RhaynezelleNakaupo kami sa may canteen habang hinihintay ang oras namin sa susunod na klase.Walang imikan ang nagaganap at napapatingin ko kay Celes na puro irap lang ginawa.Iniirapan niya si Chanda kahit alam niyang nakikita at napapansin siya ni Chanda, wala siyang pakialam.
"Guys,Let's buy food nalang muna habang naghihintay tayo sa next subject natin."sabi ni Chanda habang nakangiti pa samin."I mean next class pala."
"Ikaw nakaisip,why don't you do it?"sagot ni Celes sabay irap kay Chanda.
Ito talagang si Celes,hindi makontrol ng emosyon.Napahiya tuloy si Chanda sa amin.
"Sorry,I thought gutom na kayo.Sige ako nalang ang bibili ng food,Rhayne what do you want?"sabi niya sabay baling sakin ang atensiyon niya.
"Huh?Kahit pizza and softdrinks nalang ang akin,chips nalang ibili mo sa kanilang dalawa."nahihiya kong sabi sa kanya.Ako nalang ang nahihiya sa ginawa ni Celes.
"Oh right,wait me here."sagot niya sabay alis na.
"Celes,what is that for?"sabi ni Ellie kay Celes,akala ko ako lang ang nakapansin sa ginagawa ni Celes.
"I don't like her,simple."sagot niya at sabay kain na nang chip sa loob ng bag niya,ito talagang babaeng to.
"Kahit na,dapat hindi ganun ang trato mo sa kanya."sabi ko sa kanya.
"Wala ka nang pakialam doon,I guess." kibit- balikat niyang sagot sakin.
"Celestine!Your mouth gash.Why are you always like that?See,Si Rhayne ang kaharap mo,hindi yung Charlie na yun o ano mang pangalan nun.I don't know her name,anyway." sabat ni Ellie sabay irap sa kawalan.
Bigla nalang napatawa si Celes,dahil sa pag banggit ni Ellie ng pangalan ni Chanda.
"Eh ikaw ngang walang paki alam,sa paligid."natatawang sagot ni Celes.
"Gaash,What is her name kasi?"naiiritang tanong ni Ellie at natatawa nalang.
"Chanda Artemis,Ellie not Charlie." sagot ko.
Kaya nagtawanan nalang kaming lahat sa pag kakamali ni Ellie.Kahit sa gantong bagay napapasaya ako.Ngayon lang ako nag karoon nang malalapit na kaibigan na kagaya nila Ellie at Celes.Isa ko narin si Chanda,dahil malapit ang loob ko sa kanya.
"Let's stop this nonsense,tara na sa room 5 mins nalang mag s-start na ang class."pag sasalita ni Celes sabay tayo na.
"Pero si Chanda," pagpigil ko kay Celes,dahil wala pa rin si Chanda.
"She's not a friend,anyway."sagot sakin ni Celes,at ako nalang ang hinila niya agad patayo.At kinuha ni Ellie ang bag ko sa lamesa at sumunod sa amin ni Celes.
Nakarating kami sa classroom na sobrang tahimik at pwede kanang makatulog nang mahimbing.Naka arrange na pahalang ang bawat upuan,iniwan ang space sa gitna.
"Bat ganyan ang ayos?" tanong ko kay Celes,dahil siya nag malapit sakin.
"Para maayos ang pagdemonstrate ni Sir Darwin mamaya." sagot niya at nauna nang pumasok sa room.Sumunod agad sa kanya si Elle at sininyasan akong sumunod na.
Pinalibot ko nang tingin ang dalawa kung mata sa loob ng room.May kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase ko.Hindi ko alam kong normal ba silang lahat,o pati sila alam na ang mga kabaliwang nangyayari sa loob ng paaralang ito.
BINABASA MO ANG
When University Kills
Mystery / Thriller"Kahit saan,nararamdaman kita.I also see you everywhere.You're part of every place I go to." itinuro niya ang puso,at tumingin sa mga mata ko. "You haunt me here.And that makes me the luckiest jerk there is." Genre: Mystery/Thriller,Action,Romance.