RhaynezelleNapamulat ako sa ingay ng alarm clock kong hinanda para sa panibagong araw na haharapin ko.Ito na ang bagong simula ng bago kong buhay sa bago mundo tatahakin ko.
Agad kong hinanda ang lahat ng dadalhin ko.At magpapaalam ko kay mama,oo hindi pa ako nakapag paalam sa kanya.Pag dating ko kasi kagabi ay wala siya dito sa bahay.Siguro ang galing siya sa kung ano mang trabaho ang tinutukoy niya sakin na hindi naman alam.Kahit kailan talaga ang labo ni mama.
Bumaba nako dala ang dalawa kong bagpack,ang karamihan kong dala ay damit yon ang sabi ni Cyruz.Masunurin lang ako,dinala ko narin ang naipon just in case kailanganin koto ayaw kong maging pulubi sa school na papasukan ko.Tama na ang minsan na minaliit ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa estado ng buhay ko.
"At saan ka pupunta Syd?" hmmm...ang bango pamilyar sakin ang amoy nato....
"Mama! nagluluto kaba ng binaguangang karne?!" tanong ko habang papatakbo sa kusina,shet my favorite, kung kailan aalis ako doon na isipan ni mama mag luto nun.
"Sagutin mo ang tanong ko." hays kahit kailan talaga masungit si mama,buti nalang at hindi ako nag mana sa kanya.
"Ganto kasi mama" kinwento ko sa kanya ang lahat nangyari sakin kahapon habang kumain na ng paborito ko. Sarap.
"At aber bakit ngayon mo lang sinabi sakin?" taas kilay niyang tanong sakin,akala mo kong sinong maganda para masungit sakin.Joke maganda nanay ko saan pa ako magmamana.
"Kasi naman maganda kong nanay,hindi nakita naabutan dito sa bahay kagabi at kung saan kamang lugar nanggaling wala nakong paki." pagsusungit ko sa kanya,kay mama lang talaga ako nakakapagsungit. Pero sa ibang tao hindi ko kayang gawin yon. Kinakain agad ako nang konsensya ko.
"Malayo ba ang pupuntahan mo?sigurado kang libre lahat doon?pano kung scam lang yan?pano kung ibenta ka lang nila doon?Pano kung-" hindi ko na siya pinatapos dahil hindi siya matatapos sa kakatanong ng puro negative hays.
"Mama,wag kang mag isip nang kung ano ano.Kasi hindi naman bagay sayo."sagot ko habang nilalagay ang pinggang pinagkain ko sa lababo.Tama,hindi ganyan si mama pag magpapaalam akong aalis ako ang lagi niyang sagot sakin "Ikaw bahala, buhay mo yan"wala akong ibang naririnig na sagot kundi ganon.Kaya natatawa at naiirita nalang ako sa dami niyang tanong sakin.
"Pero Syd, iba na ngayon ang panahon at alam mo yan."pag alala niyang sabi,anong nakain ng nanay ko at bakit ganun nalang siyang magisip.
"Mama,blessing na ang dumating sakin tatanggihan ko paba?atsaka isang taon lang naman ako doon mama."sagot ko sa kanya habang inaayos na ang mga gamit ko.Tinititigan lang ako ni mama,na para ng sinuri niya ang bawat galaw ko.
"Kapag naumpisahan mo na,siguradong hindi kana makakabalik."sakin niya ba sinabi yon?o sa sarili niya?hindi ko nalang siya pinansin dahil ngumiti na siya sakin na tanda ng pagsang ayon niya sa pag alis ko.
"Basta,mag iingat ka kung saan ka man pupunta." nagsalita siya ulit at tinulungan akong mag ayos nang gamit ko.
"Oo naman mama,ako pa lahat gagawin ko para matupad ko ang pangarap kong payamanin ka."sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.Mamimiss ko talaga tong nanay kong masungit kahit ganun siya alam kong mahal na mahal ako ni mama.
"Oh siya,isuot mo tong kwintas ko para swertehin ka kahit papano."talaga?binigay niya sakin ang kwintas niya na matagal ko ng gustong hingiin sa kanya pero ayaw niyang ibigay sakin.
"Talaga mama?! Akala ko.." natatawa kong sabi sa kanya dahil hindi ako makapaniwala.
"Akala mo lang yon," sinungitan na agad ako.
"Tao po!"
"Mama,baka si Cyruz na yan aalis nako magiingat ka palagi dito ah?"sabi ko sa kanya habang palabas na kami ng bahay.
"Oo wag mo akong isipin,ang sarili mo ang ingatan mo."sabi niya at ginugulo niya ang buhok ko.
"Mama naman!" nakakainis nagiging bruha na tuloy ako.
"Maganda pa rin naman haha"natatawa niyang sabi,sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Magandang umaga po sainyo."magalang na bati ni Cyruz kay mama.
"Magandang umaga din sa iyo ih-"napatigil si mama sa pagbati kay Cyruz. Napatingin ako kay mama pero "Iho,magandang umaga!ikaw na bahala sa anak ko ah?"masigla niyang sabi kay Cyruz, akala ko susungitan niya pa si Cyruz.
"Mama wag ka nga!Tara na Cyruz baka mahuli pa tayo"sabi ko kay Cyruz,baka kasi takutin pa siya ni mama.
"Oo naman po tita, ako na bahala kay Zelle. Alis na po kami." magalang napagpapaalam ni Cyruz kay mama.
"Alis nako mama!" sigaw ko sa kanya,habang papaalis na ang kotse ni Cyruz,ang mamahalin ng sasakyan niya.Halatang galing sa marangyang pamilya si Cyruz.
"Ang gara naman ng sasakyan mo Cyruz." masigla kong sabi sa kanya,kailan kaya ako mag kakaganto ang ganda talaga super.
"Hindi sakin to,kay daddy pinahatid nga lang ako kay manong berto"nahihiya niyang sabi at pakamot kamot pa sa ulo.Mannerism niya ba yong pakamot kamot?ang cute kasi para sakin.
"Kahit na hindi sayo,ang ganda parin mukhang anak mayaman ka."masigla ko paring sabi sa kanya habang pasandal sandal at pasilip silip sa bintana ng kotse.
"Sakto lang."sagot niya sakin,sabay tingin sakin na nakangiti.Hala wag kang ngumiti sakin baka ano ah..nevermind.
"Nga pala,Saan ba banda yong school?Bakit nasa liblib tayo na lugar?Puro kasi puno ang dinadaan natin."pag iiba ko ng usapan namin.Atsaka totoo naman puro mga puno ang dinadaanan namin at medyo mabato pa kasi pagiwang giwang ang sasakyan halatang malubak ang daan dito.
"Malapit na tayo"maikli niyang sagot sa dami kong tanong.Tumingin nalang ako sa bintana ang dinama ang lamig ng simoy ng hangin.Medyo dumidilim na pero hindi pana man gabi,dahil siguro sa mga mamatataas na puno natatakpan niya ang araw sa taas.
"Young master,nandito na tayo."sabi ni mang Berto,driver ni Cyruz.
"Talaga?masyadong mabilis,"sabi ko at sabay baba na kasi binuksan na ni Cyruz ang pinto ng kotse.
"Wow!" namamangha kong sabi ng makita ko kung ano ang nasa harapan ko.
"Welcome to Heaven University." ang ganda hindi ko aakalain na ganto kaganda ang school nato.Lalo na ang pangalan mukhang mababait ang tao dito.Sa pangalan palang ng school.Mukhang ito na ang bagong buhay na haharapin ko.Sana dito na ang umpisa ng pag angat ko sa buhay.
_______________________________

BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.