Rhaynezelle
Abala na ang lahat sa pag aayos ng mga upuan upang magkaroon ng sapat ng espasyo dito sa silid,mukhang dito lang kaming lahat walang balak ata lumabas ng silid si Sir Lemuel.Siya ang nag utos sa amin na ayusin ang mga upuan para maging maluwag ang espasyong sinasabi niya.
Sila Chanda at ang dalawa pang kasama ko sa special class nato ang nag tutulungan para maayos ang mga upuan,tumutulong din ako.Naka upo lang sila Kreios at Kreon,yung dalawa naman nilang kasama na sila Fritz at Yeon ay parang natutulog sa gilid.Mag kaaway sila pero iisa lang ang ginagawa.ANG MATULOG.
"Tulungan kita,gusto mo?" nakangising sabi ng asungot natong si Zarius sa harap ko.Kung nasan ako nandoon siya,hindi ko alam kong ano siya o nang iinis lang siya.
"Lumayo ka sakin." walang emosyon kong sabi sa kanya,hindi ko gusto ang presensya niya ngayon.Lalo na't masasamang tingin ang pinupukol ni Kreios sakin sa bawat pag tatama ng mga mata naming dalawa.Mukhang binabantayan niya ang bawat kilos ko kanina pa,kapag nagkamali ako dito sigurado akong may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.
"Ano bang kasalan mo sa mag kapatid na yan?Bakit parang gusto ka nilang ilibing ng buhay?" medyo bored na tanong ni Zarius at kinain ang dala niyang buble gum.
Doon ako napabaling sa kanya,at tumingin ako sa magkapatid.Ganon parin ang tingin na pinupukol sakin ni Kreios,habang si Kreon naman ay seryoso lang na nakatingin sakin na parang naguguluhan.
"None of your business." pag susungit ko parin sa kanya,kahit may gusto rin akong itanong pero ayoko.Baka isipin niya na feeling close ako sa kanya.
"Business?buti kapa may business na.Anong klaseng negosyo ang meron ka?" medyo inosente niyang tanong at may halong ngisi.
"bwesit ka sabi ko." nakakapikon talaga siya,bakit ayaw niya akong lubayan.Hindi naman kami close para kausapin niya ako ng ganto.
"Galit ka parin ba sa nangyari satin kanina?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya at agad tumingin sa mga kasama namin sa silid kong may nakarinig sa sinabi niya.
"Zarius,tumahimik ka nga baka marinig ka nila." Naiinis kong sabi sa kanya at lumayo na pero masyadong matigas ang ulo nitong lalaking to.Sumunod parin siya sakin kahit nasa pinaka gilid nako ng silid nato.
"Ano naman kung marinig nila ako?Wala naman akong masamang sinabi." sabi niya sabay halukipkip sa may bakanteng upuan.
"Pwede ba lumayo ka sakin,sa totoo lang kanina pa ako naiinis sa presensya mo." bulgar kong sabi sa kanya at tinalikuran siya para lumipat ng pwesto pero nakasalubong si Kreon.At nabangga ko siya.
"S-sorry" medyo nauutal kong sabi,at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Move." mahina niyang sabi at hindi ko masyadong narinig.
"Huh?" inosente kung tanong at tinaas ko ang aking ulo para tignan siya sa mukha.Nagulat ako sa paraan ng pagtingin niya sakin.Kung kanina ay seryoso lang siyang nakatingin sakin pero ngayon parang may gusto siyang gawin sakin.Ang sasama ng tingin ang pinupukol niya sakin.At doon ako labis na kinabahan.
"I said move!" mahinahon niyang sabi pero medyo pasigaw iyon.
Nagulat ako sa pagsingal niya kaya hindi agad ako nakakilos.Para akong nastatwa sa kinatatayuan ko,hindi ko alam kung pano gumalaw sa mga oras nato.
"You don't have ears?" matigas na pag kakasabi niya at parang napipikon na sa kung anong bagay.
"S-sor-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang humatak sakin.
"Pwede namang ikaw nalang ang umalis." medyo mahinahon na sabi ni Zarius at may pagkainis.
"You tell me to adjust fucker?" doon na nalabas ang galit na emosyon ni Kreon parang napigtas ni Zarius ang pasenyang kanina pa pinipigilan ni Kreon.
"Can you?" nakangisi na nasabi ni Zarius na parang iniinis niya na si Kreon sa paraan ng pag kakasabi niya.
"What the fuck-" aambahan na sana ni Kreon ng suntok si Zarius ng biglang nagsalita si Sir Lemuel.
"Ops!Hindi ko pa sinabing maglaban na kayo." seryosong sabi ni Sir Lemuel at pinaghiwalay ang dalawa.Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"At ikaw,may tenga ka naman o sadyang tanga kalang." medyo masakit na sabi ni Sir Lemuel sakin.Na parang nandidiri siya sakin na hindi ko alam.Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sobrang kaba at hiya,dahil alam kong ako naman talaga ang may kasalanan kaya magaaway yung dalawa.
"I want you to-" hindi natapos ni Sir Lemuel ang sasabihin na biglang may sumingit.
"Are you gonna teach them?or Keep talking nonsense." seryosong sabi ni Kreios at final na pagkakasabi niya.
Nagulat si Sir Lemuel sa biglang pagsingit ni Kreios sa pagsasalita niya.Mukhang di niya inasahan na makikialam si Kreios.
"If you want to insult her,after this learning Intregal." walang emosyon at galang na sabi ni Kreios.
Namuo ang galit na emosyon ni Sir Lemuel ngayon at masamang tingin ang pinukol sakin.May bago na naman akong kaaway dito sa paaralan nato ng dahil sa lucifer na yan.
"Kreios is right sir, let's start now our time is treasure." seryosong sabi ni Fritz,at napabaling siya ng tingin sakin.Mukhang sinuri niya ako ngayon.
"Fine! Get your partner now!" pagalit na sigaw ni Sir Lemuel at binangga ako.Muntik nako matumba pero mukhang naalalayan ako ni Zarius.
"Ayos kalang?" sabi niya sakin na hindi makatingin.
Tinignan ko siya sa mukha pero mailap,ang mata niya sakin.Na parang ayaw niyang malaman ko ang iniisip niya ngayon.
"S-salamat." mahina kong sabi sa kanya,at hindi kuna siya tinignan pa.
Nag umpisa na kaming lahat at nagkanya-kanya nang punta partner.
"We start at the easy method,we call it self defense. Tuturuan kayo ng mga partner niya kung pano lumaban,dahil hindi ko kayo tuturuan gumamit ng mga kahit anong armas kung hindi kayo marunong makipaglaban.Walang saysay ang lahat,pag hindi kayo marunong lumaban." mahinahon at seryoso niyang sabi samin lahat.
"Heliones and Greekious,gawin niyo na ang task niyo." sabi ni Sir Lemuel sa kanila Zarius.
"Make sure it will done in 3 days.At ang natitirang 4 days ay para sa mga armas na matutunan nila.Remember it's special class so i hope kayo ang magiging magaling sa lahat." mahinahon na sabi ni Sir Lemuel at tumango sa aming lahat,at lumabas sa silid.
"Doon tayo sa may dulo,para walang makasagabal satin." sabi ni Zarius at masamang tingin ang pinukol niya kay Kreon na masama na pala ang tingin saming dalawa,o sakin lang?
Hindi ko alam kong anong masama ang nagawa ko kay Kreon para ganun ang kilos niya sakin.Dahil ba kay Moore?or ano?naguguluhan talaga ako.
_____________________________________
:))))

BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.