23- Project Z-one

250 26 1
                                    

Rhaynezelle


Hindi ko alam kong pinagtitripan lang ako ng lalaking to o sadyang wala lang magawa sa buhay. Hindi niya sinabi sakin ang plano tungkol sa Project Z- one na yan, atat pana man akong malaman kong tungkol saan ang project keme na yun kung bakit kailangan pa yun dito sa paaralan nato. Ang pagkakatanda ko ang August na ngayon dapat ang pinag diriwang nila ay ang buwan na wika?tama naman ako diba? Ganun din naman ang pinag diriwang ng mga normal na paaralan sa mundong ito. Pero agad din pumasok sa isip ko wala nga pala ako sa normal na paaralan kaya bat ko iisipin ang mga bagay na kinasanayan ko noong nasa labas pa ako ng paaralan nato.

Alam ko na mang hindi normal ang paaralan na pinasukan ko.Dahil sa hirap ng buhay hindi ako nag dalawang isip na sumama kay Cyruz dito,hindi ko man lang inisip kong mapapahamak ba ako dito o makakabuti ba sakin ang pag pasok ko dito. Basta ang nasa isip ko ng mga oras na yun ay basta maka pag aral at makapagtapos ako ng pag aaral na walang pinoproblemang pera o kahit anong pang hindi ko kayang gawin.Madalas pumasok sa isip ko,kung bakit hindi man lang ako pinigilan ng mama ko na umalis kahit na alam niyang wala akong ka alam alam sa lugar na pupuntahan ko.

Hinawakan ko ang kwintas na binigay sakin ni mama bago umalis, ito ang kwintas na hindi niya kahit kailan man inalis sa kanyang leeg masyado niya itong inaalagaan. Madalas ko narin itong hingiin sa kanya , hindi niya man lang ako mapagbigyan. Ito daw kasi ang kaisa-isang regalo ang iniwan ng aking ama sa kanya bago siya nito ewan ng walang paalam habang pinag bubuntis niya palamang ako. Simula ng pinanganak ako ni mama kahit kailan man hindi niya nagawang banggitin sakin ang aking tatay. Huling tanong ko sa kanya tungkol sa aking ama ay nung ako'y sampung taong gulang palamang. Galit lamang ang pinakita niya sakin ng mga oras na yun, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw nayun. Sa araw na yun bigla nalamang ako nakalimutan ni mama bilang anak niya, isang linggo niya akong hindi pinansin at parang wala lang ako sa kanya ng mga oras na yun.

" Ang lalim naman ng iniisip mo Rhayne." nabaling ako sa nag salita sa tabi ko.

" Saan ba ang punta mo at bakit kanina kapa nag lalakad?" naguguluhan na tanong ni Zarius habang palingon- lingon pa siya sa paligid na parang may tinitignan siya doon.

"At bakit pasulpot-sulpot ka naman? Hobby muna ba yang bagay na yan?" sagot ko sa mga tanong niya sakin. Hindi ko naman siya kasabay kanina mag isa akong lumabas ng ssg room pagkatapos ibigay sakin ni President ang isang flashdrive or usb nato.Nandito daw ang lahat na plinano niya tungkol sa project Z- one at iutusan niya akong ibigay ito kay Kreios na hindi ko alam kong saan ko hahagilapin sa mga oras nato. Hindi ko alam kong saan siya tumatambay sa mga oras nato kahit anino ng mga Greekious ay wala akong makita kaya kanina pa ako paikot-ikot dito at itong isa lang to ang kasama ko kasi pasulpot- sulpot lang kong saan-saan. Kaya hindi ko namalayan ang pagsulpot ng lalaking to sa tabi ko lagi naman niyang gawain.

"Sa lalim ng iniisip mo hindi mo nga talaga napansin ang pagdating ko,tss." nabaling ako sa kanya sa sinabi lalo na ang huli na parang siya ang kausap ko kanina lang, pero alam kong malabo.

" Makatingin ka diyan parang papatayin muna ako sa isip mo ah?What did I do?" nalilito niyang tanong at tumingin narin sakin ang inosente niyang mga mata. Malabo ang iniisip ko mali to.

"Alam mo ba kung nasaan sa mga oras nato ang demonyong si Kreios?" pag iiba ko nalang sa usapan at hindi nako tumingin sa kanya nag patuloy nalang ulit ko sa pag lalakad.Pansin kong nag lalabasan na ang mga ibang estudyante mukhang tapos na ang mga training nila. Napansin kong nasa bandang library kami ngayon.

"So? siya ang hinahanap mo mula pa kanina?" tanong sakin ni Zarius. Huminto na siya sa may tapat ng pinto ng library na nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng uniform pants niya.

"Kung hindi lang ako inutusan ng mokong na presidente natin.Why I would do that?" sagot sa kanya at huminto na sa harap niya. Nakita ko ang pag ngiwi niya sa sinabi ko pero napalitan naman yun agad ng pag ngisi.

When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon