29- Let's start the game.

316 23 33
                                    

Rhaynezelle

Walang kibo ang lahat ng marinig nila ang pangalan ko. Walang sinong nag balak mag salita. Kahit anong gawin ko kung kapalaran ko talaga wala akong magagawa. Mukhang kapalaran kung harapin si kamatayan para lang makalabas sa empyernong paaralan nato.

"I'm in." lakas kung loob na sabi.

"So, it's fairly game." nawala na ang gulat sa mga mata ni Kreios at napalitan na ito ng isang ngisi.

"Did you plan this, fucker?"  napabaling kami kay Zarius ng sunggaban niya ng suntok si Kreios, wala kaming narinig na kahit anong salita sa dalawa kundi masasamang tingin lang ang ipinupukol nila sa bawat isa. " What do you think, Zigzagzigzag?" napabaling ako kay Kreios ng nginisian niya si Zarius at tinulak ito.

"It's already 6:45 pm, we have a 15 minutes to prepare guys." Sabi ni Kreios na nakangisi parin habang si Zarius umigting ang panga na masama ang tingin Kay Kreios.

"Don't worry Zelle, I'm here to guide you." nabaling ako ng marinig ko ang boses ni Cyruz sa tabi ko.

"Salamat, pero alam kong wala akong maitutulong sainyo. Hindi ako kasing galing niyo." sabi ko kay Cyruz.

"You don't need to fight, sa likod lang kita sa buong oras ng labanan."  seryosong sabi ni Cyruz.

"Pero--" pinutol niya ang sasabihin ko

"No buts please." malumanay niyang sabi. Sasagot na sana ako ng mag salita si Ellie.

"Take care of her." seryosong sabi ni Ellie kay Cyruz.

"Di muna kailangan sabihin, dahil yun talaga ang gagawin ko." seryoso sagot ni Cyruz kay Ellie.

"Don't worry about me Ellie , kaya ko to okay?" sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Alam ko, pero alam ko din na dimo alam ang galawan sa Warfield." nag alala niyang sagot.

"Hindi ko man alam, sigurado akong matutunan ko yun." seryoso kong sagot sa kanya. Sasagot pa sana si Ellie ng may magsalita.

"Tara na Rhayne, andun na silang lahat." sabi ni Cyruz.

" Ellie, don't worry okay?" sabi ko kay Ellie at tumango naman siya.

******

" Choose the weapon that you want to use later. " malamig na sabi ni Kreios.

Nandito kami sa training ground ng room ng Zevallos. Tama nga ang sabi na kumpleto na Ang lahat dito. Nag kanya- kanya ng kuha sila Cyruz ng gagamitin nilang armas mamaya dahil sa utos ni Kreios. Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid na ito wala akong ibang makita kundi mga armas at training ground. Hinanap ng paningin ko ang kanina ko pa hinahanap ngunit hindi ko matagpuan. Nasaan kaya siya? Bakit wala siya dito?

Napatigil ako sa pag iisip ng mapatigil ako sa harap ng kahon, agad ko itong binuksan. Nakita ko ang laman nito dalawang pares ng kutsilyo diko alam kung kutsilyo nga ito pero hugis kutsilyo siya. Agad kong kinuha ang isa at tinignan ito. May nakita akong nakasulat sa may bandang hawakan.

"Arisia Ciah "  banggit ko sa nakasulat, kinuha ko naman yung isang pares nito. At may nakasulat din.

"Aciah and Z."  tibok lang ng puso ko ang naririnig ko parang wala nakong naririnig sa paligid na kahit ano. Hindi ko alam kung bakit parang kaba ang naramdaman ko nang basahin ko ang pangalan na nakasulat sa mga armas na to. Alam kong pangalan yun at sigurado ako yun ang may ari ng armas nato.

" Put it back." napaigtad ng marinig ko ang malamig na boses ni Zarius. Hindi ko agad na ibalik ang armas at muntik ko pa itong mahulog dahil sa gulat at kaba pero agad naman itong nasalo ni Zarius ng walang kahirap-hirap alam kong mabigat ang armas na yun kahit sino malaglagan nun ay masasaktan pero si Zarius siya maliit na bagay lang yun sa kanya.

When University KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon