Merry Christmas everyone!
Chapter 32
"Malapit na Kesh...nakikita ko na ang ulo."
Humugot ako ng malalim na hininga saka umiri ng umiri. Kanina pa ako rito sa loob ng delivery room. Kanina pa rin ako iri nang iri. Pagod na ako pero hindi ako pwedeng sumuko o bumigay dahil anak ko ang pinaguusapan dito ngayon.
Gusto ko siyang mailabas ng maayos at ligtas, iyong walang komplikasyon o ano pa. Napakasakit oo, pero pinili kong indahin para sa baby ko. Habang tumatagal, hindi ko na kinakaya ang sakit. And yes, may choice ako, kung tutuusin pu'pwede akong magtake ng pain killers pero minabuti kong hindi nalang.
Gusto ko kasing maramdaman lahat ng sakit, miski iyong paglabas niya.
"Ahh..." iri ko ulit, mas mahaba kumpara sa mga ginawa kong pag-iri kanina.
Naiyukom ko ang pareho kong kamao dahil wala akong makapitan. Calix is not here beside me. Paniguradong wala pa siya hanggang ngayon! Napagusapan pa naman namin na siya ang kasama ko kapag isinilang ko na ang magiging anak namin pero look at him...he's not even here!
"Kesh, kaunti nalang talaga, I know pagod kana, pero ipush mo pa, iyong todo, mahaba—"
Hindi na natapos ni Avery ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang nurse na babae.
Binalingan ni Avery ang babae saka tinaasan ng isang kilay. "What is it? Can't you see that we're in the middle of—"
Hindi na naman siya natapos dahil bigla na namang may pumasok. At nang lingunin ko ang gawi na 'yon ay nakita ko si Calix. Agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Mabilis siyang lumapit sa akin.
"I'm sorry I'm late." Hinalikan niya kaagad ako sa noo.
"Sorry to interrupt you Doc, pero nagmamadali na po kasi si Mr. Fontanilla," anang nurse na ngayon lang nakasagot.
Pabuntong-hininga niyang sinulyapan si Calix saka ibinalik sa babaeng nurse ang paningin. "Okay, you may go now, next time ay 'wag mo na itong gagawin ulit, understood?"
Mabilis na tumango ang babae. "Yes Doc."
Nang makaalis ang babae ay binalingan na ulit kami ni Avery. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, ganoon din ako kaya naman nailabas na ng maayos iyong baby namin ni Calix.
Ang iyak ng baby ang pumuno sa silid na kinaroroonan namin. Napaluha ako nang marinig iyon. Finally...lumabas na siya. Salamat sa Diyos.
"He's here, a healthy baby boy." Nginitian kami ni Avery, maya maya lang ay hawak na niya iyong baby namin. Una niya iyong iniabot kay Calix.
At nang lingunin ko ang aking pinakamamahal ay ganoon nalang ang saya ko nang makitang tumulo ang kanyang luha habang nakangiting pinagmamasdan ang aming anak na sa unang pagkakataon ay hawak na niya.
Hindi pa man ako nakapagsasalita ay nilingon na niya ako. Ipinakita niya sa akin ang aming anak, ilang sandali pa ay inilapit na niya ito sa akin. Magkakasunod na tumulo ang luha ko nang oras na iyon. Hindi mapapantayan ang saya ko. Wala na yata akong mahihiling pa.
"Thank you Kesh..." bulong ni Calix saka ako hinalikan sa labi.
Pagod man at medyo nanghihina ay nagawa ko pa rin siyang tanguan at nginitian. Iyon ang mga bagay na huli kong natandaan, narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nang magising ako ay nasa isang puting kwarto na ako. At nang igala ko ang paningin sa kabuuan no'n ay naabutan ko si Calix na natutulog doon sa sofa.
Napangiti ako nang maalala ang eksena niya kanina sa delivery room. He was late, well...almost dahil muntik na niyang hindi makita ang paglabas ng aming anak. Buti nalang talaga at nakahabol siya.
BINABASA MO ANG
Responsibility To Oath (Fixed Series #3)
RomanceFixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected thing happened, he had a one night stand with someone, a Doctor rather named Keshia Lopez. They both knew the rule of one night stand, but...