24- Project start

256 29 1
                                    

Rhaynezelle

" Good day to everyone here! Every all of you are know why we are here. Our SSG officer are finally start the project.At alam natin lahat tungkol saan ang project na to." nang makarating kami ni Zarius sa bandang gilid ng gymnasium ay nag umpisa ng magsalita kung sino man ang nasa likod ng malaking speaker nato.


Iba ang inaasahan ko, akala ko ang president ang haharap sa aming lahat upang ipaliwanag ang lahat. Pero wala siya dito ang nakikita ko sa harap ng stage ang mga ssg officer maliban sa president na wala dito. Namataan ko sa taas si Kreios na walang emosyong naka tingin sa dagat-dagatang estudyante sa harap niya. Hindi ko mabasa ang mga iniisip niya puro dilim lang ang mga pinapakita ng dalawang mga mata niya. Katabi niya sa kanang upuan ang kapatid niyang si Kreon na wala ring emosyon ang mga mata ngunit nakangisi ang mga labi ng mag tagpo ang mga tingin naming dalawa, agad kong inalis ang tigtig ko sa kanya at nilipat ito sa katabi niya. Doon ko Nakita ang masamang tingin naginagawad sakin ni Moore,mukhang nakita niya ang pagpalitan namin ng tingin ni Kreon.Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin niya sakin,dahil wala naman akong ginagawang masama.


Ibinaling ko ang tingin ko sa katabi ko, seryoso siyang nakatingin sa harap na parang nandoon ang nagsasalita. Tignan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko, hindi ko napansin na kanina pa siya nakahawak sakin. Agad ko naman itong tinanggal sa diko alam ang dahilan. Wala naman siyang ibang ginawa tignan lang niya ako na may pagkalito at pinang walang bahala niya nalang.

" Ngunit maraming pag babago ang binago ng ating Presidente ng Heaven University. At alam naman nating lahat nawala tayong magagawa pag ang Presidente na ang kumilos at gumawa." nakuha ng nagsasalita ang atensyon ko at doon ko tinuon ang sarili ko, dahil nabanggit nito kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng presidente.


"Isa ang pagbabago dito ang Project Z-one,kung dati ay isa-isa kayong lalagpas sa bawat proyekto. Ngayon ay nabago ito, merong binuong limang grupo ang presidente at kung sino man ang masasali sa bawat grupo ay siya ang mabibilang sa bawat Projecy Z." bulungan ang umani sa bawat sulok ng gymnasium ang iba ay sumasang-ayon sa pagbabago at ang iba naman ay hindi sumasang-ayon.


" Limang grupo? omyghad kasama ba ang Helliones dito?o ang Greekious?"

" This is hell for sure!"

"I hope hindi ako makasali"

"Bat kailangan pa ng grupo? Hindi isa-isa nalang magiging pabigat lang ang iba!"

" Lugi pag walang may alam ang masasama satin"


"Nababaliw na ba ang presidente? Gusto niya bang magpatayan tayo?"

"Dapat na nanahimik nalang siya at hindi binago ang Project Z!"


Hindi ko maintindihan ang mga hinaing ng bawat isa dito, naguguluhan ako kung bakit galit sila sa pagbabago at bakit naiisip nilang gusto ng presidente na mag patayan ang bawat isa. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit mayroong Project Z na yan at bakit binuo pa yan. Mas lalo akong naguguluhan sa bawat araw na nagdadaan ako dito hindi ko alam kung ano ba talaga ng tunay na pakay ng paaralan nato sa amin. Bakit ibang - iba ang patakaran nila sa normal na paaralan sa labas nito. Ang dami ng bakit ang nabubuo sa loob ng utak ko at kahit nito ay wala akong maisagot.



" Zarius ano ang nangyayari?" nawalang pasensya ko kaya nag lakas ako ng loob mag tanong kay Zarius kahit alam kong hindi niya naman ako sasagutin.



"Hindi ko rin alam." nakangisi niyang sagot naparang inaasar niya ako.



"Ako ba'y ginagago mo?" naiinis kong sabi sa kanya at bumaling siya sakin.


When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon