati dito pag kaguluhan din ako ng mga babae pagod nako sa kakatakbo at kakatago sa mga babae,"kibit balikat niya sabi at may pangiti ngiti pang nalalaman.Iba rin tong lalaking to ah,ang yabang masyado.

"Oh bakit?di'ka naniniwala?may tanong pa kasing na lalaman."sabi niya sabay iling iling pa.

"Oo alam ko naman na gwapo ka di'ko idedeny yon,pero yong sinabi mo di'ka panipaniwala."pa iling iling ko ding sabi.


When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon