Rhaynezelle"Stop this playing Moore,Let's go."napatingin ako sa nagsalita sa harap ko,humarang pala siya sakin kaya hindi sakin tumama ang kutsilyong binato ni Moore.
"What the hell Kreon?!Why did you catch it?"malakas nasigaw ni Moore sa lalaking nakaharang sakin.Tumingin ako bandang kamay niya.Nakita kong nagdudugo ito,sinalo niya yong kutsilyo?
"A-ayos ka lang?"hiniwakan ko ang likod ni Kreon daw ang pangalan.Naguguilty ako bat niya kasi sinalo yon,yan tuloy nasugatan siya.
"Don't you dare touch him bitch!"malakas na sigaw ni Moore at tulak sakin kaya napaupo ako sa may lupa at agad naman akong dinaluhan ni Ellie.
"Ayos kalang Rhayne?sabi ko sayo wag kana makialam ih,"nagaalalang tanong sakin ni Ellie.At tinulungan akong makatayo.
"Moore Let's go,"napatingin ako sa lalaking tumulong sakin,at nakita kong nakatingin siya sakin.Ang mata niyang sobrang daming katanungan,at ang matipuno niyang pangangatawan at gwapong mukha.Hindi ko papigilang tignan siya mula ulo hanggang paa.
I remember him,siya yong isang lalaking umawat noong nakaraan dalawang linggo doon sa mga lalaking nag aaway.
"I'm not done with you bitch!Watch your way baka ako na makasalubong mo,and that time hindi nakita papalagpasin."matalim na titig ang pinukol niya sakin at agad na lumakad paalis.Sumunod naman sa kanya si Kreon na bago umalis tinignan muna ako.
"Tara na Rhayne,baka malate na tayo this time."aya sakin ni Ellie,napatingin ako kay Celes na pailing-iling nalang.
"Sino si Moore?"napatigil silang dalawa sa pag lalakad,dahil sa tanong ko.Bakit anong meron?sino ba ang babaeng yon?Bat pati sila mukhang takot sa babaeng yon.
"Mamaya nalang natin yan pagusapan,mahalaga ang araw nato kaya dito mo muna ifocus ang sarili mo."seryosong sabi ni Ellie at nag patuloy nasa paglalakad.
"Rules No.4,Don't let you eat your curiousity."pahabol nasabi ni Celes,at agad na sumunod sa pag lalakad kay Ellie.
Hindi naman ako curious sa Moore na yon,bat kong makaasta sila parang weird.Mas curious ako sa ibang bagay.
Hindi ko nalang namalayan na,nakarating na pala kami sa room namin.At nagsiupuan na sila Ellie at Celes sa dati naming upuan.Umupo narin ako sa bandang bintana kong saan lagi akong umupo.
"Good morning Heavenians!Today is a very special day!"napatingin ako sa harap ng magsalita ng masigla si Mrs.Ocampo.Bat siya masaya?anong special sa araw nato?
"And some of you alam na ang mangyayari sa araw nato,But specially for who those tranferee student.Nawalang alam sa mga magaganap ngayon.But before we proceed that,gusto kong ipakilala sainyo ang bagong estudyante ng Heaven University."napatingin ako sa labas ng pinto at nakita ko ang dalawang estudyanteng naka sibilian na damit.
"The two of you,please introduce your self to your classmates."matamis na ngiti ni Mrs.Ocampo sa mga bagong estudyante.Bakit pa sila lumipat dito?Hindi ba nila alam ang pinasok nila?Gantong ganto rin ba ang reaction ng ibang estudyante nang makita kami ni Cyruz na pumasok sa paaralang ito.
Unang pumasok ang lalaking medyo mayabang ang dating,may pangiti-ngiti pa siya nalalaman.
"Thomas Del mundo,"akala mo kong sinong maraming sasabihin.Agad siyang umupo sa may bakanteng upuan.Sumunod namang nag pakilala ang babae,medyo nahihiya pa siyang tumingin samin.Magkasama kaya sila?tulad namin ni Cyruz?
"Chanda Artemis."matamis niyang sabi,napakaganda niya mala anghel ang mukha niya,kaya napasinghap ang mga lalaki kong kaklase.Kasi sino ba naman ang hindi maakit sa ganda niya sobrang puti pa ng balat niya.
Pumanhik siya agad sa may bakanteng upuan,sa tabi ni Celes.
"Back to our topic,Sa araw nato ang pinaka mahalagang araw sa Heaven University,dahil dito mag uumpisa ang tunay na pakay ng paaralan na ito."seryoso nang sabi ni Mrs Ocampo.
"At itong araw nato mag uumpisa ang tunay na ituturo sainyo.Let's proceed."binuksan ni Mrs.Ocampo ang malaking kahon sa ibabaw ng kanyang lamesa.At bumubunot siya ng isang papel.
"Nandito sa nakasulat sa papel nato ang mga palatuntunan.Makinig ng mabuti at babasahin ko Heavenians."seryosong-seryoso na si Mrs.Ocampo at ako naman ang malakas na ang tibok ng puso ko at kinakabahan nako.Kung para saan ang mga nangyayari ngayon.
"Alalahanin ang bawat detalying nakasulat sa kahon na pinadala sainyo ngayong araw.Sundin ang bawat nakasulat at mga dapat gawin na pinapagawa sayo."nasinghap ako sa bawat bigkas at pagbabasa ni Mrs.Ocampo
Naalala ko ang nabasa ko sa papel na nakalagay sa kahon.At agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko.
"Sa bawat armas na nakalagay sa iyong kahon ay may iba't ibang guro ang magtuturo sainyo.Kaya dapat ay sa bawat armas na meron ka dapat malaman mo kung pano ito gamitin na walang sino man ang nakakaalam na gantong uri na armas ang meron ka.Rule No.5 Be smart at your own."
Kinilabutan akong lubos sa mga naalala ko,ito na pala yon.Tuturuan kaming gumamit ng iba'ibang uri nang armas.Meron akong tatlong uri ng kutsilyo na hindi ko alam kong ano ang mga pangalan nito.At may dalawang klase ng baril at mga lubid.At dapat kailangan kong malaman kong pano gamitin ang mga yon nang walang nakakaalam.
"Ang sunod na iyong klase ay si Mr.Darwin Madrid ang magtuturo sainyo ng iba't ibang klase ng kutsilyo."madiin na sabi ni Mrs Ocampo kaya napa harap ako sa harap.
"Ngayon na mag uumpisa ang tunay na reyalidad na pinasukan niyo,"at doon na bumalik ang matamis na ngiti ni Mrs.Ocampo
Baliw na siya,anong paaralan ang mag tuturo gumamit ng mga iba't ibang armas.Para saan?para pumatay?ng mga kapwa estudyante?
"Malapit nang matapos ang ating oras,iiwan ko na kayo para maka paghanda."matamis na ngiti nasabi ni Mrs.Ocampo at lumabas ng silid.
Binalot nang katahimikan ang loob ng silid at iba't ibang tensyon ang mga nararamdaman ko,nawala na ang bulungang naririnig ko kanina.Tinignan ko si Chanda mukhang hindi naman siya naguguluhan,sigurado ako natanggap niya na ang kahon niya.
"Labas na tayo,sa labas nalang tayo mag handa para makalanghap tayo nang hangin."seryosong aya ni Ellie samin at tumayo na siya.Tatayo narin sana kami ni Celes ng may mag salita.
"Pwede ba ako sumama sainyo?"nahihiyang sabi ni Chanda samin,at parang nilakasan niya lang ang loob niya.
"Sa iba nalang wag samin,tara na Ellie At Rhayne."masungit na sabi ni Celes na hindi man lang nilingon si Chanda.Tinignan ko si Chanda nalungkot ang kanyang mukha.
"Sige sama ka samin,"nakangiti kong sabi at napangiti naman si Chanda sa narinig niya.Napatigil si Celes sa paglalakad.
"Rhayne ano ginagawa mo?"tinaasan niya ako nang kilay,alam kong masungit si Celes pero goods na kami kaya nasusuway ko na siya.
"Ellie diba pwede siyang sumama satin?"binaling ko ang tanong kay Ellie,nang hindi pinapansin si Celes.Nag kibit balikat lang si Ellie.
"Salamat,Rhayne right?"nakangiting sabi ni Chanda na ako na ang kausap.
"Wala yon,"naka ngiti ko ding sabi sa kanya at inangkala niya ang kamay niyang sa braso ko.
"Masyadong nagtitiwala,"may sinabi pa Si Celes bago umalis pero hindi kuna narinig.Ngumiti nalang ako kay Chanda at sumunod na kami palabas.
_____________________________
Guys please click the votes!Lovelots.
BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.